Ma ulan na Isla ang napuntahan ni Zen at Nonong.
Nakaka-kilabot ang lugar. Animo'y isang abandunadong lugar na sinu man ay hindi nanaising mapadaan sa islang iyon.
Wala na silang nagawa pa dahil sa iyon na ang lugar kung saan dinala sila ng kanilang mga paa.
" Zen. Nakakatakot naman dito." Kinikilabutang nasabi ni Nonong habang nililigid ang mata sa paligid.
" Oo nga Nong. Pero Mas safe dito kaysa sa West University. Dito maulan lang duon may bagyo Araw-araw. " nasabi ni Zen habang kasabay si Nonong sa paglalakad papasok ng Isla.
Napangiti si Nonong sa narinig. Habang pinagmamasdan si Zen na naglalakad ay naiisip niya ang mga bagay na imposible. Gaya ng nasasabi ng kaniyang Lola Ged na girlfriend niya si Zen.
Lumawak ang imahinasyon ni Nonong at umabot sa puntong naalala niya ang aksidente ni Blake at Zen kanina lamang.
Bigla na lamang siyang natigilan sa kaniyang pag-iilusyon.
Pumasok sa kaniyang isipan ang kasiyahang naidulot sa kaniya ni Zen, isang matapang na babae na ipinagtatanggol siya ng walang hinihinging kapalit. Naisipan niyang humiling para kay Zen.
"Sinusumpa ko si Zen na magkaroon ng mabuting asawa at masayang pamilya in the future. Napakabait niya and she deserves to be happy." Nasambit ni Nonong ng biglang...
" Nong!" Tawag ni Zen sabay hatak sa braso at ipinabasa ang nabasa sa karatula ng makalampas sila ng mala-horror house gate ng Isla.
" Huh? Ano iyon?" Nataranta ng tanong ni Nonong sabay basa sa karatula.
"Forbidden Island. " basa niya.
" Anong ibig sabihin nito?" Tanong kaagad ni Zen na medyo nag-alala sa nabasa.
"I have no idea Zen pero let's just search for the answers, malay mo front lang nila ang pangalan na iyan. Fictional ang name and not scientifically proven." sagot ni Nonong.
Napatigil si Zen sa paliwanag ni Nonong. Para bagang isang Professor ang kaniyang himig. Namangha siya sa kaniyang ka-partner.
"Alright then." sagot na lamang ni Zen habang nagpapatuloy sa paglalakad kasama ni Nonong.
Sumilong muna sila sa isang sirang waiting shed, upang magpatila ng ulan. Umupo sila parehas sa isang kalawanging bakal na nagsisilbing upuan para sa mga naghihintay.
Labing-limang minuto ang nakalipas ng kanilang pananahimik at sumikat na rin ang araw. Nagliwanag ang kapaligiran, hindi nila inaasahan ang kanilang nakita.
"Wow." nasabi ni Zen ng mapansin ang magandang tanawin sa kaniyang likuran.
Napatingin si Nonong sa kaniya.
"I told you." nasabi ni Nonong sabay din nito ay napansin niya ang parang isang sekretong lugar sa kanilang likuran, minabuti niyang puntahan ang lumang gate na pawang isang pasukan ng lugar na iyon.
"Saan ka pupunta Nong?" tawag ni Zen at sumunod agad ito sa kaniya.
Napuntahan nila ang isang misteryosong simbahan na nakatayo sa hindi kalayuan na natakpan ng naglalakihang mga punong-kahoy.
Buhay ang mga halamang nakapaligid sa gilid ng simbahan at may mga huni ng iba't ibang ibon ang sumalubong sa dalawa, ngunit sarado ang napakalaking pintuan nito, naisipan nilang halughugin ang lugar.
Nakita ni Nonong ang isang maliit na pintuan sa likuran ng simbahan. Unti-unti niya itong binuksan. Nasa likuran niya si Zen ng mga oras na iyon.
"Zen.. bukas ang pinto." pansin ni Nonong.
Maingat ang kanilang pagpasok sa loob nito. May kadiliman ang maliit na espasyo, pinagpatuloy pa rin nila ang paglalakad hanggang sa marating ang kalagitnaan ng daanan.
Biglang umihip ang malakas na hangin galing sa sirang bintana ng lugar, dulot niyon ay lumagabag ang pintuang kanilang pinasukan.
'BLAGG!
"Ay!" gulat na reaksyion ng dalawa.
"Nakakagulat naman!" nasabi ni Zen na kinabahan at binabalot na ng takot sa kapaligiran.
Nagpatuloy pa rin sila sa kanilang paglalakad at napasok ang saradong simbahan.
Nakita ni Nonong ang inaalikabok na main switch. Binuksan niya ito.
Nagbukasan ang mga naglalakihang ilaw at mga chandeliers ng simbahan.
Sumambulat sa kanila ang napakagandang interior design ng simbahan na nuon lamang nila nakita sa buong buhay nila.
"Wow!" tulalang reaksiyon ng dalawa.
Napalunok sila sa nakita, mistulang nabighani sila sa ganda ng mga paintings na nakaguhit saan mang parte ng simbahan. Sa Kisame, sa Wall at ultimong sa sahig. Mga kerubin at mga larawan ng kalangitan.
Iniligid nila ang kanilang paningin at nakaabot sa gitnang parte ng simbahan.
Napansin nila ang antigong altar at mga magagandang kagamitan ng simbahan.
"Nong. Nasa treassure island ba tayo?" tanong ng namamanghang si Zen.
Napatingin sa kaniya si Nonong, bigla na lamang kumislap ang paningin niya. Nanlabo ang kaniyang salamin sa mata. Akala niya'y dulot ng humidity ng lugar kung kaya't nagkaroon ng moist ang kaniyang salamin, tinanggal niya ito at napatingin ulit kay Zen na abala sa paglilibot sa buong kapaligiran.
Nanibago si Nonong sa kaniyang sistema. Lumiwanag ang paligid. Ibinalik niya ang salamin sa kaniyang mga mata at wala siya halos makita. Pinunasan niya ito at isinuot muli, ngunit malabo ang kaniyang paningin. Sinubukan niya ulit alisin ito at nagliwanag ang kaniyang paningin. Sinundan niya ng tingin si Zen at duo'y nakita niya ang tunay na kagandahan ng kapaligiran.
Si Zen ang maganda sa kapaligirang nakita niya ng walang salamin.
Napansin ni Zen na hindi suot ni Nonong ang salamin nito kung kaya't nilapitan niya ito dahil na rin sa lubos na pagtataka. Nakita muli ni Zen ang magagandang mata ng kaniyang kaibigan.
"Nong? Ayos ka lang ba? Anong nangyari? Nahihilo ka ba sa salamin mo?" tanong ng nag-aalalang si Zen habang pinagmamasdan ang mga mata ng kaibigan.
"Hi-hindi Zen, hindi ko alam, kung bakit nanlabo ang salamin." sagot ni Nonong na mismong siya ay nahihiwagaan sa nangyari.
Nagka-titigan ang dalawa.
"Ang ganda." nasambit ni Nonong ng seryoso habang nakatingin sa mga mata ni Zen.
Namula si Zen sa narinig.
"Ang ganda-ganda talaga." tono ni Nonong na mistulang nabighani ni Zen. Mukhang nakulam na siya at nabilanggo sa angking kagandahan nito.
"Nong?" nasabi ni Zen dahil sa tumitibok ang kaniyang puso sa narinig.
Nuo'y nasa gitna sila ng simbahan, nakatayo sa hallway at pawang ikakasal.
Natauhan bigla si Nonong sa kaniyang mga sinabi.
"Ang ganda-ganda ng paligid." iniba ni Nonong ang sinabi upang ikubli ang nararamdamang paghanga sa dalaga.
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Zen, ang akala niya'y siya ang pinuri ni Nonong.
"Feel na feel ko na eh. Hays." nasambit ni Zen sa kaniyang isip.
BINABASA MO ANG
Si Sumpa at Si Mang KuKulam
Short StoryA Love of Friendship and a Sacrifice For Hatred.