"Nong?" Tawag ni Zen.
Napatingin si Nonong sa magandang mukha ni Zen, Tila naguguluhan sa milagrong nagaganap sa kaniyang katauhan.
" Bakit hindi mo na suot iyang salamin mo sa Mata? " tanong ni Zen.
" Ah kasi medyo nasira yata." Kubli nito sa kaibigan.
Nang biglang may sumabat sa kanilang likuran.
" Iha, iho, ano ang ginagawa ninyo dito sa lugar na ito? Hindi ninyo ba alam na ang simbahan ay milagroso. " Sabat ng isang caretaker ng simbahan.
Nagulat ang dalawa at nakaramdam ng kaunting kaba sa kanilang narinig. Napatingin sila sa nagsalita at isa itong matandang lalaking Kuba.
" Hunchback of notre dome?" Nasambit ni Zen sa kaniyang isip habang nakatingin sa matanda.
" Pasensya na po kayo sa amin. Hindi na po mauulit." Sabat ni Nonong na niyayakag si Zen upang itago sa kaniyang likuran.
Napansin ni Zen ang pagka-protective ni Nonong sa sitwasyong iyon.
Pumunta ang matandang lalaki sa harap ng altar at nag-alay ng bulaklak. Nilingon nito ang dalawa na halos hindi makagalaw sa kanilang kinatatayuan.
" Bueno, ano ang aking maipaglilingkod sa bisita ng aming milagrosong kapilya. " Tanong nito sa kanila.
" Ah eh." Sagot ni Nonong na kinakabahan.
Napatingin sa kaniya si Zen at naramdamang nauutal ang kaibigan sa kaba kung kaya't siya na ang sumagot.
" Nais lamang po sana naming malaman kung bakit Forbidden Island po ang pangalan ng lugar." Naitanong ni Zen upang makatulong na rin sa kanilang project sa school.
Umupo ang matanda. Tumingin sa kaniyang kapaligiran. Pumikit at huminga ng malalim. Nakiramdam sa paligid.
" Alam ninyo, marami ng mga tao ang napadpad sa lugar na ito nuon at gaya ninyo, nagtanong din sila ng ganiyang katanungan." Sagot ng matanda.
" Nuo'y maraming tao ang dumadalo at nagpupugay linggo - linggo sa aming kapilya. Nagkaroon lamang ng epidemya ang lugar at dulot nuon ay nilikas ng mga tao ang lugar. Mas naniwala ang mga tao na sinumpa ng isang mangkukulam ang lugar." Dagdag ng matanda.
Lalong kinabahan sa narinig ang dalawa at nais ng lumikas agad agad.
" Alam kong kinakabahan kayo at nais ng lisanin ang lugar. Ngunit kayo lamang ang naglakas ng loob pumasok sa loob ng aming kapilya pagkatapos ng dalawang taon." Pansin ng matanda.
Hindi makapagsalita ang dalawa. Hindi nila malaman ang gagawin, takot ang kanilang nararamdaman na sa kanilang isip ay magkatotoo ang Sumpa ng epidemya sa lugar sa kanilang dalawa at hindi na makabalik sa Pilipinas.
" Salamat po sa inyong tulong Sir. Ngunit kailangan na po naming bumalik sa aming tinutuluyang hotel." Pagpapaalam ni Nonong.
" Sige. Humayo na kayo." Sagot ng matandang Kuba.
Sa pagmamadali ay nalaglag ni Nonong ang kaniyang salamin sa Mata at nabasag iyon. Narinig ito ng matanda.
" Malabo pa rin ba ang iyong mga mata?" Pahabol na tanong ng matanda ng makita ang basag na salamin.
Hindi malaman ni Nonong ang kaniyang sasabihin. Nakatingin lamang siya sa kaniyang basag na salamin.
" Nag-milagro ba sa'yo ang kapilya? May isinumpa ka ba bago ka makapasok ng lugar?" Tanong ng matanda.
Hindi pa rin makapagsalita si Nonong sa pagkabigla sa mga naririnig.
" Ikaw iha, mag-iingat ka sa mga kukulamin mo." Pagbabadya ng matanda kay Zen.
" Po? Hindi ko po kayo maintindihan." Sagot ni Zen na Nalilito at gulat na gulat sa sinabi ng matanda.
" Ang simbahan na ito ay isinumpa ng isang mangkukulam. Kung sinu man ang nangahas na sumumpa bago makapasok ng gate ng Isla ay siya namang kukulamin ng kasama nito. " babala ng matanda.
" Hindi po kami naniniwala sa mga ganiyan sir. Kaya po salamat na lang po sa mga kasagutan." Matapang na sagot ni Zen.
" Oh siya. Kayo na ang bahala. Baka gabihin na kayo sa daan. Humayo na kayo at mag-iingat." Pagpapaalam ng matanda.
Nakatulala pa rin si Nonong sa sinabi ng matanda.
" Imposible." Nasambit niya sa kaniyang isip.
" Nong Tara na." Yakag ni Zen.
" Sige po. Salamat po ulit." Pagpapaalam muli ni Zen sa matandang nakatingin lamang sa kanila.
Lumabas na ang dalawa. Nang marating ang gate ay biglang kumidlat ng malakas at bumuhos ang malakas na ulan. Sumilong muli ang dalawa sa isang punong malapit na may kaunting pagsisilungan. Bahadyang nabasa na ang kanilang kasuotan.
Maliit ang espasyo ng silong kung kaya't wala silang nagawa kundi ang magsiksikan.
Tulala pa rin si Nonong sa kaniyang narinig. Iniisip pa rin niya kung isa ba itong katotohanan o parte lamang ng isang proyektong kanilang ginagawa.
Napansin ni Zen ang pagkabahala ng kasama.
" Nong ayos ka lang ba? Nakakakita ka ba ng maayos?" Tanong nito.
" Nagtataka lang ako, kasi hindi na malabo ang mga mata ko." Sagot ni Nonong.
Napaisip si Zen, naalala niya ang mga katagang sinabi ng matanda.
" Hayaan mo na iyon ang mahalaga, ligtas tayo at makakauwi na. Huwag mong pansinin ang sinabi niya. Akalain mong pagbintangan pa kong Mangkukulam? " Sagot ni Zen.
Tumango lamang si Nonong.
" Si Zen ang mangkukulam?" Nasambit niya sa kaniyang sarili.
" Teka ano ba ang iniisip ko?" Dagdag pa niya.
Balisa si Nonong. Hindi niya malaman ang kaniyang nagawa at kung bakit sila humantong sa ganuong klaseng sitwasyon.
" Nong Tara na, tumila na ang ulan." Paanyaya ni Zen.
" Sige." Sagot nito.
Nilakad nila ang daan patungo sa sakayan ng bangka pabalik ng Hotel.
Nang makarating ay nasalubong nila si Blake kasama si Mildred.
Nagkatinginan ang dalawang may bukol.
Hindi maiwasan ang pagkairita sa mukha ni Blake.
" Kumusta ang lakad ninyo ni Nonong? " Tanong kagad nito.
" Medyo ok lang." Sagot ni Zen.
Napansin ng dalawa na hindi na nakasalamin si Nonong.
" Papogi ka na rin ba?" Tanong agad ni Blake kay Nonong.
Hindi umimik si Nonong.
" Hoy. Huwag kang ngang masyadong mayabang. " Bulyaw ni Zen kay Blake.
" Aba? Tignan mo nga naman ang tapang mo ha." Sagot ni Blake.
" Tara na nga Nonong, baka bumagyo na naman dito." Yakag ni Zen sa kaibigan at tinalikuran ang dalawa.
Nang makalayo.
" Anong nangyayari sa kaibigan mo? Bakit masyadong siga yung babaeng yun?" Tanong ni Blake kay Mildred habang naglalakad kasabay nito.
" Hanggang ngayon pa rin si Zen ang nasa isip niya." Nasambit niya sa kaniyang isip.
" Ah, ganuon talaga yun lalo na kapag hindi niya type ang isang tao." Sagot ni Mildred.
BINABASA MO ANG
Si Sumpa at Si Mang KuKulam
Short StoryA Love of Friendship and a Sacrifice For Hatred.