Kinabukasan, nakasalubong ni Blake si Mildred sa pasilyo ng eskwelahan.
Humarang ito sa daraanan ni Mildred kasama ng kaniyang mga kasama na siga sa loob ng University.
Gulat na gulat si Mildred. Naalala niya ang nangyari sa pagitan nila ni Zen.
"B-blake?!" takot na nasambit ni Mildred habang yakap-yakap ang libro.
"B-blake?Huh?" inulit at kinopya ni Blake ang tono ni Mildred.
Nagtawanan ang mga kasama nito.
Halatang natatakot si Mildred ng mapaligiran ng grupo.
"May klase pa ako Blake ano bang gusto ninyo?" tanong ni Mildred na may takot na nadarama.
"Teka, may atraso pa kayo sa akin ng kaibigan mong nagta-tapang tapangan ha?" banta ni Blake.
"Hi-hindi ko siya kasama Blake, tsaka, tsaka, hindi naman ako 'yung sumigaw sa canteen." pagpapaliwanag ni Mildred.
"Kahit na! Anong oras ang labas ng kaibigan mong wala sa ayos?" tanong na may halong paninindak ni Blake.
"Hi-hindi ko alam!" sagot ni Mildred na sumigaw na sa sobrang kaba.
Nang dahil duon ay narinig sila ng isang guro na napadaan sa pasilyo.
"Mr. Andrews, let her go. May klase pa si Miss Nueca." striktong paninita nito kay Blake.
Napatingin si Blake sa guro na iyon.
"Hindi pa tayo tapos, pagbibigyan ko pa kayo ng kaibigan mo. Kapag hindi kayo lumuhod at humingi ng tawad sa harapan ko, hindi ko kayo titigilan. Let's go guys!" banta ni Blake sa nakayukong si Mildred.
Si Blake Andrews, ang anak ng may ari ng West University. Bilyonaryo at ginagawang pasyalan lamang ang eskwelahan. Sikat dahil sa magagarang kotse at angking kagandahang lalaki at matangkad. Mayabang at mapusok. Presko at siga. Normal lamang iyon sa isang iridero ng pamilya Andrews, bunsong anak at napagbibigyan lahat ng gusto nitong makuha.
Halos kilabutan si Mildred at pinagpapawisang pumasok ng kaniyang silid. Duo'y nakita niya si Zen na nakaupo sa bandang gitna ng classroom. Napansin din niyang nakaupo sa likurang bahagi si Nonong ngunit nagbabasa ito.
"Girl.. girl.. You won't believe it, binantaan ako ni Blake, nakasalubong ko sila. Natatakot na talaga ako!" bulong nito kay Zen habang nakaupo ito sa tabi ng kaniyang kaibigang abala sa pagkalikot ng kaniyang mga kuko.
"Ano na naman ba iyan Mildred? Parang hindi naman ako sanay sa ganiyang aura mo? Tigilan mo nga iyan at nakaka-high blood ka." sagot ni Zen na hindi alintana ang natatakot na kaibigan.
"Hindi dapat niya tayo tinatakot ng ganoon porket ba sa kanila itong University?" Nasabi ni Mildred habang nagpupunas ng pawis at walang tigil ang pagpaypay sa katawan.
"Wala akong pakialam kahit sila pa ang may ari ng Pilipinas." Nasabi ni Zen.
Sa hindi kalayuan ay nakikinig sa usapan nila si Nonong. Natatawa lamang siya sa sinasabi ni Zen sa kaibigan nitong halatang kabado sa nangyari.
"Hay naku, kasi naman, bakit kasi iniligtas mo pa iyang si Nonong." Nasabi ni Mildred habang umiirap-irap sa bandang likurang bahagi ng silid.
"Don't get me wrong Mildred. Hindi lang talaga ako sanay nakakakita ng mga ganoong klaseng gawain." Depensa ni Zen habang abala sa pagguhit ng mga damit sa likurang bahaging ng kaniyang notebook.
Napatodo ang ngiti ni Nonong na kunwari'y nagbabasa ng aklat sa sulok.
Napalingon si Mildred sa paligid at napansin si Nonong at ang malalaking bakal ng ngipin nito.
"Aba, marunong pa lang ngumiti ang nerd na ito." Nasabi ni Mildred sa kaniyang isip sabay irap kay Nonong.
Napansin ni Zen ang pag-irap ni Mildred ng makita si Nonong, may kung anong kirot na naman ang kaniyang naramdaman.
"Dred, tigilan mo na nga si Nonong oh. Kung ano man 'yung pinaplano mo,let's just cancel that, okay?" Nasabi ni Zen habang abala sa pagsusulat sa kaniyang notebook.
"Well, ganiyan ka naman Zen eh, kahit kailan hindi mo naman ako pinagbibigyan." Nagtatampong boses ni Mildred.
"Hindi naman sa ganoon. Pwede namang ibang tao, pero huwag na si Nonong," sagot ni Zen.
"Eh sino naman kaya ang maasahan nating maging tagapagligtas ng grades natin?" sagot ni Mildred na halatang hindi na nagugustuhan ang takbo ng kanilang usapan.
"Kaya natin 'yan Dred. Maghire na lang tayo ng private tutor," sagot ni Zen.
"Nagawa na natin 'yan eh, wala ding naitulong." Sagot ni Mildred.
Nang biglang pumasok na ang professor nila.
"Okay class, let me just clear our project for next week. We will be heading to an island, in Palau. I would like you to do a research about the people, environment, livelihood, traditions and culture of Palau." Pag-uumpisa ng kanilang Professor.
"Ahmm sir, individually po ba?" Sigaw ng isang estudyante.
"Good question, well, two heads are better than one. So, nag-prepare ako ng nga names ninyo, so bunutan na lang tayo kung sino ang makakapartner ninyo sa project." Pagpapaliwang nito.
Nagbuntan na ang mga estudyante.
"Miss Fuentes, sino ang nabunot mo?" Tanong ng kaniyang Professor.
"Ahmm, si Naelito po?" Sagot ni Zen.
"Ohhhoyyy.. Mukhang magkakatuluyan na ang dalawa..hooo!!" Bulyaw at kantiyawan ng kaniyang mga kaklase.
Hindi mapigilan ni Mildred ang mapatawa sa sinasapit ng kaniyang kaibigan.
"Whew! You are so hot girl!" Bulong ni Mildred na may halong pang-aasar sa kaniyang kaibigan.
Namula si Nonong, pakiramdam niya'y safe siya kapag si Zen ang kaniyang kasama.
Napatahimik si Zen, naiinis man siya sa kaniyang mga kaklase ay wala na siyang nagawa pa. Hindi siya uurong dahil lang sa tuksuhan, hindi siya nagpapa-apekto.
"And you Miss Nueca?" Tanong ng kanilang Professor.
Unti-unti namang binuksan ni Mildred ang nabunot niyang papel.
Laking gulat niya, at nilingon ang paligid. Nagtaka ang kaniyang mga kaklase."Anong hinahanap mo Dred?" Tanong ni Zen na nakapansin din sa hindi magandang reaksiyon ng kaniyang kaibigan.
"Well Miss. Nueca?" Natanong nag naiinip na Professor.
"Si B-blake Andrews po." Nauutal na sagot ni Mildred.
"Mr. Andrews is not around today because of Political meeting of their family, but for sure he will be coming with us in Palau." Pagpapaliwanag ng Professor.
Napataas ang kilay ni Zen, pinaramdam niya kay Mildred ang taimtim niyang pang-aasar.
"Ggiirrlll, palit na lang tayo ng partner sa project please." Pagmamakaawa ni Mildred.
"We are not allowed to do that Dred ano ka ba? Okay ka lang? Hindi ba crush mo naman 'yung signal number 5 na iyon?" Pambabara ni Zen sabay takip ng bibig upang pigilan ang kaniyang tawa.
"Eh bakit ayaw mong makipagpalit sa akin? Type mo si Nonong?" Pang-aasar ni Mildred.
BINABASA MO ANG
Si Sumpa at Si Mang KuKulam
Short StoryA Love of Friendship and a Sacrifice For Hatred.