Nasaan ka na?

45 0 0
                                    

" Kapos ng pera si Lola Ged nuon kaya hindi agad nakapag-aral si Nonong. Dalawang taon din siyang napahinto sa pag-aaral. Ngunit hindi naman ito nagtanim ng sama ng loob bagkus ay minahal pa lalo ni Nonong ang kaniyang itinuring na kapamilya. Napakabait na bata ni Nonong." Kwento ng kapitbahay nila Lola Ged, isang araw ng bumisita si Nael sa kanilang lumang bahay nuon.

Lahat ng kapit bahay nila ay nakatingin sa buhay na natamasa ni Nonong.

"Ibang iba na ang postura ni Nonong, kung dati ay naglalakad lamang ito patungo sa kanilang eskwelahan, palengke o kahit saan man na mapagkakakitaan ngayon ay nakasakay na sa magarang kotse at may mga bodyguard pa." Sabat ng isa pang kapitbahay habang pinagmamasdan ang binata na naglalakad patungo sa pintuan ng kanilang lumang bahay.

Pinasok ni Nonong ang lumang bahay nila Ni Lola Ged, nilibot niya ang lugar. Napaupo siya sa kanilang sofa. Ipinikit niya ag kaniyang mga mata. Sumandal siya. Huminga ng malalim at unti unting minulat ang kaniyang mata. Napatingin siya sa cabinet ng mga tasa.

Biglang naalala niya si Zen na nagpunta nuon sa bahay nila at uminom sa tasang kaniyang nakita. Pinuntahan niya iyon at binuksan ang salamin. Kinuha niya ang tasa na iyon, pinagmasdang mabuti at niyakap.

"Nonong, apo, nobya mo ba si Zed. Eh kay ganda naman, ang galing pumili ng apo ko." Nasabi ni Lola Ged nuon habang kasalo sa pagkakape si Zen at Nonong na nag-aaral pa lamang sa West University.

"Lola, Zen po ang pangalan niya." Sagot niya na nahihiya sa kaharap na si Zen.

"Salamat po Lola Ged. Ha ha ha.." Sagot ni Zen na halatang masaya ng mga panahong iyon kasama nila.

Bigla na lamang siyang napatingin sa sofa na pinagsaluhan nila at naalala niya ang mga nangyari nuon. Masaya pa sila na nagtatawanan at nagkukwentuhan habang humihigop ng mainit na kape.

"Lola Ged. Zen...." Nasambit niya.

Tumulo ang luha ni Nonong habang yakap-yakap ang tasa na iyon.

"Ngayon ay isang magandang pangyayari na lang ang lahat. Simula ng nawala si Zen at Lola Ged sa buhay ko, hindi ko na alam kung paano pa ako nabuhay, ngunit hindi ninyo ako pinabayaan hanggang huli. Mahal na mahal ko kayo. Nasaan man kauo ngayon sana maramdaman ninyo ang pagmamahal ko. Salamat Lola, salamat Zen." Iyak ni Nonong. Hindi niya mapigilan ang mapaluha habang sinasariwa ang mga nangyari sa nakalipas.

Naglakad siya patungo sa kaniyang maliit na kwarto kung saan nangyari ang lahat ng kaniyang pagsisikap sa pag aaral. Binuksan niya ang kaniyang drawer. Nakita niya ag samut saring mga lapis at ballpen na halos wala ng tasa at tinta. Salat sila nuon, ngunit sa tulong ng mga scholarship niya ay naitawaid nila ang kaniyang pag aaral at naging pinakamagaling at pinakamatalino na estudyante sa buong siyudad. 

"Apo, salamat at ibinigay ka sa amin ng Diyos,napakabait mo at nararapat lang na biyayaan ka ng mga bagay na ganito. Mahal na mahal kita apo. Huwag kang magbabago. Kahit wala na ang lola, gagabayan pa rin kita. At gusto ko na magkaroon ka ng pamilya at si Zen ang iyong piliin." Nakangiting nasabi ng kaniyang lola habang sinasabit ang medalya sa kaniya ng matapos ng kolehiyo si Nonong.

"Lola, wala na po si Zen." Malungkot na sagot niya.

Hinawakan siya sa magkabilang pisngi ng kaniyang Lola at tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata, hinalikan siya nito sa nuo.

"Apo hindi nawala si Zen, nagkausap lamang kami kanina bago ka tinawag sa entablado upang magsalita, ang sabi niya Congrats daw." Sagot nito.

"Lola naman, kinikilabutan ako oh. Baka hindi ako makagalaw ng maayos nito." sagot niya.

"Abah, sa tanda ko ng ito magsisinungaling pa ba ako sa iyo apo?" Sagot nito.

"Lola naman, huwag ninyo po akong takutin oh." Sagot niya.

Mga sariwang alaala ng kaniyang Lola Ged nuong nakaraang mga taon. Napapangiti na lamang siya sa tuwing maalala ang mga ganuong pangyayari na hindi na kaya pang ibalik.

"Zen, bakit mo ako iniwan." Nasambit niya. Isang kahapon na hindi niya malilimutan. Isang babae na matapang na lagi siyang pinagtatanggol at tumanggap sa kaniya kahit na siya ay isa lamang nerd nuon.

Napansin niya ang isang bond paper na nakasingit sa isang lumang folder. Kinuha niya ito. Inihipan ang alikabok.

Nabasa niya ang nakasulat sa bond paper.

"Nonong ❤️ Zen Forever. Bagay kayo parehas kayong weird. duh!" Napangiti siya ng nabasa ito. Ibinigay ito ng isang estudyante ng West University kay Zen habang nasa Library silang dalawa ni Nonong.

"Naitabi ko pa pala ito." Nasabi niya habang nakangiti at kinikilig ng maalala ang mga panahong lagi pa silang magkasama ng tagapagtanggol niyang si Zen Fuentes.

Maraming alaala si Zen sa loob ng kwartong iyon. Nalungkot siya. Lumabas na siya ng kwarto at laking gulat niya ng mapatingin sa kanilang pintuan.

"Mildred? What are you doing here?" Tanong niya sabay tago ng tasa at papel na hawak hawak niya.

"Wala ka kasi sa bahay niyo, wala ka rin sa opisina niyo, wala ka rin sa ibang mga businesses niyo. So ito ang last resort na naisip ko na nasa lumang house ka matatagpuan." Sagot nito.

Isang naging magaling na fashion designer si Mildred, pagkatapos ng kolehiyo ay nag-aral ulit ito ng anim na buwan sa America upang maging isang ganap na fashion designer. Naging matagumpay ang career ni Mildred. Lalo siyang gumanda at sumikat.

"Let's go." Pagyaya ni Nonong sabay patay ng ilaw.

Niyakag niya si Mildred palabas ng kanilang lumang bahay.

"Bakit ba Nael, you dont want me to see your old house? Kararating ko lang galing Thailad. Hindi ka ba masaya na nakita mo ako ulit? I have been trying to reach you many times pero hindi mo naman sinasagot lahat ng tawag ko! What is happening? May problema ba tayo?" Nasabi nito habang nagdadabog na sumusunod kay Nonong.

"Sir, ilagay na po natin iyan sa paper bag." Nasabi ng kaniyang personal assistant.

Biglang napatingin si Mildred sa mga items na inilagay ni Nonong sa paper bag na inialok ng kaniyang P.A.

"Ano iyon." Naitanong niya sa kaniyang sarili. Naging interesado siyang malaman ang nilalaman ng paper bag na iyon.

Binulungan ni Nael ang kaniyang P.A tungkol sa mahalagang gamit na iyon. Nahalata naman agad iyon ni Mildred. Kung kaya't binabalak niyang kunin iyon kapag nawaglit sa isipan ng dalawa ang paper bag.

"Mam, Sir, sakay na po sa limo. Hinihintay na po kayo ni Madame Viva at Don Fredo para sa inyong Dinner meeting sa Mansion." Nasabi ng bodyguard ni Nonong sabay bukas ng pinto nito.

"Ok, salamat." Sagot ni Nonong.

Sa loob ng limo.

" Nael, have you forgotten something today?" Tanong ng magandang si Mildred.

Napaisip si Nonong. Bigla niyang naisip na ngayon ay ang kaarawan ni Zen. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siyang kinabahan.

"Something wrong. You feel exhausted?" Pansin ni Mildred.

"Nope. I am good, it's just that.. " putol na nasabi ni Nonong.

"It is ok, today is our anniversary Nael. Nakalimutan mo na." Masayang sagot ni Mildred habang yumayakap kay Nonong ng mahigpit.

"Umpphh,, wait Mildred, hindi ako makahinga." Sagot niya.

"Anniversary? Paanong nagkaroon ng anniversary eh hindi naman naging kami?" Nasambit ni Nonong sa kaniyang isip.

Si Sumpa at Si Mang KuKulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon