Sa Park.

45 1 0
                                    

"Stop this! You two should behave like a real man! Para kayong mga bata!" Awat ni Viva isang gabi sa Mansion.

Nakapalipit ang braso ni Nonong habang Nakasubsob ito sa sahig dahilan upang awatin sila ni Viva.

" Blake! Ano ba! " sigaw ni Viva habang inaalis ang mga kamay nito kay Nonong na Sumisigaw na sa sakit.
" Huwag kayong makialam  dito ma! This bastard needs a lesson!" Gigil na boses ni Blake.

Hindi na makayanan ni Viva ang komosyon kung kaya't tinawag na niya ang kaniyang mga bodyguards upang saklolohan ang napilayang si Nonong.

Agad namang umaksyon ang mga ito.

Inawat nila si Blake.

Naiwang nakahandusay si Nonong sa sahig. Hindi maigalaw ang napilayang Kaliwang braso.

" Iho ano na naman  ba ito! " pag aalala ni Viva habang tinutulungan si Nonong na makabangon. 

" That stupid should learn how to respect ma! Matalinong Bobo! Kaya hindi kita ma tawag na kuya, kasi kahit anung galing mo hindi man lang ako nabilib sa kakayanan mo!" Galit na galit na si Blake.

" Iho, this is too much!" Sigaw ni Viva habang nakita ang duguang mukha ni Nonong ng maiangat nya ito ng tuluyan.

" Nael!!!" Iyak ni Viva.

" Sige tama yan ma! Mahabag kayo sa kaniya. Siya naman ang nagumpisa ng lahat ng ito! " Hinagpis ni Blake sabay palag sa mga nakahawak sa kaniyang mga braso.

" Tumawag kayo ng ambulansya!" Iyak ni Viva.

Dumudugo ang mukha ni Nonong gawa ng pagkaka suntok ni Blake, pumutok ang ilong at kilay nito, napilayan ang Kaliwang balikat. Nawalan na rin ng malay si Nonong dahil sa may hika pa ito.

Nag alala ng husto si Viva sa sitwasyon ni Nonong.

Dulot niyon ay sinugod ito sa hospital.
Nabalitaan agad ito ni Mildred. Pinuntahan niya agad si Nonong upang asikasuhin.

Ngunit wala pa ring malay si Nonong ng bisitahin niya ito.

" Blake, balita ko sinugod sa hospital si Nonong.  Anung nangyari?" Usisa ni Yuan habang naglalaro sila ng billiards malapit sa West University.

Umiling si Blake. Tila tikom ang bibig sa mga nangyari.

" Dapat lang sa kaniya yun." Nasambit nito.

Na pailing si Yuan.

" Dude, he's your brother baligtarin man natin ang mundo. " nasabi na lamang niya.

" He's not." Sagot ni Blake habang tinatasahan ang kaniyang Tako.

" Anong gagawin mo ngayon.  Paano kung magbalik na lang yung alaala ni Zen? Maalala niya lahat?" Tanong ni Yuan.

" Uunahan ko na siya bago pa niya maalala ang lahat." Sagot ni Blake.

Natawa na lamang si Yuan.

" Pero dude, what if unahan ka ng kuya mo. Matalino yun. For sure, may plano na yun." Naitanong niya.

Natulala si Blake. Naalala niya ang naganap kahapon.

Huminga siya ng malalim.

" Actually dude, dapat magkikita kami ni Zen sa park. May dala akong bulaklak para sa kaniya.

...pababa na ako ng kotse ng nakita ko siya na nakaupo sa bench. Ang ganda niya. Kalmado ang hitsura. Basta, I can't imagine living without her.

... Lalo akong nainlove.

...papalapit na ako ng biglang nakita ko si Nonong. Nakita din niya ako at tila Nabigla.

...wala siyang alam na magkikita kami ni Zen sa lugar na iyon.

...Nainis ako. Sinira niya ang araw ko na dapat ay araw namin ni Zen.

...tinanong ko siya. Anong ginagawa niya sa lugar na yun. Ang Sabi niya, may kausap siya at dun sila magkikita.

...uminit ulo ko. Pumasok sa isip ko bigla na mukhang gumagawa na siya ng paraan para makuha sa akin si Zen.

...binantaan ko siya. Huwag na huwag niyang guguluhin ang relasyon namin ni Zen.

...Sabi niya,  siya ang nauna, naging mas close sila ni Zen nuon sa West University at isa lang daw akong salot na pa Kalat Kalat at nagbabalak ng masama palagi kay Zen. Lalo akong naghinala na may koneksyon ulit sila ni Zen.

...nag init ang ulo ko. Hindi niya alam ang nangyari sa amin sa Palau ni Zen, isa sa mga hindi ko malilimutang sandali. Nainis ako na baka maagaw niya pa sa akin ang babaeng nagpatino sa ugali ko. Hindi ko kakayanin kapag nagkataon. Napa mahal na ako sa babaeng yun na hindi ko alam Kung bakit.

...alam ko, naging masama ang ugali ko. Pero ng makilala ko ang babaeng palaban na kagaya ni Zen nagbago ang lahat ng iyon.

...sinagot ko siya. Wag niyang pakialaman ang nakaraan at Tumingin sa hinaharap. Ako at si Zen na. Walang sila. At hindi naging sila.

...pinagdiinan pa rin ni Nonong na isa akong bully at ang ginawa ko lang nuon ay ang pagpapahirap kay Zen at sa iba pa lalo na sa kanya.

...lumakas lalo ang pagtatalo namin hanggang sa humantong kami sa aksidente nuon.

...alam daw niya ang sekreto nmin ni Mildred, alam daw niya na ako ang may pakana ng lahat. Binantaan niya ako na ipapaimbestiga ang lahat.

...di ako nasindak dahil aksidente ang lahat. Walang may gusto nuon. Wala akong kinalaman sa aksidente. Kahit na masama ang ugali ko hindi ko naman hahayaan na may masaktan pa ng ganuon. Hindi kaya ng konsensya ko.

...Hindi raw siya titigil hanggat hindi niya naibabalik ang memorya ni Zen. Kahit yun lang ang magawa niya ay masaya na siya.

...Hindi ko na mapigilan ang aking sarili at hinawakan ko ang damit niya para sana suntukin ng biglang..

...ng biglang..

...umawat si Zen.

...na narinig ang buong usapan namin sa hindi kalayuan."

" Dude. ." Nasambit ni Yuan ng makitang tumutulo na ang luha ni Blake habang nagkukwento.

" Tumakbo siya. Sumakay sa kaniyang kotse. Hinabol ko pa siya at binantaan ko pa si Nonong na babalikan ko siya at hindi pa kami tapos.

...Nag alala ako. Kung kaya't sinundan ko ng sinundan ang kotse ni Zen. Mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko na sundan kung saan nagtungo si Zen.
...Pinuntahan ko na ang posibleng mga lugar na dapat puntahan ngunit bigo ako.

...umuwi ako. At si Nonong ang unang nakita ko. Hindi ko na mapigilan. Asar na asar na ako sa pagmumukha ng nerd na iyon. Masama na ang loob ko. Pagod na ako sabay makikita mo pa siya. Nag alala ako na baka alam na ni Zen. Hindi maari. Hindi ko hahayaang mawala siya sa akin.

...nakatikim siya ng isang matinding suntok. Suntok na hindi niya malilimutan. Hindi ko siya titigilan dude. Hindi. Hindi kailanman.

...I don't want to lose.

...I don't want to lose her." Mga katagang nasabi ni Blake.

Hindi na nakapagsalita pa si Yuan. Nuon niya lamang nakita sa ganuong sitwasyon ang kaniyang kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Sumpa at Si Mang KuKulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon