Seryoso ang mukha ni Nonong sa sinabi niyang ito.
" Bakit Nong?" Nag-aalalang tanong ni Mildred.
" Ewan ko Ms. Mildred but something is bothering me." Sagot na seryoso ni Nonong habang tinatanaw ang Naka back ride na si Zen.
" Please don't call me Ms. Mildred anymore. We can be friends right. " sagot ni Mildred habang titig na titig sa mukha ni Nonong.
Napatingin si Nonong sa mukha ni Mildred. Medyo iniwasan niya ang mga titig na iyon ng kasama. Pakiramdam niya ay binibiro siya nito. Hindi niya makuhang paniwalaan ang mga wirdong galaw ng kaniyang ka-partner lalo't alam niya na hindi siya ganuon gumalaw. Nailang siya kay Mildred.
" I can't believe that Zen transformed you into something like this." Nasabi ni Mildred kay Nonong habang tinitignan ang mga mata ni Nonong.
" Huh." Reaksiyon ni Nonong. Gulong gulo na ang pag-iisip niya sa mga binabanggit ni Mildred.
" Hahaha.. don't mind me saying that. I'm just happy to see you bloomed." Natatawang sagot ni Mildred ngunit may laman ang kaniyang sinasabi.
" Anong ibig mong sabihin?" Naitanong ni Nonong. Naguluhan lalo siya na tila hindi malaman ang mga aksyong binibitawan ng kasama.
" Nothing." Pilyang sagot ni Mildred sabay tanaw sa bintana ng bus.
Natahimik na lamang si Nonong at pawang napaisip sa sinabing iyon ni Mildred.
Samantala.
Nahalata ni Blake na Hindi na halos umiimik si Zen. Bigla na lamang siyang nakaramdam ng pag-alala. Binagalan niya ang pagpapaandar ng kaniyang motorsiklo at pansamantalang inihinto ito.
Inihinto niya ang kaniyang motorsiklo sa gilid ng dagat. Nakayakap pa rin ng mahigpit sa kaniyang baiwang si Zen.
Namula siya. Ngunit hindi siya nagpadala sa kaniyang damdamin bagkus umiral ang kaniyang Planong pagpapabagsak sa dalagang nangahas na kumalaban sa kaniya.
"Oy, mongols, nakahinto na tayo, kumalas ka na. Hindi ako makahinga sa tindi ng yakap mo." Nasabi ni Blake na halatang nanunukso.
Napansin ni Zen na nakahinto na ang motorsiklo, iniligid niya ang kaniyang paningin at napansin ang kagandahan ng kapaligiran. Kalmadong dagat at ang musika ng maliliit na alon. Puting buhangin at naglalakihang mga bato.
Bigla na lamang siyang natauhan at bumitaw sa pagkakayakap kay Blake. Bumaba siya ng motorsiklo at gayundin si Blake. Nag-iba ang senaryo ng kanilang araw, animo'y nakalimot sila na may alitan na naganap sa pagitan nilang dalawa. Napakunot ang nuo ni Blake habang pinagmamasdan ang kalmadong mukha ni Zen habang nakaharap ito sa dalampasigan.
Napagmasdan niya ang kagandahan ni Zen na bagamat may personal siyang galit dito ay nakuha niyang nakita ang pagkatao nito.
Hindi niya napansin na nakatitig na pala siya kay Zen.
"Dito na ba ang mission natin?" Tanong ni Zen habang nakatingin sa nakatitig na si Blake.
Hindi namalayan ni Blake na kinakausap na pala siya ni Zen dahil sa natulala siya sa angking ganda ng dalaga.
"Hoy surs! Baka naman iba na naman ang binabalak mo? Pwede ba? Hindi ka na kasi nakakatuwa." Pagtataray ni Zen.
Biglang natauhan si Blake. Hindi niya malaman ang kaniyang isasagot.
"Ha? Ah, ano eh.. Eh! Ang dami mong satsat." Yun na lamang kaniyang naibulalas.
"Tara na." Seryosong sagot ni Zen na iba na ang pakiramdam sa nangyayari.
"Ah sige, sige.. Oo naman! Ano pa nga ba ang hinihintay natin." Sagot ni Blake at sumakay na sa kaniyang motorsiklo.
Sumakay na rin si Zen. Iba ang naging pakiramdam ni Blake ng sumakay ito, iba, iba kaysa sa naunang sakay ni Zen. Animo'y may namuong ilang at hiya sa kaniyang damdamin. Tila may kurot sa kaniyang puso. Kuryenteng nuon niya lamang nadama. Hindi niya maipaliwanag. Hindi naman siya ganuon dati.
Kumapit sa kaniyang baiwang si Zen. Namula siya.
Ilang segundo pa ang nakalipas.
" Ano na surot? Hindi mo na ba papaandarin ang motorsiklo mo?" Tanong ni Zen ng mapansin ang pagka-ilang ni Blake.
"Sandali lang. Bumubwelo pa." Sagot na lamang ng nahihiyang si Blake sabay pinaandar na niya ang motorsiklo.
Tahimik ang kanilang naging journey. Nanibago si Zen dahil sa hindi na ganuon kabilis ang pagpapaandar ni Blake sa kaniyang sasakyan. Nagtataka na siya.
Huminto sila sa isang lugar kung saan nila isasagawa ang kanilang mission. Laking gulat ni Blake ng makita si Nonong at Mildred sa parehas na lugar na kanilang napuntahan.
"Zen!" Tawag ni Nonong ng makita ang kaibigan sa hindi kalayuan.
Napalingon si Zen ng marinig ang boses ni Nonong.
" Nong!" Agad niyang nasabi sabay lingon sa kung saan nanggagaling ang tinig na iyon.
Napataas ang kilay ni Mildred at gayundin naman ang iling ni Blake. May koneksyon ang kanilang mga damdamin. May halong pagkainis at kaba.
Lalapitan na ni Zen si Nonong at Mildred ng biglang hinawakan siya ni Blake sa braso. Nagulat ang lahat.
Iba ang naging interpretasyon ni Mildred sa pagkakataong iyon.
Kinutuban si Nonong. Agaran niyang nakuha ang ipinahiwatig ni Blake.
"Zen, dito ang daan." Nasabi ni Blake.
Lalong nagulantang ang lahat ng marinig nila ang pangalan na binanggit ni Blake.
"Tinawag niya ang pangalan ni Zen." Puna ni Mildred sabay takip ng kaniyang bibig sa pagkabigla.
"A-ano?" Pagtatakang tugon ni Zen habang nakatingin kay Blake. Tila nanibago sa kaniyang narinig. Hindi rin siya makapaniwala.
"Tara na, dito ang daan, hindi mo ka-partner si Nonong right? Ako. Ako ngayon ang kasama mo. Let's mind our own business." Sagot ni Blake.
Pinagmamasdan ni Nonong ang galaw ni Blake patungo kay Zen.
"Isa nga ba itong patibong?" Naitanong niya sa kaniyang sarili.
"Oh my God." Kinikilig na reaksiyon ni Mildred. May halong inggit at tuwa aNg kaniyang naramdaman ng mga oras na iyon.
"Teka, bitawan mo nga ang braso ko!" Natauhan bigla si Zen ng bigla niyang naramdaman ang ilangang nagaganap sa kaniyang kapaligiran. Hindi niya maaring patulan ang patibong ni Blake.
Binitawan ni Blake ang kaniyang braso.
Tumingin si Zen kay Nonong na nuo'y nakatingin na sa malayo.
"Nong, mamaya na lang ah." Nasabi na lamang ni Zen dahil sa ayaw niyang mapahamak ang kaniyang kaibigan.
Lumikas na si Zen sa harapan ni Nonong at Mildred na halos walang masabi sa kanilang nasaksihan.
Sumunod agad sa likuran niya si Blake na nakangiti na may bahid ng pang-aasar.
BINABASA MO ANG
Si Sumpa at Si Mang KuKulam
Short StoryA Love of Friendship and a Sacrifice For Hatred.