" Blake, Naelito kailangan na present kayo sa dinner meeting natin mamaya together with our investors. Hindi pa namin sila kilala but I bet isa sila sa makakatulong upang mabuhay muli ang mga naghihingalo nating business ng mga ilang taon. We are trying to preserve this businesses dahil sa minana pa namin ito sa mga magulang ni Fredo." Pagpapaliwanag ni Madame Viva sa kaniyang dalawang anak habang nasa hapag kainan.
"Let's face it, sometimes we are on the top of the mountain, but of course we have to experience the river that flows underneath the mountain. We need to be firm. West University could'nt stand alone. Iilan na lang ang mga milyonaryong estudyante ang nag-aaral taon taon duon. And luckily, our son Naelito beated the record. " dagdag ni Don Fredo habang tinitignan ang kaniyang dalawang anak.
Hindi umiimik ang dalawang binata. Magkaharap man sa hapag-kainan ay may hidwaan pa ring nagaganap sa kanilang mga tingin.
"Tapos na po akong kumain. I'll just go ahead." Pagpapaalam ni Blake sabay urong ng upuan at tumayo. Lumakad papalayo.
Napansin nila ang bigat ng kalooban ni Blake. Alam na alam nila na nagseselos ito kay Nonong na pinapanigan ngayon ng kaniyang ama na si Don Fredo dahil sa kanilang mga negosyo. Malayang nagagamit ng kaniyang ama si Nonong dahil sa likas nitong talino at kabaitan.
"What is happening to our son, Fred? I think we need to talk to him so soon, I am afraid something might get totally wrong." Nasabi ni Madame Viva.
"I always did that Viva, everyday, every hour, every year. What did i get back in return? Nothing! Just a stupid ball and lots of complains. I did give him millions of chances, but what now? Hard headed pa rin, mana sa'yo!" Pagtataas ng boses ni Don Fredo sa asawa niya.
"Fredo, si Naelito kaharap natin remember?" Pagtataray ni Viva.
Napayuko na lamang si Nonong, hindi siya sanay sa ganuong komosyon. Hindi na rin siya nagsalita patungkol dito. Naalala niya si Lola Ged sa mga ganuong sitwasyon. Gustuhin man niyang maibalik ang panahon ay hindi na niya magagawa muli iyon. Si Don Fredo at Madame Viva ang kaniyang mga magulang, nararapat lamang na respetuhin at galangin ang mga ito dahil sila pa rin ang kaniyang mga magulang.
"Nael iho, pagpasensyahan mo na kami ng Ama mo. Ganito lamang kami magtalo ngunit wala ito. Ngayong bumababa na ang ating mga negosyo ay kinakailangan nating bumangon ulit. Hindi namin hahayaan na mawala na lamang ito na parang bula." Paliwanag ni Viva.
"Alam ko na ikaw Naelito ang makakapagpabalik ng lahat ng mga nawalang kita ng ating mga negosyo. Anak, patawarin mo kami kung hindi ka namin natagpuan ilang dekada ang nakalipas, ngunit nandito ka na, at nakitaan ka namin ng pagpupursigi at kagalingan sa ganitong larangan." Dagdag pa ng kaniyang Ama.
"Alam ko po na hindi madali sa inyo ang biglaang kupkupin ako dito sa inyong mansion dahil sa hidwaan namin ni Blake, bigyan ako ng magagarang mga sasakyan, bihisan at ayusan na halos hindi ko na rin makilala ang sarili ko. Isa lang naman ang hiling ko sa buhay ko, ang maibalik ang buhay ng mga minamahal ko, masaya na ako." Sagot ni Nonong.
Nagulat ang dalawa ng marinig ang saloobin ni Nonong.
"Pe-pero anak, hindi na natin maibabalik ang buhay ni Lola Ged mo." Simpatiya ni Viva.
"Alam ko po, bukod kay Lola Ged mayroon pa pong isa na hanggang ngayon ay buhay sa aking isipan." Sagot niya.
"Ano iyon iho?" Tanong ni Don Fredo.
"Ang nawawala ko pong matalik na kaibigan nuong college sa West University." Sagot niya.
"Si Zen Fuentes ba iho? Matagal na siyang inilibing iho. Kahit si Blake na nagdala sa kaniya sa hospital ay nagpatunay na wala na itong buhay ng makarating sa loob ng Emergency Room. " paliwanag ni Viva na isa rin sa mga nakaalam ng aksidente sa University na mula nuon ay bumaba ang bilang ng mga nag-aaral duon.
BINABASA MO ANG
Si Sumpa at Si Mang KuKulam
Historia CortaA Love of Friendship and a Sacrifice For Hatred.