"Pwede ba Dred, kung sino ang nabunot mo makuntento ka, hindi 'yung puro na lang negative thoughts ang iniluluwa niyang bibig mo." Supladang sagot ni Zen.
"Hmmpp." Sagot ni Mildred na walang magawa.
Nagpatuloy ang klase at ang lahat ay nakakuha ng kani-kanilang partner para sa project na kanilang ipapasa next week.
Malapit ng matapos ang klase at nanatili muna si Nonong sa sementadong upuan malapit sa library.
Nasanay na siyang paunahin ang mga kaklase at ka-schoolmate niyang makalabas ng University bago siya lumabas ng gate at maglakad pauwi.
Araw-araw niya itong ginagawa at nakasanayan na rin niya ang ganoon upang makaiwas sa mga pambubully ng halos karamihan sa mga ito.
Matapos ang tatlumpong-minuto ay mauubos na ang mga kotseng palabas ng gate. Tanging si Nonong lamang ang naglalakad pauwi.
Tumayo na siya at isinukbit ang kaniyang back pack at kinuha ang apat na makakapal na libro, inumpisahan na niyang lakarin ang pasilyo patungo sa gate ng University.
Nang makalabas na si Nonong ay napansin siya ni Zen na sakay ng isang dilaw na volkswagen.
Hindi pa gaanong nakakalayo ang dalaga gawa ng traffic na naidulot ng daan-daang kotse na naglabasan sa West University gate.
Ibinaba niya ang bintana ng kaniyang kotse at tinawag si Nonong na bigat na bigat sa dala nitong apat na makakapal na libro.
"Nong!" Sigaw niya habang sinusundan ang tinatahak na daan ni Nonong sa kalapit na sidewalk.
Hindi siya narinig nito.
"Nongggg! Nonong!" Sigaw niya at itinodo na niya ang kaniyang boses upang marinig siya nito.
Napalingon si Nonong na hindi naman na niya ginagawa dahil sa nadala na siya na sa twing lilingunin niya ang boses na kaniyang naririnig ay kasunod niyon ay ang mga bote ng mineral water ang kaniyang natitikman.
"Ze-zen?" Napatigil siya ng mapansin ang effort na ginawa ni Zen. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang naramdaman.
"Nong! Halika!" Yaya ni Zen habang sinsenyasan niya si Nonong na sumakay sa kaniyang kotse.
"A-ako ba?" Pag-kumpirma ni Nonong sa naganap.
"Oo!" Sigaw ni Zen. "Sino pa ba?" Sa isip niya.
Sumakay naman si Nonong at nag-seat belt.
"Saan ba ang bahay ninyo Nong hatid na kita." Paumpisa ni Zen na nagda-drive ng kaniyang kotse.
"Ah, ibaba mo na lang ako, kapag lampas sa kabilang kanto." Sagot ni Nonong na halatang nahihiya.
"Hatid na kita, ang dami mong dala." Pilit ni Zen na nagmamagandang loob.
Hindi na nakatanggi pa si Nonong kung kaya't itinuro na niya ang daan patungo sa kaniyang lugar.
"Ah dito na lang Zen." Nasabi ni Nonong, matapos ang tatlumpong minutong pananahimik nila ni Zen sa loob ng kotse.
Itinabi ni Zen ang kaniyang kotse sa harap ng bahay nila Nonong. Maliit lamang ito kumpara sa mala-mansion na bahay niya.
Nakita niya ang kahirapan ni Nonong, nahabag lalo ang damdamin ni Zen sa pagkakataong ito. Minabuti niyang manatili sa kaniyang kotse at hinintay na makababa ng tuluyan si Nonong.
Nang makababa, napansin ni Zen ang isang matandang babae na may bilao sa ulo at malalaking timba na karga karga nito.
Sinundan niya ng tingin ang matandang babae at sakto namang inilapag nito ang kargahin at sinalubong si Nonong at inabot ang kamay nito dahil sa magmamano si Nonong.
BINABASA MO ANG
Si Sumpa at Si Mang KuKulam
Short StoryA Love of Friendship and a Sacrifice For Hatred.