A/N:
Alam ko pong bitin kaya ito po yung kasunod. :)
Thanks sa mga nagvotes :)
***
AUBREE'S POVHe wants her to call off the wedding?! Mahal na niya si Sam!
Oh my! Bakit ang bilis?
Ibig sabihin hindi na nga niya ako mahal! Kaibigan na lang niya ako! Hindi ko matanggap!
I don't know what got me, pero bigla akong nagpanic.
Bumalik ako sa office ni Gavin para kausapin siya at sabihin ang narinig ko.
"Gav!" Agad na bungad ko.
Agad na lumingon sa direksyon ko si Gav at ngumiti.
Hay naku Gav hindi ako madadala ng mga ngiti mo.
"What brings you here?" Bungad nito na nakangiti pa din.
"Gav I... I heard you t-telling Sam to call off the w-wedding." Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil para akong biglang naduwag.
"And?" tanong nito.
'Mahal mo na ba siya?' iyan ang gusto ko sanang itanong sa kanya pero naduwag ako.
"B-bakit?" Tangi kong nasabi.
He sighed. "Its been what Bree 8 months? Kelan niyo ititigil ang pagkukunwari?"
Kumunot ang noo ko. "huh?!"
"Anong huh?!" nagtatakang tanong nito.
"A-akala ko..." bigla akong nahiya. Ano ba Bree.
"Akala mo na ano?" nalilitong sabi nito.
I sighed. "Akala ko mahal mo na siya kaya mo gustong itigil ang kasal." mahinang sabi ko.
"Diba dapat masaya ka dahil nangyayari na ang mga plano niyo?" malamig na sabi nito.
ako naman ng biglang naguluhan. "Anong sinasabi mo?"
"Diba ito ang gusto niyo ang kami ang magkagustuhan ni Sam at kayo naman ni Seb? Hindi ba iyon ang plano noong una pa lang?" may hinanakit sa tinig nito.
Umiling ako. "Hindi! Never akong umayon sa plano nilang yun. Pupunta ba ko dito at tatanungin ka kung kasali ako sa planong iyon?!" Nanlaki ang mata ko. Huli na para bawiin ang mga sinabi ko.
Nanliit ang mata ni Gav sakin. "What do you mean Bree?"
"h-huh?!" nauutal kong sabi.
"Hindi mo ako gustong mapunta kay Sam?"
"W-wala akong sinabing ganun!"
"So ano? Gusto mong maging kami?" tanong nito.
Umiling ako. "Hindi ko alam. Matagal ko ng tinatanong ang sarili ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam!"
Lumapit sa akin si Gav. Hinawakan niya ako sa may bewang. Nilapit niya ang mukha niya sa akin. I can almost touch his lips!
"Why do you bother yourself about me and Sam? Tell me Bree are you finally inlove with me?" mahina ngunit may lambing na sabi niya sa akin.
"I-i d-don't know." tangi kong nasabi.
Nakakapanghina ang presensya niya, ang mga tingin niya, ang labi niya.
"Then I think this will help you to find out." Then he kiss me.
Nanlaki ang mata ko, Gavin is kissing me. Alam ko na dapat ko siyang pigilan dahil may boyfriend ako, pero imbes na pigilan ay nakita ko na lang ang sarili ko na pumipikit at nagsisimulang sumagot sa mga halik niya.
I don't know why, but I feel complete, I feel like I am finally home. But then again...
"Bree..."
Napailing ako "This is wrong Gav, si Seb"
I saw him clenched his jaw. "You like me, no scratch that you love me Bree. Your kisses says it so. Why can't you just admit and accept it?"
Hindi ako makasagot. Nalilito ako.
"Gusto mong sabihin ko sayo kung bakit affected ka sa amin ni Sam? because deep inside you love me Bree. Its me that you love now and not Seb. Masyado ka lang naniwala sa happily ever after niyo ni Seb. But the truth is I am your happily ever after Bree!"
Napapailing ako. "Hindi ko alam. Hindi ko na alam Gav. Alam ko mahal ko si Seb, pero bakit ganun? Bakit hhindi ako masaya? Naiinis ako sayo kasi nawala na ang Gav na kilala ko, yung Gav na sweet, maalalahanin, yung Gav na mahal ako... At ang sakit na yung atensyon mo sakin dati ay na kay Sam na ngayon. Na mas iniisip mo siya kesa sakin. Na si Sam na at hindi ako." Hindi ko na alam kung anong lumalabas sa bibig ko pero I think I really need this.
"You love me Bree. Nung una akala ko dinideceiveko lang ang sarili ko. But now hearing this things from you, I know that I'm not delusional. You love me Bree and I love you!"
"Paano si Seb?" Tanong ko.
"I don't know and I don't care." Inis na sabi niya.
Then he sighed then he pull me and hug me.
"Okay. I'll give you time. Just remember that I'm just here waiting for you. I love you Bree!"
And that made me smile.
BINABASA MO ANG
EX Factor
RomanceAubree felt betrayed when he found out that her ex-boyfriend Sebastian Dela Rama will be getting married to Samantha Fontanilla. They didn't had a proper breakup. He told her to wait for him and she did. That why when she met the new CEO of Inarez...