"Zen!! Zen!!! Wake up! Zen!" Sigaw ni Blake habang isinusugod sa ospital ang dalagang wala ng malay dahil sa pagkakabunggo ng kaniyang sasakyan sa isang poste.
Tumitirik ang mga mata ng dalaga. Duguan ang mukha nito at paralisado ang katawan.
"ZENNNNN! ZENNN!!!!" Iyak ni Blake.
Sunog ang balat sa kaliwang braso nito at halos madurog ang mga daliri sa kamay. Sa natamong pinsala nito ay wala ng tyansang mabuhay pa ang dalaga.
"Pagalingin ninyo siya. Kami ang magbabayad! Iligtas ninyo siya! Parang awa ninyo na!!!" Sigaw sa hinagpis ni Blake habang nakayakap sa nakaratay na walang buhay na si Zen.
"Sir hanggang dito na lang po kayo, hindi na po kayo pwedeng sumama hanggang sa ER. Mag hintay na lamang po kayo ng resulta." Nasabi ng Nurse.
Nag hintay si Blake. Matagal. Balisa at hindi alam ang gagawin. Hindi makapahinga ang kaniyang isip. Aligaga sa bawat nurse at doctor na lumalabas ng Emergency Room.
Isang oras.
Dalawang araw.
Tatlong Linggo.
Apat na Buwan.
LIMANG TAON.
_________________________________________________________________________
" Ganito na ang nangyari sa loob ng limang taon." Nasambit ni Mr. Nael, isang matagumpay na business owner ng mga Andrews. Habang nakatanaw sa mataas na building at nakapwesto sa kaniyang walang katulad na opisina.
"Hi Sir, nagpapa-appointment si Don Fredo ng conference meeting sa inyo. Kung available daw po kayo ngayong hapon." Natatarantang nasabi ng sekretarya ni Nael.
"I am always available for him, pakisabi kay Don Fredo." Sagot nito.
Napadaan si Blake sa kaniyang harapan ngunit hindi siya pinansin nito.
" Blake." Tawag ni Nael.
Tinignan lamang siya nito at huminga ng malalim habang busy sa paglalakad.
" Limang taon na rin ang nakalipas. Sana maging maayos na tayo." Pasimula ni Nael.
" Eh ano kung ayaw kong makipag-ayos sa'yo? May magagawa ka ba?" Pabalang na sagot ni Blake.
" Hindi ko ginusto itong posisyon ko Blake. Kung gusto mo sabihin na lang natin kay Madame Viva ang lahat ng ito upang hindi ka na magalit sa akin." Nasabi ni Nael.
" Madame Viva? Hindi mo ba siya matawag na Mama? Hinanap ka niya ng ilang taon na halos hindi na niya ako napansin. Tapos ganito ang igaganti mo?" Sagot na naaasar na si Blake.
Sa hindi kalayuan ay narinig ng Mayordoma ng Mansion ng Andrews ang pinagtatalunan ng dalawang mag kapatid na si Blake at Nael.
" Totoo nga po pala talaga ang kwento." Usisa ng isang katiwala ng Mansion.
"Apat na taon na rin ang lumipas ng matagumpay na umaksyon si Madame Viva at ipinahanap ang mga dokumento na susuporta sa kaniyang nawawalang anak..
. . . Hindi siya makakapayag na dineklarang patay ito sa loob ng lumang hospital ng mga Fuentes. Ang ama ni Rodrigo Fuentes ang nagmamay-ari ng hospital na iyon dati. Nang mga panahong iyon ay hindi pa masyadong kilala ang mga Andrews, bagkus likas na silang mayaman. Samantalang ang mga Fuentes ay kilala sa buong bayan dahil sa hindi mabilang na yaman.
. . . Si Rodrigo at si Viva ay naging matalik na magkaibigan nuong sila pa ay nag-aaral sa kolehiyo. Dahil sa malapit na kapitbahay ng mga tiyahin ko ang angkan ni Madame Viva ay nasaksihan nila ng umibig si Viva kay Rodrigo.
. . . Itinago nila ang kanilang relasyon, dahil sa naipagkasundo na si Viva kay Fredo Andrews ng kanilang mga magulang.
. . . Nang malaman ng ina ni Viva na nakikipagtagpo siya kay Rodrigo ay agarang ipinakasal ito kay Fredo na nuoy walang kaalam alam na magiging asawa pala nito si Viva. Labag din sa kalooban ni Fredo ang magpakasal ng maaga dahil sa may iniibig rin ito nuon ngunit ayaw ng mga Andrews dahil sa mahirap lamang ang babae na iniibig ng kanilang anak at hindi nila hahayaang mapunta si Fredo sa mga angkan ng mga mahihirap.
. . . Isang buwan ang lumipas pagkatapos makasal ni Viva at Fredo ay biglang nalaman ng pamilya na nagdadalang-tao ito. Tuwang-tuwa ang mga Andrews dahil sa balitang iyon. Sinikap nilang suportahan si Viva dahil sa kritikal ang pagbubuntis nito.
. . . Makalipas ang ilang buwan ay nalaman ni Fredo na nakikipagtagpo si Viva sa isang lalaki. Walang ideya si Fredo kung sino ang lalaking ito. Sinundan niya ito at nagpang-abot ang dalawa, nagsuntukan si Rodrigo at Fredo, at dulot nito'y napaanak ng wala sa oras si Viva at sa pagkataranta ay isiungod ni Fredo at Rodrigo sa hospital ng mga Fuentes ang kritikal na lagay ni Viva.
. . . Duguan at halos walang malay si Viva ng mga oras na iyon, na ang akala nila ay mamatay sa panganganak.
. . . Iyak ng iyak ang mga magulang ni Viva at ang pamilya ni Fredo dahil sa nangyari. Nuon lamang napagtanto ni Rodrigo na layuan si Viva at ang pamilya nito. Simula nuon ay wala ng narinig pa si Viva tungkol kay Rodrigo.
. . . Ngunit, nabuhay si Viva at ang nasabi sa kanila ay namatay ang batang lalaki na isinilang niya. Ipinakita nila ang bata sa pamilya ngunit hindi kumbinsido si Viva.
. . . Nuo'y ang mayordoma nila ay si Dina, isang katiwala sa mansion ng mga Andrews ng matagal na panahon. Maraming kuro-kuro na si Dina daw ang nagtakas sa anak na panganay ni Viva, napag-utusan ito dahil sa suspetsang hindi anak ni Fredo ang bata.
. . . Lumipas ang isang taon at nanganak ulit si Viva at iyon na si Blake. Ngunit hindi tumigil si Viva sa paghahanap sa kaniyang pag-asang buhay ang kaniyang anak.
. . . At nagtagumpay siya, napatunayan na anak ni Fredo si Nael, dahil sa DNA test at isang sulat sa diary at birth certificate ni Nael, na naglalaman lahat ng ebidensyang anak nila si Nael, ng namaalam na si Dina at iniwan kay Ged na kapatid nito na walang kaalam alam na ganuon pala kahalaga ang isang maliit na notebook ang ipinamana sa kaniya.
. . . At ito nga ay si Nonong ang matagal na nawawalang anak ni Viva.
. . . Humingi sila ng tawad dito lalo na si Fredo na nagpatapon dito sa tulong ni Dina. Laking pasasalamat ni Don Fredo Andrews na natanggap sila ni Nael na matagal na nawalay sa kanila at lumaki sa hirap.
. . . Namatay na rin nuong nakaraang taon si Lola Ged ang nag-alaga kay Nael." Kwento ng mayordoma ng mga Andrews.
"Kawawa naman po pala si Sir Nael. Ngunit napakatalino niya kung kaya't sa kaniya ipinagkatiwala ang mga naglalakihang negosyo ng mga Andrews." Sagot ng isa sa mga katiwala.
"Oo, at minsan nahahabag din ang kalooban ko sa alaga kong si Blake na kahit na basagulero katulad ng kaniyang ama na si Don Fredo ay may mabuting puso naman." Nasabi nito.
"Ehemm.. Hemmm.." Putol ni Madame Viva sa dalawang tsismosa.
"Balik sa trabaho. Huwag ninyong pag-usapan ang mga anak ko. Lalo na si Naelito." Sita nito.
"Opo madame, patawad po." Nasabi ng dalawa sabay alis sa kanilang lugar.
Nangiti si Viva ng makita si Nael at Blake na nag-uusap.
"Mga iho, salamat naman at unti-unti na kayong nagkakaayos." Pansin nito sa kaniyang dalawang anak.
Napairap na lamang si Blake.
Napansin iyon ni Viva.
"Blake anak, galit ka pa rin ba sa akin hanggang ngayon iho? Huwag kang mag-aalala anak, marami kang aasikasuhin bukod sa iyong mga kotse gaya ng iyong kuya Nael." Masayang tugin ni Viva.
"Simula ng dumating si Nonong sa buhay ng mag-asawa, ang weird na, parang lahat ng bagay ay gumaan, naging mabait na si Viva. At si Don Fredo ay naging maluwag na sa pamamalakad ng kaniyang mga negosyo." Nasambit ni Blake sa kaniyang isip habang nakatingin sa malayo.
Ito na nga ba ang simula ng isang matinding alitan sa pagitan ng magkapatid na si Blake at Nonong?
BINABASA MO ANG
Si Sumpa at Si Mang KuKulam
Short StoryA Love of Friendship and a Sacrifice For Hatred.