Bye for now

38 1 0
                                    

Nang makarating na malapit sa pinto si Zen ay pinigilan siya ni Nonong. Hinawakan siya nito sa braso.

Natigilan si Zen. Naramdaman niya ang mainit na hawak ni Nonong sa kaniyang braso.

Kumunot ang noo ni Mildred, masama ang kaniyang loob. Hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari.

Lumapit siya sa kinaroroonan ni Nonong at Zen.

"Zen, mag-usap tayo." Pigil ni Nonong.

Gustong-gustong harapin ni Zen si Nonong ngunit pikit mata niya itong tinanggihan. Nakita niya na nasa gilid si Mildred at mukhang balisa ng makita sila sa ganoong disposisyon. Gusto niya si Nonong ngunit inlove si Mildred dito. Parehas niyang kaibigan ang dalawa. Ano ang mas matimbang para sa kaniya, ang makasakit o masaktan. Sino ang magpapaubaya, ang utak o ang puso.

"Zen!" Pigil ulit ni Nonong ng bumitaw ito sa kaniyang pagkakahawak.

"Nael, stop it, hayaan na natin siya." Pakiusap ni Mildred habang pinipigilan niya si Nonong na habulin si Zen.

Nakalayo na si Zen sa dalawa. Sumakay siya kaagad ng kaniyang kotse.

"Beeeeppppppp!!" Tunog ng kaniyang busina dahil sa kahahampas niya dito.

"Umpphh... Arghh! Anong nangyari? Bakit? Dred? Bakit mo sa akin nagawa ito?" Iyak ni Zen na halos iuntog na ang sarili sa kaniyang manubela.

"Beeep.. Beeepp.. Beep..." Tunog ng kaniyang busina sa parking lot. Halos lahat ng mga tao ay napapatingin sa kaniyang kotse. Naagaw nito ang atensyon ng mga taong naroon ng mga oras na iyon.

Patuloy pa rin ang paghihinagpis ni Zen sa loob ng kaniyang kotse.

Naalala niya bigla ang mga napag-usapan nila ng kaniyang kaibigan.

"I think I'm inlove with Nonong. Give him to me this time Zen, ako naman pwede...

. . .  That night, sa Palau, naging klaro ang lahat sa amin, matagal na pala akong hinahangaan ni Nonong. Hindi ko pa alam.

. . .  Since high school, kaya pala kung nasaan ako nandoon rin siya.

. . .  Little did i know na maiinlove ako sa character niya nuong kami ang nagkapartner sa Palau.

. . . It was amazing Zen, I hold on to his hands and I hugged him. Sabi ko inlove ako sa kaniya lalo na nung binago mo siya.

. . . At first hindi siya naniwala, pero nuong nagkaroon na ng basbas galing sa mga misyunaryo, sinabi ko sa kaniya na may gusto ako sa kaniya, nagkaroon kami ng sharing from the past. Kaya ko nalaman na we are connected to each other.

. . . I cannot resist him Zen, I like Nonong.." Nasabi ni Mildred na naalala ni Zen nuong nasa kotse na siya. Lalo lamang ikinasama ng loob ni Zen ang kaniyang naalala kaya naman nasobrahan ang kaniyang paghagulgol.

"Beepp.. Beeeepp...beeeeeeeppp." Patuloy ang pagtunog ng busina ng kotse ni Zen dahilan upang umaksyon ang mga security guards ng parking lot na iyon.

Tok! Tok! Tok! Tunog ng salamin ng kotse ni Zen.

Biglang natauhan si Zen.

Pinunasan niya ang kaniyang luha at nilingon ang kumakatok.

Ng lingunin niya ang kumakatok sa kaniyang kotse.

"Surot." Nakita niya si Blake.

Binaba niya ang salamin ng bintana ng kaniyang kotse.

"Bakit na naman ba? Anong problema mo?" Tanong ni Zen na kumalat na ang eyeliner gawa ng pag-iyak sa sama ng loob.

Naawa si Blake sa hitsura ni Zen ng makita niya ito ngunit kailangan niyang itago ang kaniyang nararamdaman upang hindi mailang sa kaniya si Zen at magpatuloy lamang ito sa kaniyang nakasanayan.

"Ho-hoyy.. Kanina pa kami nabubulabog dito gawa ng busina mo! Kung may problema ka..." Sigaw ni Blake ngunit naputol ito ng sumabat si Zen.

"Problema? Baka ikaw ang may problema! Nangingialam ka, pwede ba Mr. Andrews huwag mo akong sinusundan sa kung saan man ako nagpupunta?" Pilosopong sagot ni Zen

" Ha? Ako? Sumusunod sa'yo? Wow naman! Ang swerte mo naman Zen!" Napikong sagot ni Blake, mgunit ang totoo'y nakita niya ito na nanggaling sa coffee shop na hindi maipinta ang mukha kaya naisipan na niyang sundan ito. Namasdan niya ang bawat galaw ni Zen kung papaano ito nagwala sa loob ng kaniyang kotse hanggang sa mga pagtulo ng mg luha nito.

Hindi na sana niya ito pakikialaman pa dahil wala naman siyang koneksyon kay Zen ngunit hindi niya malaman kung bakit nahabag siya ng makita ito sa ganuong sitwasyon.

"Hay nakoo.. Pwede ba Mr. Andrews, tigilan mo na ako!" Sigaw ni Zen habang nasa loob ng kotse at unti unting isinasara ang bintana.

"Teka,.,teka..." Pigil ni Blake ngunit huli na ang lahat.

Brrooommm... Humarurot na ang kotse ni Zen.

Sa tindi ng pag-aalala ni Blake ay sumakay siya sa kaniyang motorsiklo at sinundan si Zen.

Hindi niya alam ang kaniyang gagawin.

"Baka kung ano pang mangyari sa kaniya, mas mabuti ng masubaybayan siya." Nasambit niya sa kaniyang isip.

Samantala.

" Mildred, ano bang nangyayari?" Tanong ni Nonong.

" Ewan ko bakit siya biglang nagka ganuon. Nag uusap lang naman kami tungkol sa nangyari sa Palau. That's it." Sagot ni Mildred.

" Then what seemed to be the problem. Bakit siya parang nasaktan." Pagtataka nito.

" Well, maybe it's about Blake. Siguro she likes Blake." Pagtatakip ni Mildred.

" How come na gusto niya si Blake?" Tanong ni Nonong.

" Malay mo, na developed na lang ang feelings nila nuong last day sa Palau. You'll never know." Pagpapatuloy ni Mildred.

Hindi umiimik si Nonong.

Tumayo ito at aalis na sa coffee shop.

"Nong!" Pigil ni Mildred.

" Hahanapin ko siya." Nasabi nito kay Mildred.

" Pero Nong..." putol na sagot ni Mildred.

" Gusto Kong liwanagin ang lahat bago pa man ma huli ang lahat." Sagot ni Nonong.

" Sasama ako." Nasambit ni Mildred.

" Hindi na kailangan Mildred, kaya ko naman ito. " tanggi nito.

" Miski na. Kaibigan ko si Zen. Kailangan ko din malaman." Pagpupumilit ni Mildred.

Napatingin na lamang si Nonong sa kaniya at wala ng nagawa pa.

Hinanap nila si Zen.

Sa pagmamadali ni Zen sa kaniyang pagmamaneho ay hindi na niya alintana ang mga sasakyan sa kalsada.
Para na rin siyang isang driver ng car racing. Nawawala na siya sa kaniyang sarili.

Tumunog ang kaniyang cellphone.

" Nonong." Nasambit niya ng makita ang caller.

Kinuha niya ito at dumulas ito sa kaniyang kamay at tuluyang nalaglag ito sa ilalim ng kaniyang upuan.

Pinili niyang abutin ang kaniyang cellphone habang nagmamaneho.

Ilang saglit pa ay.

"KRAAAAASSSHHHHHHHHHHH!!"

"Mukhang malubha!" Sigaw ng isang lalaki.

" Oh no!!!" Iyakan ng mga taong nakasaksi sa duguang babae sa loob ng sasakyan.

"Oh dito pa! Iangat natin ang babae! Dahan Dahan!" Sigawan ng mga taong tumutulong upang sagipin ang kawawang babaeng naaksidente ang sasakyan.

" Ano pong nangyari!" Tanong ng marami.

 

Si Sumpa at Si Mang KuKulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon