Lumapag na ang eroplano. Bumaba na rin ang mga estudyanteng sakay nito.
Nagtungo ang mga estudyante sa isang sikat na Hotel ng Palau upang duon mamalagi ng tatlong araw.
Pinagtipon-tipon sila ng kanilang Professor sa lounge ng Hotel pagkatapos ng isang oras na pahinga.
Magkasabay na bumaba si Mildred at Zen.
Nakita sila ng grupo ni Blake na halos kasunod lamang nila.
" Blake. Si Zen, present. Anong gusto mong gawin namin." Report ni Dan gamit ang kaniyang cellphone.
" Ganuon ba. Harangin ninyo. Papunta na ako." Sagot ni Blake sa kabilang linya.
Inunahan ni Dan at Yuan sa pagbaba si Mildred at Zen.
Napansin iyon agad ni Zen. Namukhaan niya ang mga kasamahan ni Blake na nam-bully kay Nonong nuon.
Dulot nito'y umandar na naman ang isip niya na may masamang balak na naman ang leader ng grupo ng bagyo ng University.
Pinakiramdaman niya ang paligid.
Nuoy naghahanda na rin si Nonong upang bumaba patungo ng lounge ng Hotel.
Sa Dulo ng hagdanan ay nakita kaagad ni Zen ang dalawang bagyo na pawang may hinihintay.
" Mildred, Tara akyat ulet tayo."bulong ni Zen sa kaibigang walang kaalam-alam sa nangyayari.
" Huh.. Bakit? " sagot nito na nagtataka.
" Ssshhh.. Huwag ka ng maingay. Just follow me." Saway ni Zen.
"Eh bakit ba? Kung kailan malapit na tayo sa baba." sagot ni Mildred na tinatamad ng umakyat ulit sa second floor.
" Tara na. May nakalimutan lang ako." Bulong ulet ni Zen ngunit ang totoo'y may binabalak siya.
Umakyat muli ang dalawang magkaibigan at Duo'y nasalubong nila ang pababang si Nonong.
" Nong!" Gulat na nasambit ni Zen ng makita ito.
" Zen? Saan kayo.."putol na tanong nito ng bigla siyang hinatak ni Zen paakyat muli ng hagdanan.
"Tara bilis." Hatak niya sa dalawa.
" A-ano ba ang nangyayari sa'yo?!" Pagtatakang tanong ni Mildred na halos mataranta sa paghila sa kanila ni Zen.
" Duon tayo dadaan sa kabilang exit." Sagot ni Zen.
Nagmamadali si Zen na makarating sa kabilang exit. Duo'y may babaan patungo ng Lounge ng Hotel. Halos takbuhin niya ang mga baitang ng hagdanan pababa.
Papunta na si Blake sa kinaroroonan ni Dan at Yuan sa kabilang hagdanan. Nadaanan niya ang exit kung saan lalabas ang tatlo.
Sa kaniyang paglalakad ay nag-ring ang kaniyang cellphone at sinagot niya ito habang nagmamadaling naglalakad patungo sa kaniyang mga kaibigan upang salubungin si Zen na kanilang pagtatawanan.
"Hello?" Sagot niya.
"Sir Blake, magkaiba po ang sapatos na naisuot ninyo." pagpapaalala ng katiwala ng Hotel ng mapansin ang mga sapatos ni Blake habang nililinis ang kaniyang silid.
Nagulat si Blake at napatingin sa kaniyang sapatos.
"Oh Men!!" nasabi niya sabay baba ng cellphone at patakbong babalik sa kaniyang silid.
Sakto namang tumatakbo rin si Zen palabas ng exit na kung saan ay mapapadaan si Blake pabalik ng kaniyang silid na tinutuluyan.
Hindi namalayan ni Blake na may kaunting tubig sa kaniyang tinatakbuhan kung kaya't napadausdus siya ng hindi inaasahan at nabangga niya ang natataranta sa pagtakbo na si Zen.
BINABASA MO ANG
Si Sumpa at Si Mang KuKulam
Short StoryA Love of Friendship and a Sacrifice For Hatred.