Si Mildred

70 1 0
                                    

Si Mildred ay isang makoloreteng estudyante ng West University. Mayaman at maganda. Maraming business ang kanilang pamilya. Maraming kaibigan ngunit spoiled brat. Mabait at may Mataas na ambisyon. Walang tiyaga sa pag-aaral, ito ang tanging concern ng kaniyang mga magulang at dahil dito ay nagkakaroon sila ng hindi pagkaka-unawaan. Hindi ganoon katalino si Mildred ngunit madiskarte siya at kayang lusutan ang maliliit na problemang kaniyang kinahaharap. Mapusok at mapaglaro, ngunit may kahinaan din siyang itinatago. Nakukuha ang gusto niya at pinaghihirapan niyang makamit ang mga ito. Kababata niya si Zen, nagkawalay lamang sila ng ilang taon sapagkat lumipat ng ibang tirahan sila Mildred at niyaya niyang lumipat si Zen sa kaniyang pinapasukang University.

"Nonong... ah si Zen nga pala may sasabihin.. haha.." pagsasabi ng biglaan ni Mildred sabay kamot at tingin kay Zen.

Siniko-siko niya ito ng paulit ulit.

"Mildred?? A-an.." putol na nasabi ni Zen ng biglang itinulak siya paharap ni Mildred paharap kay Nonong na nakatayo sa kanilang harapan.

Nakahalata si Nonong, nahiya ito at pilit na binabasa ang kaniyang kapaligiran.

"Ah.. ah walang anuman iyon Nonong, hi-hindi dapat gawin ninuman ang mga ganoong bagay sa'yo." nasabi na lamang ni Zen na nahihiya na sa pagkakataong iyon.

Napangiti na lamang si Nonong at nakita nila ang malalaking braces nito.

Halos mabulunan si Mildred ng makita ang malalaking bakal sa ngipin ni Nonong.

Napansin ni Zen iyon kung kaya't tinignan niya ang kaibigan at tumayo sa kaniyang kinauupuan at niyakag si Nonong papalayo dito.

"Halika Nonong dito na lamang tayo mag-usap, alam mo kasi.." tuloy-tuloy na pagsasalita ni Zen ng mapansing nakatingin sa kaniya ang mga estudyante habang naglalakad at nagbubulungan na nakatakip ang mga bibig.

Nang mapansin niyang pati si Nonong ay nakatingin din sa kaniya at hindi nagsasalita.

Nagtaka na siya sa pagkakataong iyon at hindi niya malaman kung bakit ganoon na lamang ang reaksiyon ng mga taong nasa paligid nilang dalawa.

"Ang sweet naman nila." nasabi ng isang estudyante na napadaan sa harapan ng dalawa.

"Oo nga, hi hi. . eeww.." Tukso ng isa.

Nang mapansin ni Zen na nakahawak pala siya sa braso ni Nonong habang niyayakag niya ito papalayo kay Mildred Ng hindi inaasahan.

Bigla niya itong binitawan at namula siya sa mga naging reaksiyon ng tao.

Popular si Nonong bilang isang pinakamatalinong estudyante sa buong University at kilala sa pinakakawawang estudyante, biktima ng pambu-bully.

Napayuko na lamang si Nonong ngunit wala siyang naging reaksiyon sa hindi sinasadyang aksyon ni Zen.

"A-anong mga tinitingin-tingin ninyo diyan! Mga tsismosa ke-aga aga!" sigaw ni Zen upang maging palusot na rin sa naganap.

Hiyang-hiya na siya sa pagkakataong iyon ngunit Pilit lamang niyang nilunok iyon upang maiiwas si Nonong sa mga mapag-husgang mga estudyante.

Nagbulungan ulit ang mga tao at nagpatuloy sa kanilang paglalakad.

Tumingin siya kay Nonong na may malayong distansiya sa kaniya.

"Tara na Nonong." malumanay na sagot ni Zen.

Nagpunta sila sa library kung saan madalas na naglalagi ang matalinong si Nonong.

Tahimik lamang ang dalawang nakaupo at dahil sa napasubo na si Zen sa kalagayang iyon ay inumpisahan na rin niyang tanggapin at kaibiganin si Nonong.

"Ehmm.. hemm.. Ahh Nonong?" pag-uumpisa niya.

Tumingin lamang si Nonong sa kaniya.

"Ano ba ang sasabihin ko? Naku!! Talagang Mildred na ito, dapat siya ang nandito hindi ako.. Hoooo!! Nakaka-asar talaga ang babaeng ito! nakuu.." reklamo niya sa kaniyang isip habang nakita ang makapal na salamin ni Nonong na nakatingin sa kaniya.

"Ahh wala. Sige magbasa lang tayo." sagot ni Zen habang tinatakpan niya ng makapal at malaking libro ang kaniyang mukha. Kahit saan sila magpunta ni Nonong ay pinagpipiyestahan sila ng mga Rich Kid na mga estudyante at malimit na pagtawanan.

Sanay na si Nonong sa ganuong sitwasyon kung kaya't normal na lamang iyon sa kaniyang daily routine.

Nagiging low-class na rin ang tingin ng iba kay Zen dahil sa pagsama kay Nonong ngunit hindi nya alintana iyon.

"Miss Zen." biglang bigkas ng boses ni Nonong.

Nagulat si Zen at kinilabutan ng marinig ang mahiwagang boses niyon ni Nonong.

"A-ano iyon Nonong?" nataranta niyang sagot.

"Nakalimutan mo itong bulaklak." nasabi ni Nonong sabay abot ng bulaklak kay Zen.

Nanlaki ang mata ni Zen habang tinatanggap ang bulaklak na hindi naman ganoon kalaki.

"O-hoyyyy.. Woohh sagutin mo na kasi iyang si Nonong Miss!" kantiyaw ng isang estudyante na kanina pa sila pinagmamasdan.

Napatingin ang dalawa sa kapaligiran.

Napansin nilang kanina pa pala sila pinag-uusapan ng mga tao sa loob ng library.

"Mga walang magawa ang mga tao talaga sa University na ito! Ay naku!" gigil na reklamo niya sa kaniyang isip habang halos malukos niya ang plastic na balot ng bulaklak na bigay ni Nonong.

Napapikit siya sa inis.

Napansin iyon ni Nonong. Kung kaya't naisipan na nitong magligpit ng kaniyang mga gamit na nasa kaniyang lamesa at magpaalam kay Zen.

Ngunit.

"Diyan ka lang Nonong, huwag kang aalis." pigil ni Zen ng mapansin ang pag-iimpake ng kabadong si Nonong.

Sumunod naman si Nonong at bumalik ulit ito sa kaniyang upuan.

Ibinalik ni Zen ang kaniyang mood.

"Buzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...." Bell ng University.

"Be-bell na Miss Zen..ta-tara na po.." pagyaya ni Nonong dahil nais na rin niya itong iwasan pagkatapos ng nasaksihan na pagka-irita ng kaniyang bagong kakilala.

Nang biglang may lumapit na isang estudyante kasama ang mga kaibigan nito sa kanilang lamesa at ibinigay ang isang bond paper. Halatang natatawa ang mga ito.

Tinanggap naman iyon ni Nonong.

At nang maiabot ang papel ay mabilis ding umalis ang estudyanteng iyon ngunit hindi nila maitago ang kanilang mga tawa habang papalayo sa dalawa.

Tinignan iyon ni Nonong. Napatingin siya kay Zen habang nakahawak sa papel.

"Ano iyan Nonong?" pagtataka ni Zen at gusto niya ring malaman ang nilalaman ng papel na iyon.

"Ah.. wala.. wala po.." natatakot na sagot ni Nonong.

"Bakit mo ba ako pino-po? Magkasing edad lang tayo? Patingin na nga!" nasabi ni Zen sabay hablot ng papel kay Nonong.

Walang nagawa si Nonong.

Nagulat si Zen at napahinga ng malalim, lalo lamang nairita sa mga estudyanteng malakas mang-asar.

"Miss Zen.. o-ok ka lang po ba?" nasabi ni Nonong dahil sa nakitaan niya ng pagkainis ang mukha ng kaniyang kasama.

"Pwede ba Nonong? Huwag mo akong tawaging Miss?" sagot ni Zen na halos mangiyak-ngiyak sa harap ni Nonong.

Napa-upo si Zen at napatulala sa kaniyang upuan, ibinaba nito ang papel. Kinuha iyon ni Nonong at itinabi.

"Hindi ako makapaniwala sa mga isip ng mga tao dito sa University na ito." nasambit ni Zen sa kaniyang sarili.


Si Sumpa at Si Mang KuKulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon