" Fredo, sure ka ba na sila?" Tanong na biglang kinabahan na si Madame Viva.
" Ni-recommend lang sila sa atin ng ating lawyer. Pero.. Pero. ." Napahinto siya sa pagsasalita ng makita si Aida.
Si Aida, ang matagal ng minimithi ni Don Fredo. Mahal na mahal niya ang babaeng ito na hindi alam ng sinu man. Kapit-bahay niya si Aida nuon na nakikita lamang niya sa tuwing papasok ito ng eskwelahan o mag pupunta ng doctor.
Sakitin si Aida kung kaya't hindi ito masyadong lumalabas ng kanilang bahay.
Palihim niyang minahal si Aida na bagamat umalis ito ng bansa upang magpagamot at Mag-aral sa America ay hindi niya nakalimutan ang hitsura nito. Masaya siya sa tuwing nakikita niya si Aida. Hinintay niya ang pag babalik nito ngunit hindi ito nangyari. Hanggang sa ipinakasal na siya kay Viva na matagal ng ipinagkasundo ng kanilang mga magulang.
" Si Rodrigo." Banggit ni Viva nasabik siya sa muling pagkikita nila.
Siya ang mayamang Fuentes na naging kasintahan ni Viva. Inakalang siya ang ama ni Nael. Kung kaya't ipinatapon ni Fredo ang bata ngunit sa huli ay napatunayang anak pala nila ito.
Hindi maikubli ng dalawang mag-asawa ang kasabikan ng makita ang dalawa nilang mga dating kaibigan na minsan ay kanilang inibig.
Tinignan ni Don Fredo si Viva ng makita nito si Rodrigo na naging isang lamat sa kanilang pagsasamahan.
Napatulala rin ito. Ngayon lamang nila naintindihan ang mga nangyari sa nakalipas.
Masakit man na tanggapin na iba ang napili at nakatuluyan ni Aida at Rodrigo ay unti unti na nilang tinanggap ito. Ngunit hindi maiiwasang may bugso pa rin ng damdamin ng mga oras na iyon.
Nakita ni Mildred at Nonong si...
" Zen!" Halos iiyak na ni Nonong ang pangalan na iyon ng makita ang dating kaibigan na kasama ang pamilya sa kanilang mansion.
Anong tuwa niya ng makita ang hinahanap hanap niyang si Zen. Pilit man niyang pinipigilan ang kaniyang damdamin ay hindi na niya Kinaya. Iba na ang kaniyang nararamdaman. Sabik na Sabik siya na muling makasama ang nawalay na kaibigan.
Nilapitan niya kaagad si Zen. Tinakbo niya ang pasilyo papunta sa kinaroroonan ng Lalong gumanda na si Zen.
" Ang ganda mo Zen. Ikaw ang pinaka maganda sa paningin ko." Nasambit ng kaniyang puso.
"Gusto kita... gustong gusto kita." Nasabi niya.
Nang makalapit siya.
Nagkatinginan ang kanilang mga mata.
Tumibok ang kanilang mga puso.
" Zen." Nasambit niya.
" Hindi na kita pakakawalan pa, Zen!" Nasabi ni Nonong sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang babaeng kaniyang inaasam.
Sumunod sa kaniya si Mildred. Halatang kinabahan din ito sa kaniyang natuklasan.
" Hindi maari ito." Nasambit niya sa kaniyang isip.
" Matagal ka ng patay Zen. Bakit nagpakita ka pa muli. Ginugulo mo ang lahat!" Dagdag pa niya.
Napalunok si Nonong. Isang hakbang na lang mapapa- sa kaniya muli ang dating nawalang kaibigan na ngayon ay inibig na niya.
Napatingin ang lahat sa kanilang dalawa. Lalong Lalo na ang mga magulang ni Zen.
Bumulong ang ina ni Zen sa kaniyang asawa habang pinagmamasdan ang anak niya at ang lalaking nasa harapan nito.
Tumango lamang si Rodrigo. Tila naintindihan ang sinabi ni Aida sa kaniya.
Mukhang gulong-gulo ang isip ni Zen ng makita si Nonong sa kaniyang harapan.
Ilang saglit pa ay sinunggaban ng yakap ni Nonong si Zen at sabay tumulo na ang luha nito.
" Zen!!" Hinagpis ni Nonong.
" Ang tagal kitang hinintay. Alam ko, malakas ang pakiramdam ko na babalik ka isang araw. Zennnnn. .." Iyak ni Nonong.
Bumagsak ang panga ni Viva ng makita sa ganoong asal ang kanilang anak sa harap ng maraming tao.
Sinundan niya ito ngunit pinigilan siya ni Don Fredo.
" Hayaan mo sila Viva. Huwag na nating pigilan ang mga bata." Nasabi nito sa mababang boses.
Tinignan siya ni Viva.
" What are you talking about Fredo?" Gulat na sagot nito.
Hindi na nagsalita pa si Don Fredo bagkus ay nanahimik na lamang ito.
Naramdaman nila ang emosyong dumadaloy kay Nael at Zen sa mga panahong iyon.
Hindi nila akalain na may mangyayaring mas malaki pa sa business proposal nang gabing iyon.
Napatingin si Mildred sa kapaligiran. Para na siyang hihimatayin sa tension. Naalarma siya sa muling pag babalik ng kaniyang matinding karibal sa puso ni Nael at ni Blake.
" Hindi maari ito." Sigaw ng kaniyang isipan.
Pinaghiwalay ni Mildred si Nonong at Zen.
Pinilit niya. Niyakap niya si Nonong. Mahigpit.
" Dred ano ba!" Nairitang sagot ni Nonong.
" Stop it Nael. Stop this!" Galit na sagot ni Mildred habang nakatingin sakaniya at halatang nasasaktan sa ginawa nitong pagyakap kay Zen.
" Zen I'm so sorry. Nael is out of his mind. I'm so sorry. Come on Nael. Let's talk." Ikinubli ni Mildred ang sakit na nararamdaman sa harap ni Zen at ng ibang tao. Ipinakita niyang mataas siyang klase ng babae.
Niyakap niya ang braso ni Nonong at pilit na isinasama niya ito palayo kay Zen.
" Mildred!" Iritadong sinabi ni Nonong at nagpupumiglas.
Nang.
Nakita na lamang ng dalawa na nasa likuran na ni Zen si Blake.
Napatigil ang dalawa sa kanilang ginagawa.
Tumigil ang mundo.
Nakita nila parehas na...
Hinawakan ni Blake ang kamay ni Zen sabay ngumiti..
Gumuho ang mundo...
"I am so sorry Zen. Please forgive my elder brother. He must be mad, again." Nasabi ni Blake kay Zen.
Nakatulala lang si Zen at nakatingin sa dalawang nasa harapan.
Nalilito.
Hindi niya alam ang kaniyang nararamdaman.
" Zen, si Nael nga pala at ang kaniyang girlfriend na si Mildred. " pagpapakilala ni Blake habang umaakyat ang kamay nito sa balikat ng dalaga.
Kitang kita iyon ni Nonong.
" What!" Hinagpis ni Nonong.
Nagsalita si Zen.
" Nice meeting you. Nael....." tinig na ngayon lang muli narinig ni Nonong sa kaniyang matapang na kaibigan nuon.
" Zen...anong nangyayari.. Bakit? Huwag mong sabihin na...." tumatakbo ang isip ni Nonong ng mga oras na iyon.
" Hi Mildred. Nice meeting you.." dagdag ni Zen sabay abot ng kaniyang mga palad.
" Zen? Hindi mo ako kilala?" Naitanong kaagad nito.
Napatingin si Zen kay Blake tila nagtatanong ang kaniyang mga mata.
Muling Nalilito.
Nagulat din sa kabilang banda si Viva at Fredo sa nararamdaman nilang kaguluhan sa pagitan ng dalawang mag kapatid.
Napapalunok na lamang sila at hindi alam ang magiging aksyon sa kanilang natuklasan.
" Nael, Mildred, Mama at Papa, si Zen Fuentes ang aking bride to be." Pagpapakilala ni Blake ng formal sa harap ng kaniyang pamilya.
BINABASA MO ANG
Si Sumpa at Si Mang KuKulam
Short StoryA Love of Friendship and a Sacrifice For Hatred.