Chapter 15 - Dinner Date Part 1

2.2K 44 0
                                    

AUBREE'S POV

"Bree don't forget our dinner tonight." Malambing na sabi ni Seb ng ihatid niya ako sa unit ko.

Katatapos lang ng rehearsal namin para sa new lines of Inarez Clothing.

I'm actually expecting him to be there. I heard kasi from the staffs na dumating na siya from his business trip. Pero hindi siya dumating. Mas lalo lang tuloy ako nalungkot at mas lalo ko lang siyang namiss.

Dati kasi he will see to it na lagi siyang nadun during rehearsals and final runway.

Napalitan lang ng excitement iyong nararamdaman ko ng sabihin sakin ni Seb na may dinner date daw kami with Sam and Gavin.

"Okay." Nakangiti kong sabi.

I can't help but to smile the whole day. Finally makikita ko siya ulit.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad akong naghanap ng susuotin ko for the said dinner.

After an hour ay wala pa rin akong mahanap na susuotin ko for tonight.

I sighed as I look on my clothes na nakakalat sa may kama ko.

Tinignan ko ang relo ko. Maaga pa, pwede pa akong bumili sa labas.

Agad kong kuniha ang bag ko at umalis.

***

Nang makarating ako sa isa sa mga boutique ng Inarez ay agad akong inassist ng isa sa mga staffs nila.

They reccommend some dress that I can wear for the said dinner but the tube royal blue dress caught my attention.

Agad ko itong kinuha at humarap sa salamin para makita kung babagay ito sa akin.

Napangiti ako. This dress is perfect.

Simple lang ito, the only accessories that it has are the crystals na nakapalibot sa may waist part nito.

Tama lang ang cut ng dress, 2 inches above the knee ang haba nito.

Pumasok ako sa may fitting room para sukatin.

Napangiti ako ng maisuot ko ito. Kasyang-kasya ito sa akin, na tila bang ginawa talaga para sa akin.

Agad kong kinuha ang dress at binayaran.

Nasa kotse na ako ng makita ko si Sam at Gav na magkasama at papasok sa boutique kung saan ako nanggaling kanina.

Kita ang saya sa kanilang mga mata.

Napalunok ako. Nakaramdam ako ng kirot sa may kaliwang dibdib ko. Hanggang sa di ko namalayan ang pagtulo ng aking mga luha,

Gav looks very fine and very happy.

Alam ko na dapat ay matuwa ako for him, dahil mukhang nakamove on na ito. Pero hindi ko alam kung bakit parang hindi ko gusto ang ideya na iyon.

Mukhang tama si Sam. She can make him fall for her. Kita sa kanyang mga mata ang saya ngayong kasama niya si Sam.

Bigla kong naalala nung huli kaming magkita ni Gav. Ibang iba ito sa Gav na nakita ko kanina.

***

"Are you okay?" Nag aalalang tanong sa akin ni Seb.

Narito na kami sa harap ng restaurant kung saan kami magdidinner na apat.

Pilit akong ngumiti at tumango.

"Let's go?" Malambing na sabi ni Seb.

Tumango lang ako bilang sagot.

Ngumiti siya bago bumaba ng sasakyan. Umikot ito para pagbuksan ako ng pinto.

GAVIN'S POV

Nandito na kami ni Sam sa restaurant kung saan namin makakasamang magdinner sina Seb at Aubree.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Mahigit isang buwan ko ng hindi nakikita si Aubree.

I kept myself busy para lang makaiwas sa kanya at subukang kalimutan siya.

Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa ibang babae, nagbabakasakaling makalimutan ko na si Aubree. I did some blind dates na in-arrange ng mom ko.

Actually matagal na niya akong kinukulit na makipagblind dates pero ayoko dahil wala yun sa focus and priorities ko.

Nung sabihin ko sa Mom ko na ihanap ako ng blind date ay nagdalawang isip siya.

Hindi naman ako nagtaka dahil alam ko na gusto niya si Aubree for me. But I told her our story kaya kahit nanghihinayang ay hinanapan din niya ako ng blind date.

Sa limang girls na nakablind date ko ni-isa sa kanila ay walang naging dating sa akin.

So I guess blind date is not for me.

Kaya naman sinunod sunod ko na lang ang out-of-the-country business trip ko baka sa pagiging workaholic ko just like before ay makalimutan ko siya.

But unfortunately I did not succeed. Walang araw na hindi ko siya iniisip, sobrang namimiss ko siya to the point na halos araw-araw ay bumibili ako ng plane ticket pabalik ng Pinas.

Thanks to Sam. Dahil sa mga kwento niya about Seb and Aubree ay napipigilan ko ang aking sarili na bumalik ng Pinas.

I felt sorry for her though. Alam kong hindi madali for Sam ang makita ang dalawang sweet na sweet sa isa't isa.

Kaya naman hindi na ako nakatanggi sa dinner na ito.

So I guess tonight wala na akong takas. I need to face them.

EX FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon