Tumingin si Nael kay Mildred. Nanunukat.
" Stop this Mildred. Please stop." Sa isip nya.
Tumulo ang luha ni Mildred.
Kinabahan si Nael.
Pinunasan ni Mildred ang kaniyang sariling luha. Nakatingin pa rin sa kanya si Nael na hindi malaman ang magiging reaksiyon. Nuon niya lamang nakitang nagkaganuon si Mildred.
"Bakit? Ano bang ginawa ko sa'yo." Patay malisya na nasabi na lamang ni Nael upang ikubli ang kaniyang pag-iwas sa sitwasyon.
"Bakit? Hindi mo alam? Nasasaktan mo na ako! Hanggang ngayon ba si Zen pa rin ang nasa isip mo, Nong.. Matagal ng nawaglit si Zen sa pagitan nating dalawa.Sa lahat lahat ng ginawa ko para sa'yo ang itatanong mo sa akin ay Bakit?" Hagulgol ni Mildred.
Napalunok si Nael, hindi niya na malaman kung ano pa ang kaniyang sasabihin. Tintignan niya ang mukha ni Mildred habang umiiyak ito at naghihinagpis, ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito.
"Nong, masakit na." Iyak ni Mildred sa kaniyang harapan.
Bigla na lamang niyang naalala si Mildred nuong nasa high school pa lamang sila.
Palagi siyang iniiwasan at binubully ng mga estudyante nuon. Ang grupo ni Mildred ang pinaka sopistikada sa kanilang eskwelahan, isa si Mildred sa pinaka popular na estudyante at hinahangaan ng nakararami babae man o lalaki dahil sa taglay nitong kagandahan, sa kutis at katawan. Malakas ang dating niya.
" Isa ako sa humahanga sa kaniya nuon...
Hanggang sa isang araw...
Tinukso ako at si Mildred ng mga estudyante na maging kapartner niya, grabe, hindi ko malaman ang gagawin ko sa sobrang hiya, nangangatog ang tuhod ko ng malaman kong ako ang magdadala sa kaniya sa entablado. Ako ang kaniyang King, ako ang napili ng buong eskwelahan. Ang swerte ko! Ang ganda ganda kasi niya. Tumitibok ng malakas ang aking puso na para bang limang kabayong nagkakarera sa tindi ng pagtakbo nito. Ako na yata ang pinakamasayang tao sa buong mundo, sa wakas masisilayan ko na ang ganda niya sa malapitan at hindi ko na kailangan pang sundan siya ng aking panakaw na tingin. Paghahandaan ko ang Prom na iyon. Pinapangako ko na hindi ka mapapahiya sa akin aking Mildred. Hindi na ako makapaghintay na mahawakan ang iyong mga kamay. Maamoy ang iyong buhok at maisayaw sa entablado sa harap ng maraming tao. Haaayyyyy...
....pero
Sinabi niya...
"Yuck, hindi ako makakapayag na siya ang maging kapartner ko sa Prom. Pwede ba? I dont have time for this, hindi ako pwedeng isayaw ng isang nerd na katulad niya. Eeeww!" Pagkairita ni Mildred sa harap ng kaniyang mga kaibigan. Nakita ko ang kaniyang reaksiyon, para siyang nandidiri sa akin.
Hindi niya akalain na narinig ko ang nasabi niyang iyon sa harap mismo ng kaniyang mga kaibigan...
Huminto ang mundo ko. Pakiramdam ko na may sakit ako na nakakahawa.
Dulot niyon, umuwi ako ng maaga sa bahay..
Humahagulgol ako sa iyak habang tinatahak ang daan patungo sa aming bahay.
Nasalubong ako ni Lola Ged. Ang aking pinakamamahal na Lola ngunit hindi ko siya pinansin. Nahihiya ako na makita niya akong umiiyak sa ganuong sitwasyon.
"Nonong apo!! " habol ng aking Lola ng makasalubong ko siya, nabagsak pa niya ang kaniyang mga paninda sa tindi ng pag-aalala..
Hinabol ako ng aking Lola ngunit hindi niya ako naabutan. Pumasok ako sa loob ng aking silid at duo'y nagmukmok. Sinuntok suntok ko ang sarili ko. Nagdabog ng walang katapusan. Nagmaktol.
Bakit ang pangit ko? Paulit ulit na umaalingaw-ngaw sa aking pandinig. Naninikip na ang dibdib ko.
Tumingin ako sa salamin at nakita ko ulit ang aking mukha, ang aking anyo. Gusto kong basagin ang salamin sa aking harapan ngunit...
"Apo! Apo! Buksan mo ang pinto!" Kinakalampag ni Lola Ged ang aking pinto na gawa sa kahoy na halos bibigay na sa lakas ng kaniyang paghampas dito.
Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.
"Ok lang ako la! Huwag ninyo akong intindihin. Lilipas din ito. Pagbigyan ninyo na ako." Pigil na pag iyak ko. Sa sobrang sama ng loob ko ay tinalon ko ang aking kama at pilit na nilulunod ang aking sarili sa unan upang hindi na ako makahinga.
Lalong lumakas ang pagkalabog ng pintuan.
" Apo buksan mo ang pinto! Pagbuksan mo na ang Lola aatakihin na ako apo! Mahal kita apo, hindi ko kayang makitang nagkakaganyan ka. Buksan mo na!" Nang marinig ko ang nga katagang iyon dali dali kong tinanggal ang nakatakip na unan sa aking mukha. Napatingin ako sa kisame at huminga ng malalim. Umalis ako sa aking higaan, at tinungo ang pintuan.
Binuksan ko iyon, at laking gulat ko.
Lola Ged....
Ang Lola ko nakaupo sa labas ng aking pintuan, umiiyak. Basang basa ng pawis.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag sa kaniya ang nangyari, dahil alam kong alam na niya. Nag iyakan kami. Palakasan kami ng iyak. Hanggang sa natawa na lang kami dahil para na kaming mga bata na nagpapalakasan ng hagulgol.
"Hahahaha.. Apong para na tayong mga tanga. Hahaha.." Halakhak ng aking Lola habang hinihimas ang aking likuran.
"Lola.. Hahahaha.. Naisip ninyo din pala.haha." Nasabi ko habang pinupunasan ang aking mga luha at sumisinghot.
"Tama na apong at baka magkasakit tayo, wala pa naman tayong pambili ng gamot natin. Halika na at binilhan ka ng Lola ng banana que." nakangiting pang-aalo ng aking magandang Lola.
Lola Ged..
Nakita ko ang lahat ng iyon kay Zen, tagapagtanggol ko siya at hindi niya ako kinahiya kahit ganuon ang hitsura ko.
Nang biglang...
Napansin na lamang ni Nonong na nakayakap na sa kaniya si Mildred.
Bumalik siya sa eksenang siya naman ang hinahabol ni Mildred.
Naamoy niya ang buhok nito, naramdaman ang lambot ng kaniyang katawan. Hindi na basta kamay kung hindi ang buong katawang nakayakap sa kaniyang katawan ng mahigpit.
Hindi na maiwasan pang mamula ni Nonong. Napayakap na rin siya kay Mildred ng dahan dahan.
Napangiti ng palihim si Mildred ng maramdaman ang mga kamay ni Nonong sa kaniyang likuran patungo ang haplos nito sa kaniyang mga braso.
Sabay,,
"Let go Mildred, Tama na! makita tayo ni Mama." Inilayo niya si Mildred sa pagkakayakap nito habang unti unting kinakalas ang nga braso nito sa kaniyang baywang.
BINABASA MO ANG
Si Sumpa at Si Mang KuKulam
Historia CortaA Love of Friendship and a Sacrifice For Hatred.