Si Madame Viva

46 0 0
                                    

Umabot kay Blake ang ginawang pagliligtas ni Zen kay Nonong sa coffee shop ng University.

Dulot niyon ay Lalong napa-isip si Blake kung bakit labis na lamang ang concern ni Zen kay Nonong.

"Gusto talaga niya yatang magpapansin sa akin." Nasabi ni Blake sa kaniyang silid na mistulang opisina sa loob ng West University.

"Dude, dapat pinagbayad mo siya sa ginawa niyang pagsampal sa'yo sa loob ng canteen nuon." Nasabi ni Dan isa sa mga mayaman estudyante at kaibigan ni Blake.

Hindi mapakali sa pag-iisip si Blake.

"Okay. May naisip na ako." Nasabi nito sa kaibigan habang nakaupo sa sofa at tinitignang mabuti ang paper cup ng kape na napag-alaman niyang galing kay Zen.

"Dude take it easy. Babae pa din 'yun. Iba nga lang siya sa libo-libong estudyante dito. Siya lang ang pumapalag." Nasabi ni Yuan isa sa mga prominanteng kaibigan at estudyante ng West University.

"What? Pangalawang beses na niya sa aking ginagawa ito and this is enough. Kailangan na siyang bigyan ng leksiyon." Sagot ni Blake.

"Well.. supportive naman kami. But to tell you honestly, maganda siya at take note? Matapang." Sabat ni Dan.

"Hahahaha.. anong matapang? Nagpapapansin lang iyon kasi bago siya sa University na 'toh." Natawang sagot ni Blake.

"Anong plano?" Tanong ni Yuan.

"Malalaman natin 'yan bukas." Sagot ni Blake.

Nang biglang pumasok ang mga bodyguards ng nanay ni Blake.

Napatayo si Yuan at Dan ng makita ang metikulosang nanay ng kanilang kaibigan.

"Ma." Nasambit ni Blake.

"Blake anak, let's go to the resort for the business." Pagyaya ng nanay niya agad ng makitang nakatambay lamang ang kaniyang anak sa silid na mistulang opisina nito.

"Ma, may klase pa ako." Sagot ni Blake.

"No. You have to come." Striktong nasabi ng kaniyang Ina.

Nang mag-ring ang cellphone nito.

"Madame Viva phone call po galing kay Don Fredo." Nasabi ng kaniyang sekretarya habang iniaabot ang cellphone nito.

Inabot naman kaagad ni Madame Viva ang cellphone at pumasok sa isa pang silid at duon ay nakipag-usap sa kaniyang asawa.

"Paano 'yan Dude, alis muna kami ni Yuan. May pupuntahan kayo ni Madame Viva." Pagpapaalam ni Dan.

"Hindi, ayokong sumama. Kailangan Kong kausapin ang mga taong gagawa sa mga plano ko bukas. Let's go." Nasabi ni Blake sabay tayo at sumunod din agad sa kaniya ang mga ito.

Hinarang sila ng mga bodyguards ng kaniyang ina.

Nainis si Blake sa pagkakataong iyon.

"Pwede ba umalis kayo sa harapan ko?" Nasabi ng asar na si Blake sa mga bodyguards ng kaniyang ina.

"Sir, pinagbilinan po kasi ni Madame Viva." Sagot ng isa.

"Anong binilin sa inyo ni Madame Viva?" Pabalang na sagot ni Blake patungkol sa pagpigil sa kaniyang kagustuhan.

"Ah, sir kasi, sumusunod lang po kami sa utos ni Madame." Sagot ng isa pang bodyguard.

"Hindi ninyo ba kami padadaanin ha!" Sigaw ni Blake at aambahan na ang mga bodyguards ng kaniyang ina.
Nang biglang.

"Blake! Stop that! Hindi ka ba talaga titinong bata ka?" Sigaw ni Madame Viva ng makalabas sa kaniyang silid.

"Ma? Do I deserve this? Kinukulong ninyo ako! Hindi ko magawa ang gusto ko!" Sigaw ni Blake sa kaniyang ina.

"Blake iho? Hindi ka namin pipilitin ng ganito kung hindi lang.. " Putol na sagot ng galit na ina dahil sa matigas na ulo ng kaniyang anak.

"Kung hindi lang nawala si Kuya? Ganuon ba? Ganuon ba Ma?" Paghihinagpis ni Blake.

Natigilan bigla ang lahat sa sinabing iyon ni Blake sa kaniyang ina.

Mistulang isang palaisipan sa mga taong naroon na nakarinig ng sekretong iyon sa loob ng silid.

"This is not the right time to talk about that Blake. You have to learn." Nagpipigil na galit ni Madame Viva sa kaniyang anak ngunit nanatili ito sa kaniyang magandang postura.

"Kailan ba Ma? Kailan ba na tapos ang issue na ito? Kung buhay pa 'yung anak ninyo, nasaan siya!" Galit na sigaw ni Blake, senyales na may dinaramdam siyang sama ng loob sa kaniyang pamilya.

Nanahimik ang kapaligiran.
May namumuong luha sa gilid ng mata ni Blake.

Bigla na lamang itong nag walk out at binangga ang mga bodyguard ng kaniyang Ina.

Napatingin kay Madame Viva ang mga bodyguards niya.

"Let him go." Nasabi ni Madame Viva sa kaniyang mga bodyguard.
Nawala na lang na parang bula ang kaniyang anak, wala siyang nagawa kundi pagbigyan ito.

"That kid. Hindi na talaga matuto." Nasabi na lamang ng kaniyang ina.
Nag-ring ulit ang cellphone niya at kinausap ang kaniyang asawa.

Isa sa pinaka-makapangyarihang pamilya ang Andrews. Si Madame Viva ang nagpapatakbo ng mga business nila na Ipinundar ni Don Fredo.

Nang dahil sa sekretong na Bunyag ng hapon na iyon ay maraming magbabago sa kanilang kapaligiran.

Sumakay na ng kaniyang kotse si Madame Viva kasama ng kaniyang mga bodyguards at nagtungo agad sila sa resort.

Nang papunta na sila ng resort ay napansin ni Madame Viva si Lola Ged na inaayos ang mga balde sa gilid ng kalsada.

"Ihinto ang sasakyan." Nasabi nito.
Inihinto agad ang sasakyan sa tapat ni Lola Ged.

Nagulat ang matanda ng may pumaradang magarang sasakyan sa kaniyang harapan.

Bumaba si Madame Viva at nagkatinginan ang dalawa.

Hindi malaman ni Lola Ged kung ano ang gagawin kung kaya't Isa-isa niyang itinabi ang mga balde na nakaharang sa daan upang hindi makaabala sa daraanan ng babaeng kaniyang nakita.

" Excuse me." Nasabi ni Madame Viva ng makasalamuha si Lola Ged.

Napatingin si Lola Ged sa kaniya at kinilatis ng maigi ang babaeng nagsalita.

" Ano po ang maitutulong ko sa inyo?" Tanong niya.

" Ikaw na ba iyan Ged. " sagot ni Madame Viva habang tinitignang mabuti ang matanda.

" Ah.. paano.." putol na nagtatakang sagot ni Lola Ged.

" Ako ito Ged, si Viva. Naalala mo pa ba ako?" Tanong niya.

Pilit na inaalala ni Lola Ged kung saan niya nakilala ang kaharap na babae.

"Viva." Nasambit niya.

Nagkatinginan ang dalawa ng matagal.

" Kumusta ka na Ged." Tanong ni Madame Viva sa matanda.

" Teka. Hindi ko po kayo makilala." Nasabi ni Lola Ged.

" Matagal ng panahon Ged magmula ng lumayas ang kapatid mong si Dina sa Mansion ng mga Andrews." Nasambit niya.

Nasa likuran niya ang kaniyang mga bodyguards gayundin ang kaniyang sekretarya.

Napaisip si Lola Ged at pilit na inaalala ang mga pangyayari ng nakalipas.

Si Sumpa at Si Mang KuKulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon