Nakarating na ang mga estudyante sa Hotel at ang lahat ay ligtas. Ang unang araw sa Palau ay naging matagumpay.
Magkasama sa loob ng kwarto si Zen at Mildred. Hindi nila maiwasan ang magkwentuhan sa kanilang naging karanasan." Kumusta ang lakad ninyo ni Nonong?" Usisa ni Mildred habang nakaupo sa ibabaw ng kama ni Zen.
" Nakakatakot pero enjoy. Napagkamalan pa akong mangkukulam. Hahaha.. oh my. Wala kaming history ng ganuon." Natatawang sagot nito habang nakahiga at may hawak na notebook.
" Talaga? Ang weird naman. Eh halos ganuon din ka-weird iyong napuntahan namin ni Blake." Kwento ni Mildred na halatang kinikilig sa kaniyang naranasan.
" Baka naman set up lahat kasi parang scripted lang ang mga nangyayari. Pero ang hindi ko maintindihan eh iyong pag - galing ng mata ni Nonong. Shocks. Naging ok ang mata niya 'nuong makapasok kami sa lumang simbahan." Kwento ni Zen na hindi pa rin makapaniwala sa mga nakita.
" Oh! Napansin ko nga. Pero to tell you, Mas bagay kay Nonong ang walang salamin. Ang akala ko naman eh nadapa siya at nasira ang kaniyang salamin kaya hindi niya ito suot kahapon." Sagot ni Mildred.
" Oh di ba ang gwapo niya?" Nasambit ni Zen.
"Hindi ko napansin. Hahaha." Pagtatawa ni Mildred.
" Loka. Ganiyan ka pa ha, baka mamaya mainlove ka kay Nonong. " Bulyaw ni Zen.
Nang biglang kumidlat ng malakas. Tinamaan ang bintana ng kwarto ni Mildred at Zen.
" Aaahhh!!" Sigaw ng dalawa habang kumakaripas ng takbo patungo sa pintuan ng kanilang silid upang humingi ng saklolo dahil sa umaapoy ang bintana matapos tamaan ng kidlat ito.
Nagsisigaw sila sa pasilyo upang humingi ng saklolo.
" Tulong! Tulong!" Sigaw ni Mildred na halos maiyak sa kaba.
" Pumunta tayo sa Reception ng Lobby!! Bilis Dred. Bilis!" Natatarantang sagot ni Zen.
Dahil duon ay nabulabog ang ibang mga estudyante na nasa loob ng kanilang mga silid.
Tumakbo ang dalawa at ni-report ang nangyari.
Pinuntahan agad ng mga staff ng hotel ang kanilang silid at inumpisahang I - check ang sinasabi ng dalawa.
" Ma'am cleared po. Wala pong sunog, at wala pong bakas ng tama ng kidlat." Report ng mga staff ng hotel.
" Huh? Totoo po ang sinasabi namin." Nagtatakang sagot ni Zen.
" Next time ma'am, tawagin po na lang ninyo ulet kami." Sagot ng staff ng Hotel.
"Pero.. Pero totoo po!" Iyak ni Mildred.
" Sige po at marami pa po kaming gagawin." Pagpapaalam ng mga ito.
Napansin nila ang mga estudyanteng naglabasan ng kanilang mga silid dahil sa alarmang ginawa ng dalawa.
Unti-unting pumasok ang magkaibigan sa loob ng kanilang silid at tinignan ang kanina lamang na umaapoy na bintana.
Nagkatinginan ang dalawa.
"Dred, wala nga." Pansin ni Zen.
" Pero.. Pero. ." Sagot ni Mildred.
" Oo. Kahit ako. Nakita ko. Totoo! Peks man! " kumbinsidong sagot ni Zen.
" Oo Girl. Kitang kita ng dalawang mata ko." Sagot ni Mildred.
" Ay naku. Hayaan na nga lang natin." Sagot ni Zen.
Kinabukasan. Panibagong pakikipagsapalaran ang kanilang haharapin.
Nagpunta na ulit sila sa lobby ng hotel upang tanggapin muli ang bago nilang mission.
Nakaupo si Mildred at Zen sa upuan malapit sa pintuan ng Lobby. Wala pa rin si Nonong at Blake na kanilang mga partner.
Ilang minuto pa ang lumipas ay may pumasok sa pintuan.
" Dred dumating na partner mo. " bulong ni Zen.
Napatingin si Mildred kay Blake na halatang naghahanap.
" Blake!" Tawag ni Mildred sabay taas ng kamay at itinodo ang mga ngiti.
Napatingin si Blake sa kanila ngunit iniwasan ng tingin si Mildred at napatingin ng husto sa kasama niyang si Zen.
" Hayy.. here we go again.." reklamo ni Blake.
Habang papalapit siya sa dalawa ay hindi niya maiwasang mapasulyap kay Zen. Agarang napansin iyon ni Mildred. Ngunit hindi siya binigyang pansin nito, nakayuko lamang si Zen habang abala sa pagkalikot ng kaniyang cellphone.
" Zen, ah este Mildred." Tawag ni Blake Nang makalapit.
Napatingin si Zen sa kaniya. Ngunit Agarang binawi ito.
" Mildred, pupunta lang muna ako sa harap, kukunin ko iyong papel namin ni Nonong para mabilis kaming makaalis kaagad sa oras na dumating siya." Biglaang Pagpapaalam ni Zen kay Mildred upang makaiwas sa inaalala niyang masasamang plano ni Blake.
" Tsk. Akala mo kung sino." Bulong ni Blake, halatang naiinis sa ginawang pag-iwas ni Zen.
Nakatingin lamang si Mildred ngunit masama na ang tama ng kaniyang puso sa sitwasyong kaniyang nakikita.
" Hay nako. Wala akong panahon sa mga bagyong kagaya mo." Nasabi ni Zen habang naglalakad palayo sa dalawa.
Narinig iyon ni Blake. Kung kaya't sinundan niya ito.
Nais sanang pigilan ni Mildred ang kaniyang partner ngunit nakaramdam na siya ng sakit, at hindi na makuhang mag-react ng kaniyang katawan.
Nanatili lamang siya sa kaniyang upuan, masugid na nagmamasid sa kaniyang kapaligiran.
Hinawakan ni Blake sa balikat si Zen. Kitang kita ni Mildred at ng maraming tao ang ginawang iyon ng pinaka-makapangyarihang estudyante ng West University.
"Teka, teka nga." Pigil ni Blake habang nakahawak sa balikat ni Zen.
Nagulat si Zen sa naramdamang kamay na nakahawak sa kaniyang balikat.
Namula sya at Napatigil sa paglalakad. Naramdaman niyang hindi iyon normal. Kung kaya't dahan-dahan niyang nilingon ito.
Dahil duon.
"Iikkaww!!" Sigaw ni Zen ng makita si Blake na nakahawak sa kaniyang balikat.
Hinawakan niya ang kamay ni Blake na nasa kaniyang balikat at pinilipit ito.
" Ummpp!! Kapal mo talaga. Hahawak ka ng walang abiso! Yan, yan ang dapat sa'yo! " gigil na nasabi ni Zen habang pinipilipit ang braso ni Blake na halos nakaluhod na sa sahig.
" Aaahhh! Ooucchh!! GUARD!! " sigaw ni Blake sa sakit na kaniyang nararamdaman habang pilit na iniaalis ang mga braso na iyon na halos yakapin na ni Zen dahil sa inis.
" Sinusubukan mo talaga ako ha, wala akong sinasanto. Kapal ng mukha mo!!" Gigil na sagot ni Zen habang patuloy na pinaparusahan si Blake.
Habang nasa komosyon ang lahat ay siya namang pasok ni Nonong sa pintuan.
Binuksan niya ang pinto at Laking gulat niya ng makita sa ganuong sitwasyon si Zen at Blake na halos nasa gitna ng Lobby.
Natulala lamang si Nonong ng makita ang parang kakulitan ng dalawa habang pinagtitinginan ng maraming estudyante.
Nakita siya ni Mildred na hindi na rin umalis ng kaniyang pwesto.
" Nong?" Napatanong siya sa kaniyang sarili ng makita ito na nakatingin sa dalawang nag-wrewrestling.
Hindi inaasahan Ni Mildred na may mahabang buhok si Nonong. Makinis ang mukha. Maganda ang mga mata, matangos na ilong. Napatayo si Mildred ng makita ang biglang nagbagong si Nonong.
" A-anong nangyari kay Nonong." Nasambit niya sa kaniyang sarili dahil sa pagka-mangha.
Nilapitan niya ito.
" Nonong?" Tawag niya na hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang nakita.
BINABASA MO ANG
Si Sumpa at Si Mang KuKulam
Historia CortaA Love of Friendship and a Sacrifice For Hatred.