"ITIGIL NINYO NGA IYAN!!"sigaw ni Zen sa kabilang lamesa.
Nagulat ang lahat sa sigaw na naidulot ni Zen. Napatigil si Blake sa kaniyang ginagawa kay Nonong at napukaw niyon ang atensyon nito sa dalaga.
Napatingin si Nonong sa ginawang komosyon ni Zen na nuon niya lang nakita sa Unibersidad na iyon.
Si Zen, isang transferee student. Mayaman at may angking kagandahan. May striktong magulang at nag-iisang anak ng mga Fuentes, kilalang angkan ng mga mayayaman. Ang West University ang napili nilang pasukan ni Zen dahil sa mayayaman ang nag-aaral dito. Bagama't si Nonong ang kauna-unahang scholar ng eskwelahan dahil sa angking talino ng binata kahit siya ay mahirap lamang. Laman ng mga pahayagan at mga magazines si Zen na isang cover girl. Modelo siya ngunit hindi pa nito pinasok ang pag-aartista dahil sa gusto ng mga magulang niya na makapagtapos muna ang kanilang anak ng kolehiyo at ipagpatuloy ang pagmomodelo sa ibang bansa.
Lahat na ng atensiyon sa loob ng canteen ay napunta kay Zen. Nanahimik ang lahat.
"Teka Miss ang lakas naman ng loob mong sumigaw sigaw diyan? Baka gusto mo ikaw ang sumunod!" sigaw ng kasamahan ni Blake.
Sumenyas si Blake sa kasamahan at unti-unting nilapitan si Zen.
Nang makalapit.
"Hoy Miss." nasabi ng sigang si Blake at iniangat ng kaliwang kamay niya ang mukha ni Zen.
"Hindi mo yata ako kilala dito?" nasabi ni Blake habang nakatitig sa mga mata ni Zen.
"Tama na 'yan Blake.." awat ni Mildred.
Tinignan lamang siya ni Blake at ibinalik ulit ang atensyon kay Zen.
Inialis ni Zen ang kamay ni Blake sa kaniyang mukha.
"Hoy kung sino ka man, hindi mo kailangang mang-bully ng estudyanteng kagaya ni Nonong! Wala kang respeto!" sigaw ni Zen.
"Aba, tignan mo nga naman ang tapang mo ah?" sagot ni Blake sabay lingon sa kaniyang mga kasamahan.
Tumawa lamang ang mga taong nasa paligid.
Napakamot si Blake at biglang sinunggaban at mag-aamok na halikan si Zen nang biglang.
"Pak!" isang malakas na sampal ang napakawalan ni Zen bago pa man umabot ang mukha ni Blake sa kaniyang mukha.
Lalong tumindi ang eksena. Nagsigawan ang lahat.
Namula ang mukha ni Blake dala ng ginawang sampal ni Zen sa mukha nito. Unti-unting iniharap nito ang mukha niya at humarap ulit kay Zen.
Nagulat ang mga estudyanteng nakasaksi sa eksenang iyon. Ang alam nila ay katapusan na ng transferee student.
"Sa susunod na gawin mo sa akin iyan, hindi ka na makakalabas pa ng buhay dito sa eskwelahang ito!" sigaw ni Blake habang nakatingin ng masama kay Zen.
Sumenyas si Blake sa kaniyang mga kasamahan at umalis sa lugar na iyon.
Nang makalabas ay hindi pa rin makapaniwala si Zen sa kaniyang nagawa.
"Oh my?? Girl ok ka lang ba? Bakit mo ginawa iyon?" nasabi ng kinakabahang si Mildred habang hinahatak na paupuin ang kaibigang tulala sa kanilang upuan.
"What have I done Mildred?" nasambit niya ng mahimasmasan.
"Naku lagot na tayo neto girl. Eh kasi naman ang tapang mo, hindi naman tayo super hero noh." nasabi ng nag-aalalang si Mildred.
Nang mapansin nilang wala na sa kaniyang lamesa si Nonong.
"Nasaan na siya?" tanong ni Zen habang inililigid ang paningin sa kapaligiran.
"Bigla na lang ding nawala iyong si Nonong, ni hindi man lang nagpasalamat, hay naku girl lagot talaga tayo nito," halos iiyak na ni Mildred ang kaba na kaniyang nararamdaman.
"Kalma lang Mildred. May awa ang Diyos." sagot ng tulalang si Zen.
"Waaahhh.. lilipat na lang kaya ako ng school?" nasabi ni Mildred habang hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan.
"Ano ka ba? Dapat ako pa ang nag-aalala dahil ako ang pinagbantaan." sagot ni Zen.
Ilang minuto din ang lumipas ng kanilang pagsisisi.
Nang biglang may bulaklak na lumitaw sa kanilang harapan.
Nagulat ang dalawa.
"Si- si .. Nonong!" nasambit ni Mildred habang nakaturo dito.
"Sa-salamat sa pagtatanggol mo po sa akin," nahihiyang tinig ni Nonong at namumula.
Napatingala ang naka-upong si Zen sa nakayukong si Nonong.
Hindi niya malaman ang kaniyang magiging reaksiyon ng marinig ang weird na boses ni Nonong sa unang pagkakataon. Hindi siya makapaniwalang bumili pa ito ng bulaklak upang magpasalamat.
"This is something." nasambit ni Mildred na may balak na kaibiganin ang matalinong si Nonong para sa kaniyang sariling kapakanan.
"Ah.. Nonong.. walang anuman!" biglang pasok ni Mildred ng mahalatang speechless ang kaniyang kaibigan.
Tulala pa rin si Zen sa mga nangyari.
"Upo ka.. upo ka Nonong." paanyaya ni Mildred upang hindi makapukaw ng maraming atensyon sa ibang mga naroon.
Umupo naman agad si Nonong kaharap ni Zen. Hindi pa rin makapagsalita si Zen sa kaniyang pagkabigla ng ma-encounter ang sinsabing genius ng West University.
"Ah Nonong, si Zen Fuentes nga pala, transferee student." pagpapakilala ni Mildred habang sinisiko si Zen upang magsalita ito.
Natauhan naman si Zen.
"Oh! Hi.. ako nga pala si Zen, nice meetin' you Nonong." sagot ni Zen na hindi malaman ang magiging reaksiyon.
"He-hello, ako pala si Naelito Alamid, tawagin mo na lang akong Nonong." pagpapakilala nito.
Hindi masyadong naintindihan ni Zen ang pangalan ni Nonong dahil sa hindi pa rin sia nakakarecover sa mga biglaang pangyayari ng araw na iyon.
"Oh siya sige na Zen. Salamat sa pagtatanggol mo sa akin kanina." pagpapaalam ng mahiyaing si Nonong.
"Teka lang Nong!" pigil ni Mildred Nang maisip na iyon na ang magandang pagkakataon.
Napatingin na lamang si Nonong kay Mildred at bumalik sa kaniyang pagkaka-upo.
Nalilito.
"Hmm,. may gagawin ka ba mamaya?" naitanong ni Mildred na may kunwaring ngiti.
Kinurot siya ni Zen sa ilalim ng lamesa upang pigilan siya sa kung anuman ang binabalak nito.
"Arayyyy.." sigaw niya.
Napansin iyon ni Nonong kung kaya't tumayo na ito at nagpaalam.
"Ahmm. . Zen salamat ulit. May gagawin pa kasi ako kaya mauna na ako." Pagpapaalam ni Nonong sa dalawa.
"Mamaya ka na umalis Nonong." Pagpigil ni Mildred na may matinding pangangailangan.
Napatigil ulit si Nonong at napatingin kay Mildred. Nag-iisip.
"Ba - bakit? May pag uusapan pa ba tayo?" Sagot ng Nahihiya ng si Nonong na gusto ng umalis upang magpunta ng Library.
"Meron pa." Nakangiting sagot ni Mildred.
BINABASA MO ANG
Si Sumpa at Si Mang KuKulam
Short StoryA Love of Friendship and a Sacrifice For Hatred.