Binawi rin ni Blake at Zen ang kanilang masamang titigan dahil sa napansin nila na maraming tao na rin ang nakapansin sa kanilang "Couple-bukol" na hindi nila maipagka-ila.
Napansin din iyon ni Nonong at Mildred na nakasaksi sa naganap na aksidente kanina lamang.
"Hey Dude, we gotta go. Catch you later." pagpapaalam ni Dan kay Blake.
"Ok dude." sagot ng wala sa mood na si Blake.
"Teka Dude, ano iyang nasa noo mo?" tanong ni Yuan na kapartner ni Dan sa lakbay-aral na iyon.
"Ah heto ba?" sabay turo sa kaniyang noo. " Kinagat ng ipis." asar na sagot ni Blake sabay sulyap kay Zen.
Napansin ni Yuan at Dan na mayroong bukol rin si Zen sa noo.
"Ah ganoon ba, sige mamaya kwento mo." sagot ni Dan na mukhang nakuha ang ideya na sinabi ni Blake sa kanila.
Umalis na ang dalawa.
"Tara na Nong, baka maabutan tayo ng bagyong super lakas." pagpaparinig ni Zen.
Tumayo na sila ni Nonong at sinundan sila ng tingin ni Blake na may binabalak.
Nakatahimik lamang si Mildred.
"Tara na Blake." paanyaya ni Mildred upang makapag-simula na sila sa kanilang project.
Hindi umimik si Blake at nagsimula na ring maglakad ito na pawang sinusundan si Nonong at Zen.
"Umm.. Blake!" tawag ni Mildred na nasa likurang bahagi niya.
"What??" iritadong sagot nito.
Napa-iwas si Mildred sa pagsusungit ng kasama.
"Ang sungit mo ha, dito po ang daan, hindi diyan." asar na sagot nito.
Pawang napahiya si Blake ngunit hindi niya ipinahalata ito sa ka-partner. Bagkus ay sinunod niya ito.
Nagpunta si Blake at Mildred sa isang lugar kung saan ay pawang sila lamang ang naroon. Napagmasdan nila ang kapaligiran, sariwang hangin at may pagka-romantikong set-up ng lugar. Sa kanilang paglalakad ay nabasa ni Mildred ang babala na naka-ukit sa bato.
"Lover's Paradise." basa niya.
Narinig ito ni Blake at inirapan lamang si Mildred.
"Nagpapaniwala ka sa mga ganiyan? I cannot believe this, ang boring." nasambit ni Blake habang halatang nabuburyong na kasama si Mildred sa kanilang paglalakbay.
Hindi na lamang siya pinansin ni Mildred, pinagpatuloy nito ang pagmamasid sa napakagandang kapaligiran.
Nakasalubong nila ang isang matandang babae na naninirahan malapit sa lugar na iyon. Napangiti ito sa kanila. Pakiramdam nila'y may kakaiba sa lugar na iyon na pawang sila lang ang nakakaramdam. Ngunit binabalewala lamang iyon ni Blake.
Nagtungo si Blake sa dalampasigan at naupo sa itaas ng mga malalaking bato. Malayo ang tingin nito at pawang may malalim na iniisip. Napansin iyon ni Mildred, kung kaya't hinayaan na lamang muna niya sa ganuong sitwasyon ang ka-partner, masaya niyang pinagmasdan si Blake. Buhat ng pumasok si Mildred sa West University ay may pagtingin na siya sa binata ngunit hindi niya ito mailabas dahil sa mailap ito sa kahit na sino. Takot din siyang aminin dahil sa baka siya ang balingan ng pambu-bully nito, gaya ng ginagawa niya kay Zen na nakakuha ng atensyon nito.
"Haay.." buntong hininga ni Mildred habang nasa ibabang bahagi ng bato na may hindi kalayuan sa nakatulalang si Blake.
Napansin iyon ni Blake at napatingin sa kaniya.
"Pinagmamasdan mo ba ako?" tanong na direkta ni Blake kay Mildred.
"Ha? Hindi noh?" nabiglang sagot ni Mildred ngunit halata sa kaniyang namumulang mga pisngi na tama ang hinala ng binata.
"Tsk, wala akong panahon sa kagaya mong loser at pakisabi pala sa kaibigan mo, pagbabayaran niya ang ginawa niya sa mukha ko. Humanda siya!" asar na sagot ni Blake.
Napatingin sa malayo si Mildred. Nalungkot.
"Si Zen pala ang iniisip niya, kaya pala siya nakatingin sa malayo." nasambit ng kaniyang isipan habang inaalala ang nakita niyang pagkasubsob ni Blake kay Zen kanina lamang.
Napayuko siya. Naisip niyang ihinto ang kaniyang nararamdaman kay Blake at ibaling na lamang sa kaniyang mga manliligaw o sa iba ang atensyon. Hindi niya pinapahalata kahit kay Zen na malaki na ang pagkagusto niya kay Blake dahil sa nag-iingat siya sa mga tuksuhan.
Napansin ni Blake ang hindi pagsagot ni Mildred sa kaniyang pagbabanta, nanibago siya na dati rati ay sumasagot ito kahit na alam niyang may takot ang dalaga sa kaniya dala na rin ng kaniyang kapangyarihan na natatamasa sa kanilang Univesity.
Ngunit hindi siya nagpa-apekto duon.
"Tara na nga! Sinasayang lang natin ang oras natin dito! Tapusin na natin iyan ng maaga ng makabalik na ako sa Hotel, kung gusto mo maiwan ka na lang dito." pabalang na sagot ni Blake habang naghahanda ng bumaba at maglakad patungo sa kanilang pupuntahan.
Sumunod na lamang si Mildred at iniwasan ang magsalita.
Napadpad sila sa isang lugar na may nakatirik na kubo sa gitna ng tulay. Pinuntahan nila ito. Nakasalamuha nila ang isang matandang lalaki na pawang isang manggamot.
"Hello. How are you! Welcome to the Lover's Paradise. How can I help you?" bati sa kanila ng manggamot, na may mababang tono ng boses.
"Umm.. Hi. I am Mildred with my partner Blake." Masayang pagpapakilala ni Mildred sa matanda at nilingon si Blake na ang akala niya ay nasa tabi niya ngunit naroon pala sa dulo ng tulay at nakaupo.
Na dismaya siya sa pagkakataong iyon.
"Oh well, he's over there sir." sabay turo ni Mildred sa kasama.
"Hmmm.. I see. Have a seat please." paanyaya ng manggamot.
"Thank you sir." sagot ni Mildred at umupo ito ng nakaharap sa matanda.
"Well, what would you like to ask me about?" tanong nito.
"I am wondering about this Island. Howcome this place is called Lover's Paradise." tanong kaagad ni Mildred.
"You will not be here if it is not meant to be." sagot ng matanda.
"Well, how's that? We are not couples." sagot na direkta ni Mildred.
"You will not be here if it is not meant to be." sagot ulit ng matanda.
"I don't understand. I mean, we just came here because of the school's project?" pagpapaliwanag ni Mildred.
"You will not be here if it is not meant to be." sagot ulit ng matanda.
"Hayy.." buntong hininga ni Mildred.
"Sir, I respect your answer but I really need some true answers." pagod na sagot ni Mildred na pawang hindi klaro sa kaniya ang sagot ng matanda.
"You will.. " putol na sagot ng matanda dahil sa may sumabat.
"Not be here if it's not meant to be?" pagpapatuloy ni Blake na kanina pa pala nasa pintuan ng kubo at nakikinig sa kanilang usapan.
"Hindi pa ba klaro sa'yo Mildred? Let's go." iritadong sagot ni Blake sabay alis sa kubo at naglakad papalayo.
Nagulat si Mildred.
" Shocks." Namula siya.
Nakita iyon ng matandang Mang gamot.
" I told you Mildred many times. This place is not an ordinary place, you are here because it is meant to be." Nakangiting sagot ng matanda habang nagsusulat sa kaniyang libro.
" Ano ba Loser? Iwanan na kita?" Sigaw ni Blake dahil sa naiinip na ito sa paghihintay sa labas ng kubo.
"Hmm ang sungit talaga." Nasambit ni Mildred habang nakayukos ang mukha sa inis.
"Thank you sir. I'll take note to that." sagot ni Mildred habang naghahanda ng umalis.
Napangiti ng matamis ang matandang manggamot.
Naka alis na ang dalawa sa kubo.
BINABASA MO ANG
Si Sumpa at Si Mang KuKulam
Short StoryA Love of Friendship and a Sacrifice For Hatred.