May Oras ang lahat

42 0 0
                                    

Ilang taon din na nanahimik ang pangalan ni Blake sa kapaligiran. Ang dating maugong na pangalan nito ay biglang namayapa matapos maganap ang Aksidente ng isang estudyante ng West University nuon.

Animo'y nagluksa ang lahat lalo na si Blake na siyang nag sugod sa ospital sa dalaga.

Sa tuwing naaalala niya ang insidente ay hindi maiwasang kumirot ang kaniyang puso.

Nakatanaw sa malayo si Blake sa kanilang maganda at malawak na Hardin.

" Blake!" Tawag sa kaniya.

Nilingon niya ito.

Nagulat siya ngunit hindi niya pinahalata.

" Zen." Nasambit niya ng makita ang kasama ni Nonong.

" Huh. Blake? " Nasabi ni Mildred ng makita muli ito Makalipas ang ilang taon.

"Wow. So charming. Lalo siyang naging attractive." nasa sa isip ni Mildred. Tumibok ng malakas ang kaniyang puso.

Naalala niya ang kaniyang unang pag-ibig sa West University. Ngunit nabalewala lamang siya ni Blake dahil kay Zen.

Pinakiusapan siya ni Blake na Ilayo si Zen kay Nonong. Nung panahon na nasa Palau sila ni Zen ay nahulog na ang damdamin niya dito kahit na hindi sila magkasundo.

Gayundin si Mildred ng mahulog ang loob nito kay Nonong na biglang nagbago ang anyo at postura simula ng mapalapit ito kay Zen.

Naalala ni Mildred ang usapan nila ni Blake bago pa man maaksidente si Zen. Aksidenteng hindi nila akalain na mangyayari matapos nilang ipaglayo ang dalawa.

" Gawin mo ang lahat basta lumayo ang damdamin ni Zen kay Nonong." Nasabi ni Blake.

" Pero.." sagot niya.

" Wag ka ng kumontra, gawin mo na lang." Sagot ni Blake.

" Pero Blake,." Sagot niya.

" Alis na ako. Gawin mo, kung gusto mo pang makita iyang si Nonong at Zen sa campus. Sige na. Bye." Sagot ni Blake.

Naka alis na si Blake.

" Pero Blake mahal kita. " nasabi na lamang ni Mildred sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang binata papalayo.

" Sige Blake, kung ito ang magpapasaya sa'yo. Kakayanin ko. Mahal kita Blake. " nasabi niya habang tumutulo ang luha sa Kaliwang mata niya.

" Masakit. Puro na lang si Zen. Puro kayo Zen! " sigaw niya sa tindi ng galit na naramdaman sa kaibigan. Sa tindi ng inggit na namuo sa kaniyang puso. Wala na siyang naisip kundi ang maghiganti.

Simula nung bata pa lang sila, lahat ng pabor ay na kay Zen na, sa awards sa eskwelahan, sa lahat. Ngunit hindi niya ininda ang lahat ng mga iyon dahil sa pagmamahal sa kaibigan.

Umusbong na lamang ito ng hindi niya namamalayan at hindi na niya naitago dahil sa pag-ibig.

Ngunit ngayon, napalapit na ng husto si Mildred kay Nonong at masaya siya lalo na ng nalaman na isa palang iridero ito at kapatid ni Blake. Dahil sa ambisyosa si Mildred ay ninais niyang abutin ang kaniyang mga pangarap sa tulong ni Nonong na magagamit niya sa tagumpay na kaniyang tinatamasa.

Gayunpaman, isinang tabi ni Mildred ang kaniyang malakas na feelings para sa kaniyang unang pag-ibig ng makita ito. Inisip niya na lamang na gusto na niya si Nonong ngayon.

" Mildred." Nasambit ni Blake.

" Sorry Kala ko si Zen. Magkahawig na kasi kayo sa postura mong ganyan. Naalala ko lang si Zen. Anyway, pasok na ko." Supladong nasabi ni Blake sabay irap dito.

Si Sumpa at Si Mang KuKulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon