Gising na.

59 1 0
                                    

"Fredo, ano na naman ba ang nasa isip mo? Pagpasensyahan ninyo na ang asawa ko at masyado lamang maraming iniisip ito. Sana ay ma - I sarado na muna ang usapan na ito pansamantala." Awat ni Viva.

" I'll go to wash room. Excuse me for a moment." Pagpapaalam ni Blake sabay tayo at tapik sa balikat ni Zen.

Nagring ang phone ni Mildred.

" Hello? Wait for a sec. (Sabay mute ng cellphone at Tumingin sa paligid.)
... Umm. . Wait lang po I'll just answer this important call." Pagpapaalam ni Mildred sabay tayo at lumayo ng kaunti sa dining table.

Nagpatuloy mag-usap ang mga natirang tao sa harap ng lamesa.

Si Nonong at Zen ay halos nagkakasulyapan.

Nang biglang nahagip ni Zen ang kaniyang kubyertos at nahulog ito sa ilalim ng lamesa.

" Ay.. sorry po." Nasabi niya sabay tingin sa ilalim ng lamesa.

Hinanap nya iyon at ng silipin ang ilalim ng lamesa ay nakita niyang nasa ilalim na rin ng lamesa si Nonong at iniaabot at kutsaritang nalaglag niya.

Nasa ilalim ng lamesa ang dalawa.

Napalunok si Nonong ng makita ng malapitan si Zen. Tibok ng tibok ang kaniyang puso.

Nagkatitigan ang dalawa habang kinukuha ni Zen ang kutsarita sa kamay ni Nonong.

Bigla na lamang na may pumasok sa kaniyang isipan. Napapikit si Zen sa sakit ng ulo at nakita ni Nonong ang naging reaksiyon ng mukha nito.

Hinawakan niya ang kamay ni Zen.

......... Nong. ..sabay ka na! Hatid na kita! Halika na!

........ library.. ang canteen... ka wawa naman si Nonong. ..

..... crasshhhhh!!!

Natigilan si Zen sa kaniyang mga naalala at napatingin kay Nonong ngunit hindi nito kamuka ang kaniyang naalala.

Dahil sa nagbago na ito ng hitsura simula ng nagpunta sila sa Palau.

Bigla na lamang nakita ni Nonong ang pagkairita ni Zen ng mapansin na hawak nito ang kaniyang kamay kung kaya't bumalik na ito sa kaniyang upuan gayundin si Nonong.

Nang sadyang Gumuho ang mundo ni Mildred at Blake ng makita ang pag-ahon ng dalawa mula sa ilalim ng lamesa.

Naaktuhan nila ang halos sabay na galaw ng dalawa mula sa ilalim ng lamesa at umarteng parang walang nangyari.

Gayundin ang pagkabigla ng kanilang mga magulang.

Umikot ang paningin ng dalawa.

At namula si Zen. Natawa naman si Nonong.

" Nael?" Iritadong nasabi ni Mildred sabay upo at titig na titig sa mukha ng dalawa.

Huminga na lamang ng malalim si Blake at pilit na iniwasan ang kaniyang naramdaman. Umaktong parang wala siyang nakita ngunit sa loob ay dinudurog na siya.

Naalarma na naman si Viva, ayaw niyang may mangyayaring ganuon lalo na sa kaniyang mga anak.

Nag-uumpisa na siyang mainis kay Zen na nararamdaman niyang magiging isang napakalaking ugat ng hidwaan ng dalawa.

"Blake anak, you can make Zen rest for a while, dalhin mo siya sa Fish pond." Balisang pagpapaliwanag ni Madame Viva sa harap ng hapag kainan.

Tumayo si Blake at inalalayan si Zen.

" Pupunta lang po kami sa Hardin." Pormal na Pagpapaalam nito.

" O siya sige iho." Nasabi ni Aida.

Si Sumpa at Si Mang KuKulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon