Chapter 14 - Girl Talk

2.5K 52 9
                                    

Dedication:

FAKECHICKS

***

AUBREE'S POV

"Nice shot Aubree. Okay last pose!" Nakangiting sabi ng photographer na si Mike.

I'm here at the Inarez Studio. Photo shoot namin today for Sam's traveling Agency Campaign. After nito we will shoot naman the TVC.

At dahil last pose na, I gave na my 200%.

"Great! Good job Aubree!" Sabi ni Mike.

Matapos iyon ay agad na nagsimula ang ibang staff sa pagliligpit. Habang ako at ang creative team ay nagreview ng mga shots na kinuha kanina.

"Great job Mike and Aubree."

Panay ang papuri nila sa akin at kay Mike dahil sa mga kuha namin.

"I owe it to Mike. He's really great." Sabi ko naman.

Kilalang Photographer si Mike hindi lang sa Philippines kundi pati sa Europe. Pero kahit na expected ko na na magiging maganda ang mga kuhang iyon ay hindi ko pa rin talaga mapigilang mamangha dahil sa mga magagandang shots na iyon.

For me kasi I just listen to him, at feeling ko ay napakasimple lang ng galaw ko para sa ganoong kagandang kuha.

Nakangiting umiling si Mike. "No my dear. You are a natural model. Ito ata ang pinaka madaling shoot na nagawa ko. Your eyes and the position of your hands and body are superb!"

Napangiti na lang ako. It feels great to hear that from him.

Matapos ang pagrereview namin ng mga shots ay bumalik na ako sa dressing room para makapag bihis.

Nang matapos akong magbihis, nakita ko si Sam na nakaupo sa may harap ng salamin.

Nang makita niya ako sy agad siyang ngumiti.

"Okay Gav. Behave ka dyan okay? Don't forget my pasalubong. Bye!" Nakangiti si Sam habang nilalagay ang kanyang phone sa kanyang bag.

Agad bumilis ang tibok ng puso ko ng malaman kung sino ang kausap niya sa phone.

Its been month since nung huling pag uusap namin ni Gav. Isang buwan na rin mula ng magkabalikan kami ni Seb.

Masaya naman kaso I can't help but think of Gavin. I really miss. I miss his company, I miss his lambing, I miss chatting with him, I miss seeing his face.

Masyado atah akong nasanay sa presensya niya kaya hinahanap-hanap ko siya ngayon.

Nasasaktan ako dahil sa desisyong iyon ni Gav. But I can't tell him na wag akong iwasan, I know he's hurting and moving on.

Even Seb notice that something is wrong with me. I can't tell him naman na its because of Gavin dahil siguradong magseselos yun. He knew that Gavin has a feeling for me and his kinda insecure about it.

I can't blame him, ganoon din naman ako sa kanila ni Sam noon. I wish just like Sam ganoon lang kadali for me and Seb to be together. Yung tanggap ng lahat at walang conflict parang sa amin din ni Gavin noon.

Gavin... I wish na bumalik ulit tayo sa dati minus of course the courtship thingy dahil may Seb na ako.

Bumalik ako sa realidad ng magsalita si Sam. "Hi Aubree!"

"Hi." Naiilang kong sabi.

Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako sa kanya dahil I know that she is also hurting.

Kahit na anong ngiti niya, ay kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya, dahil mahal niya si Seb.

Hindi ko alam kung bakit hindi iyon makita ni Seb. He's being insensitive to Sam. Hindi siya nahihiyang lambingin ako sa harap ni Sam.

EX FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon