Tinignan niya si Mildred, habang ang mukha naman ng dalaga ay nagulat sa pwersahang pag-alis sa kaniyang pagkakayakap kay Nonong.
"Pagkatapos ng mga nangyari nuon, sinumpa ko sa sarili ko na magmamahal lang ako ng babaeng kaya akong tanggapin kung sino ako, kahit ano pa ang hitsura ko at kung ano ang mayroon ako. " nasabi ni Nael sa kaniyang sarili habang sumariwa sa kaniyang alaala ang masakit na pangyayaring nagluklok sa kaniya upang magpursigi sa pag-aaral at maging pinakamatalino sa lahat.
"Matigas ka Nael, ang akala ko ok na tayo, nawala na si Zen sa isip mo. Ako ang umalalay sa'yo habang nasa estado pa tayo ng pagluluksa sa kaniya. Akala ko nasa akin na ang atensyon mo, nagsumikap ako para lang mabigyan mo ako ng atensyon kahit kaunti lang, pero ano? Ano?" Sumbat ni Mildred sa sama ng loob.
Pigil na pigil ang bibig ni Nael upang hindi niya masagot ang sumbat sa kaniya ni Mildred.
"ANO! Wala ka man lang bang sasabihin sa akin? Ganiyan ka na ba talaga kahit nuon?" Galit na nasabi nito.
"ANO! Magsalita ka!" Sumisigaw na si Mildred habang tinutulak tulak si Nael.
Hindi na nakapag-pigil pa si Nonong at hinawakan niya ang magkabilang braso ng dalaga. Nag-uumpisa na siyang mapikon. Lumalakas ang pagpintig ng kaniyang puso, na para bang sasabog sa sama ng kaniyang loob. Sa mga Sumbat na akala mo'y walang kabayaran.
" Tumigil ka na Mildred!" Pigil na Salita ni Nonong.
Naka pikit sya. Nanlalamig ang mga kamay.
Hindi pa rin iyon ang dahilan upang tumigil si Mildred sa kaniyang mga hinaing.
Dulot nuon ay Niyakap niya si Nael at umiyak.
Huminga na lamang siya ng malalim at pinabayaan sa ganuong sitwasyon si Mildred na alam niyang Lubusang nasasaktan.
Hindi niya gustong saktan ito. Wala din siyang balak saktan ang kalooban o nararamdaman nito para sa kanya. Ngunit mas nangingibabaw pa rin ang kaniyang kawalan ng Tiwala dito dahilan upang maging malayo ang kaniyang feelings sa dalaga.
Habang nakayakap sa kanya si Mildred ay napatingin siya sa ulap. Pinagmasdan niya ang mga bituin.
"Sinusumpa ko ang gabi na ito, na siya lang at wala ng iba pa sa puso ko." Sa isip niya.
May napansin siya na parang may nagmamatyag sa kanila kung kaya't iniligid niya ang kaniyang paningin.
Nang..
" Zen?" Nakita niya itong nakatayo sa hindi kalayuan at nakatingin sa kanila habang nakayakap sa kaniya si Mildred at umiiyak.
" Huh?" Gulat na nasabi ni Mildred at nilingon ang tinitignan ni Nael.
Kinalas ni Nael ang pagkakayakap sa kaniya ni Mildred.
Nabigla si Nael. Para bang na-guilty siya sa nasaksihang iyon ni Zen.
" Oh, so-sorry. Nakalimutan ko kasi 'yung pouch bag ko sa dining table. Pasensya na." Nahihiyang pagpapaliwanag ni Zen.
Bumalik siya upang kuhanin lamang ito at wala siyang ibang layunin, nang nasaksihan niya ng hindi sinasadya ang ganuong kaganapan. Ngunit bago pa man siya nakapasok sa gate na medyo nakabukas gawa ng pag likas ni Blake ay may parte na hindi niya sinasadyang marinig sa pagtatalo ng dalawa.
Nagkaroon siya ng kaunting pagdududa sa estado ng relasyon ng dalawa.
" Excuse me." Nasabi na lamang niya sabay lakad patungo sa dining table. Mahiya siya sa sitwasyong nakaharap niya.
Masama ang tingin ni Mildred ng makalampas si Zen.
Sinundan ni Nael si Zen, naiwang mag-isa si Mildred.
" Zen." Tawag niya.
Napahinto si Zen sa paglalakad, at hindi niya malaman ang kaniyang pakiramdam. Hindi niya maipaliwanag. Sa tinig na iyon, na halos gusto niyang namnamin sa sarap. Gusto pa niya ulit marinig ang pangalan niya sa pamamagitan ng boses na iyon. Pakiramdam niya'y nais niya pang ipaulit kay Nael at sariwain ang panahon na iyon.
" Zen. Kung anuman ang nakita mo kanina, huwag mo sanang..." putol na pagpapaliwanag ni Nael.
" Wala akong intensyong manghimasok sa inyo ni Mildred. Nawala man ang memorya ko sa nakaraan, alam ko, ramdam ko na nagmamahalan kayo. Wala akong karapatang sirain ang maganda niyong relasyon." Nasabi ni Zen habang dinadampot ang kaniyang pouch bag at naghahanda ng magpaalam.
" Wa-wala naman kaming..." sagot ni Nael.
" Nael! " putol ni Mildred ng sundan ang dalawa. Narinig niya ang nasabi ni Zen.
Napaharap ang dalawa.
" Enough of this non-sense Nael. I'm sick of this. Let go of her. Tama na!" Sigaw ni Mildred sa galit.
Napakunot ng noo si Zen.
Gustong-gustong niyang sumabat. Gusto niyang magtanong.
Napaisip siya sa sinabi ni Mildred na nanglilisik ang mga mata sa galit at mukhang sasabog na.
" Bakit Mildred? Ano ba ang hindi ko alam." Natanong ni Zen, determinadong matuklasan ang nakaraan.
Natigilan si Mildred.
Nag-aabang lamang si Nael sa sasabihin ni Mildred.
" Sige. Mildred sabihin mo sa akin. Ano ang mayroon sa amin ni Nael sa nakaraan. Ano? Bakit kailangang niya akong pakawalan. " sunod sunod na tanong ni Zen.
" Mang-aagaw ka Zen! Hindi mo alam?" Nasabi na lamang ni Mildred upang mapagtakpan ang kahapon.
" Huh." Sabay na reaksiyon ni Nael at Zen.
" Oo! Lahat na inagaw mo! Si Blake! Ngayon naman si Nael! Kaya kung pwede lang Zen bumalik ka na sa pinanggalingan mo at huwag ka ng magpakita dito! Ang Kapal ng mukha mo! Witch! " Galit ni Mildred.
Natigilan si Zen.
" Mildred. Anong sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ni Nael na hindi malaman ang mga planong iyon ni Mildred.
" Tigilan mo na kami Zen malapit na kaming ikasal! " sigaw ni Mildred.
" Huh?!" Napanganga na lang si Nael.
Lalong Natigilan si Zen.
" Ako pala ang Mang-aagaw. Ako pala ang dahilan ng kaguluhan ito. Kaya pala ganito ang nararamdaman ko. Ang sama ko." Sa isip ng tulirong si Zen.
" Stop it Mildred. Huwag mong linlangin ang ka isipan ni Zen. Wala siyang alam!" Nasabi ni Nael.
" Don't believe her Zen she's just trying to .." sagot ni Nael.
"....just trying to make things clear for both of you. Especially you Zen Fuentes. Hindi mo na maagaw sa akin si Nael. Not this time, not tomorrow, not ever! " pag putol ni Mildred sa sinasabi ni Nael.
Broom mm. .. broom mm. ... Brooooommmmmm......
" Ayos! Nawala lang ako saglit inaaway niyo na ang magiging asawa Ko. Clap clap!" Singit ni Blake na Kararating lang. Nakangisi at halatang naiinis sa nakita.
Napatingin ang tatlo.
" Kayong dalawa. Tigilan niyo si Zen kung ayaw niyong mawala kayo sa landas ng mga Andrews. Lalo ka na Nonong. " pagbabanta ni Blake habang bumababa sa kaniyang motorsiklo.
BINABASA MO ANG
Si Sumpa at Si Mang KuKulam
Short StoryA Love of Friendship and a Sacrifice For Hatred.