Ang Mission

33 1 0
                                    

Hindi umiimik si Zen habang naglalakad. Hindi rin umiimik si Blake habang kasabay niyang naglalakad ang kaniyang mortal na ka away.

Nakarating sila sa isang park kung saan ay sinalubong sila ng dalawang representative ng kanilang Mission.

" Hi Mam, Sir. Kami po ang inyong magiging gabay. Nasa bandang kanan ninyo po ang inyong tutuluyang cottage." Panimula nito.

" Cottage?" Nagulat na nasambit ni Zen.

" Opo Mam. Dito po kayo mag papalipas ng gabi. Hindi po ba nasabi sa inyo ng inyong Speaker kanina? " tanong nito.

" Hi-hindi!" Sagot ng pagkabigla ni Zen.

Nakatahimik lamang si Blake at gayundin ang kaniyang pagkabigla.

Napatingin sa kaniya si Zen na nag-iisip na ang may pakana ng lahat ng ito ay si Blake. Ngunit wala din itong alam sa nangyayari.

Napatingin din si Blake kay Zen dahil sa nairita na ito sa nanlilisik na mga mata ng dalaga.

" Te-teka Miss. Hindi po kami pu-pwedeng magpagabi dito." Sagot na lamang ni Blake.

" Sa gabi po kasi dadating ang mga misyunaryo at kailangan ninyo pong Kunin ang kanilang basbas bago kayo bumalik ng Pilipinas bukas." Sagot nito.

" Basbas?" Nasambit ulit ni Zen.

" Naku." Pilyong sagot ni Blake.

Nanlilisik ang mga mata ni Zen kay Blake, dulot nito ay ang pagsiklab ng galit niya sa binata.

Nilapitan niya si Blake at unti-unting piningot ang tainga nito.

"Ar-areku .. Arrrrayyyy!!" Sigaw ni Blake habang nakahawak sa braso ni Zen.

"Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Pinapagulo mo ang lahat! Kunyari ka pa! Plano mo toh! Ummpppphhh!" Galit na nasabi ni Zen habang hinahampas-hampas ang katawan ng walang kalaban laban na si Blake.

Umawat ang mga taong sumalubong sa kanila.

"Ay Miss, tama na po, huwag po ninyo sanang isipin na si Sir Blake ay may nalalaman dito, ito lamang ay bahagi po talaga ng inyong Misyon." Nasabi nito habang pinoprotektahan si Blake sa malalakas na hampas sa kaniya ng dalaga.

" Wala akong pakialam! Kung sino ang may pakana ng lahat! Pag-uuntugin ko pa kayo! Pinapangako ko na kapag nakabalik na ako ng Pilipinas, aalis na ako sa Bulok na University na iyon! Hooo! Buhay nga naman!" Sigaw ni Zen habang dinuduro si Blake at ang mga kasama nito. Gulo gulo ang kaniyang buhok at nawala na sa kaniyang postura, animo'y isang babaeng lasing na lasing.

Hindi nakaimik ang tatlong naroon na nakasaksi sa pagiging halimaw ni Zen. Natulala sila sa mala-higanteng boses at mas masahol pa sa aswang na anyo ni Zen ng Ihayag sa kaniya na makakasama niya magdamag ang kaniyang mortal na ka away.

Nilayasan sila ni Zen at nag tuloy sa kinaroroonan ng cottage.

Ilang minuto pa ang nakalipas.

"Sir? Ayos lang po ba kayo? " pag-aalala ng mga sumalubong sa kanila.

Nakatingin si Blake kung saan patungo si Zen, hindi niya namalayan na kinakausap na pala siya ng kaniyang mga kasama.

" Sir?" Tanong ulit nito.

Natauhan si Blake.

" Oh, o-oo? Oo, I'm good. Ako pa." Nasabi na lamang niya ngunit ang katotohanan ay naiisip nito ang mga binitawang Salita ni Zen.

" Let's go sir." Sagot ng mga ito.

Sinamahan nila si Blake patungo sa cottage.

Nakita niya ang tahimik na lugar.

Nakaka-relax.

May duyan sa labas ng kwarto.

Puting bed sheet sa dalawang magkahiwalay na kama, mga Kurtina na hinahangin ng Simoy na galing ng karagatan, kahoy na sahig, marbles na mga lamesa, fireplace at munting kusina.

Hinanap pa niya ang mga sulok ng lugar.

Hindi niya makita ang kaniyang hinahanap.

Pumasok siya sa isa pang pinto na parang isang maliit na kwarto o isang exit door papunta sa sea side.

Binuksan niya iyon.

" Aaahhhhhhhh! !!!!!!!! Layas! Aahhhhhh!! Walang hiya ka!! " Sigaw ni Zen na naliligo sa loob ng banyo habang bigla itong napaupo upang IKubli ang kaniyang exposed na katawan.

Nanlaki ang mga mata ni Blake at sa sobrang takot ay nagmadali itong lumabas ng banyo at mahigpit na hinawakan ang doorknob nito sa kaba.

Hanggang sa paglabas ng pinto ay dinig pa rin niya ang sigaw ni Zen.

Inisip niyang huwag ng magpakita kay Zen upang humupa ang tension.

" Hoo!" Reaksiyon niya habang nakahawak sa kaniyang dibdib.

" Tama, escape mode." Napangiting sagot niya sa sarili.

" Ang talino ko talaga! Hahaha.." pampakalma niya sa kaniyang sarili.

Sa pagkataranta ay hindi niya napansin na naipit sa pinto ang kaniyang tshirt habang nakasara ito.

" Oh! Crap! Damn... what should I do? What should I do!!! Ohhhh my God!! Let me go, let me go.." Takot na nasambit ni Blake habang unti-unting hinahatak ang kaniyang naipit na parte ng damit sa nakasarang pintuan.

Narinig niyang tumigil ang tunog ng shower sa loob ng cr dahil sa sobrang lapit niya sa pinto.

Lalo lamang siyang kinabahan dahil sa alam niyang lagot na siya kay Zen na kanina lamang ay mukhang halimaw sa galit.

Ngunit hindi niya talaga mahatak ang kaniyang tshirt.

Ilang minuto pa ay Pinagpapawisan na si Blake at malapit na siyang magtagumpay sa kaniyang paghatak.

Hinatak ng matindi ni Blake ang kaniyang tshirt.

" Aargghhghh konti pa. Konti na lang.." pwersa niya sa tshirt.

Nang Biglang bumukas ang pinto at dahil sa pwersa ni Blake ay napadausdus ang kaniyang Kaliwang paa sa loob ng pinto, dulot nito ay natamaan ang mga paa ng palabas na si Zen at...

" Aaahhhhhhhh!" Sigaw ni Blake at Zen ng parehas silang Bumagsak sa sahig.

Isa.

Dalawa.

Dumilat ang kanilang mata.

Pinakiramdaman ang sarili.

Nagsalubong ang kanilang mga mata.

Napatingin sa kanilang magkadikit na katawan.

Si Zen ang nasa ibabaw.

Napunit ang damit ni Blake, at na kabukas ang towel sa katawan ni Zen.

Nakayakap sila sa isa't isa.

Dug.dug.dug-dug.

Tibok ng kanilang magkadikit na puso.

Tatlo.

" Aaahhhhhhhh! !!! " Sigaw ng dalawa habang nagmamadaling bumangon at kinubli ang kanilang mga katawan.

" Pervert! Manyakis ka!" Sigaw ni Zen habang nakayakap sa kaniyang towel.

" Ikaw ang Manyakis! " sigaw din ni Blake na halatang napapalunok sa kaniyang mga nasaksihan.

Una.
Ang katawan ni Zen na naka-sideview habang walang saplot na naliligo.

Pangalawa.
Ang pagkakadikit ng katawan na malamig at basang katawan ni Zen sa kaniyang pawisang katawan.

Napa lunok siya.

Naisip niya bigla. "Teka, bakit ako nahihiya? Bakit ako matatakot? "

"Ako si Blake Andrews ang pinakasiga sa buong University. Ako ang hinahabol ng mga babae! Ako ang makapangyarihan! Ako ang ginagalang! Ako ang anak ng may-ari ng University! Ako ang.." putol na imahinasyon ni Blake ng biglang.

" Aaaouuuucchhh!!!!" Tinamaan siya ng tabo sa ulo.



Si Sumpa at Si Mang KuKulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon