Are you inlove?

42 1 0
                                    

Isang matamis na ngiti ang isinagot niya kay Zen.

Nagtaka na si Zen. Mabilis ang tibok ng kaniyang puso.

Tila kakaiba ang mga tibok na ito kumpara sa mga nakaraang pagtibok.

"Ang mga ngiti na iyon.." Nasambit niya. Parang alam na niya ang mangyayari.

Kinukutuban na siya, ngunit hindi niya ito pinahalata.

"Zen, zen? Okay ka lang ba?" Natanong ni Mildred.

"Ha? Oo naman. Oo naman!." Sagot ni Zen sabay ngiti.

"Anong nangyari sa Palau the last time?" Tanong ni Mildred na pawang interesadong malaman ang mga naganap sa kanila ni Blake.

"Umph.. Well, lets not talk about my side, I want to know your story. Kumusta si Nonong ko?" Masayang sagot ni Zen.

"Nonong mo? Kayo ba?" Nabiglang tanong ni Mildred. Naibaba niya ang iniinom na kape ng marinig ang nasabi ni Zen.

"Hindi. Pero, malay mo in the future! Ha ha ha ha ha.. Joke!" Biro ni Zen.

"Tsk, grabe girl, iba ka. Pati ba naman si Nonong tataluhin mo na? Paano 'yung napag-usapan natin before?" Tanong ni Mildred.

"Seryoso ka ba duon Dred? I mean, i don't think that I can do that especially to Nonong? Hindi ko siya ginagamit. I am enjoying his company Dred. I think I like Nonong as one of my closest friend." Seryosong sagot ni Zen.

Natigilan si Mildred, biglang may iniisip.

Ilang segundo din ang lumipas at nakahalata na si Zen.

"Dred? What's wrong? Ano bang nangyari sa Palau when you are with my Nonong?" Malambing na tanong ni Zen sa nakatulala niyang kaibigan.

Napatingin sa kaniya si Mildred. Matagal.

"Zen, can you please stop." Seryosong sagot ni Mildred.

"Stop what?" Sagot niya.

"Stop calling Nonong yours?" Sagot ni Mildred.

Nagulantang si Zen sa narinig. Tumibok na naman ang kaniyang puso.

"Gosh, ano ba ang nangyayari.." Nasambit niya sa kaniyang sarili.

"Bakit Dred? Ano bang masama duon?" Sagot niya.

"Its wrong to call Nonong yours well in fact, he is not yours and he will never be yours...Hindi kayo bagay Zen." Seryosong sagot nito ngunit kahit siya ay nagulat sa kaniyang naisagot sa kaibigan.

"Alam ko naman Dred na hindi kami ni Nonong, but, I thought you'd knew that I have this sort of affection para kay Nonong ever since nakilala ko siya...

. . . I remembered Blake bullied Nonong in the pantry. I was there to protect him.

. . . Tuksuhan dito. Tuksuhan duon. Sabi nila boyfriend ko na daw si Nonong pero hindi ko siya kinahiya kahit minsan.

. . . And that one special night when I saw Nonong without his eyeglasses, I knew I was in trouble. I bet I like him though.

. . . And from that day on, masaya ako kapag nasa paligid ko si Nonong.

. . . One of my favorite partner in Palau. I felt that I was safe when I'm with him. Miracles happen.

. . . Hindi naman dahil sa hitsura o talino niya ang nagustuhan ko. Gusto ko si Nonong as a whole. Kung sino siya 'yun ang gusto ko." Paliwanag ni Zen.

Si Sumpa at Si Mang KuKulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon