AUBREE'S POV
Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalis ang ngiti sa mga labi.
He still loves me.
And he's right, I love him too.
Hindi ko alam pero I feel complete.
Alam ko na hindi magiging madali. I love Seb, at alam kong hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Malaki ang naging bahagi ni Seb sa buhay ko. At wala akong balak na itapon yun.
Ngayon pa lang ay nasasaktan na ako for Seb. Alam ko na mahal niya ako. U don't want to break his heart. Pero alam ko na mas masasaktan ko siya kung ipagpapatuloy pa namin ito.
Hay buhay... ngayon hinihiling ko na sana totoo na lang na magpapakasal sina Seb at Sam. Na totoong mahal nila ang isa't isa. Na nakalimutan na ako ni Seb.
Sana isang sakitan na lang. Hindi tulad ngayon na madaming nasaktan at masasaktan sa mga nangyayari.
Pero alam ko lahat ito ay may dahilan. Sana maging maayos din ang lahat.
***
Tulad ng mga nakaraang buwan ay naging mas abala ako ngayon hindi lang sa mga photo shoot at runway kundi pati na rin sa mga events ng company.Pero kahit ganun ay masaya ako. Lalo na't ngayon ay bumalik ang dating Gavin ko.
Yes Gavin ko, because he's mine.
Alam ko namang hindi siya nawala, ako naman kasi ang natulak para lumayo siya.
At mukhang napapansin din iyon ng mga kasamahan namin.
"Kayo na ba ulit ni Sir?" nanunuksong tanong sa akin ni Nancy isa sa mgaa kasamahan kong model.
Ngumiti lang ako. "Hindi pa." sagot ko rito.
"Hindi pa? so malapit na?"
Nagkibit balikat na lang ako.
Hinampas niya ako sa balikat. "Ang arte mo girl. May pa hindi pa hindi ka pa dyan. Kung ako lang nasa kalagayan mo naku di ko na pakakawalan yan si sir dahil alam kong maraming nag aabang diyan."
"Kung alam mo lang, gustong gusto ko na rin na maging kami ni Gav. Kaso hindi yun ganun kadali." Seryosong sabi ko.
"Ano namang kinahirap nun? Ayan na o, halata namang patay na patay yan sayo." Sabi nito.
Natawa na lang ako. "Basta."
Napairaap ito. "Naku mamaya pa't maagaw yan sayo nung Sam na yun. Hay naku buti nga hindi na yun dumidikit kay Sir Gavin." Inis na sabi niyo.
Naguilty naman ako bigla. Dahil sa amin ni Seb ay nagiging masama ang tingin sa kanya ng mga tao.
"Ano ka ba? Mabait si Sam at hindi niya aagawin si Gav. I know her, mahal niya. si Seb." Pagtatanggol ko.
Then an idea pop-up in my head na nagpangiti sa akin.
***
"What do you think?" excited na tanong ko kay Gav.Sinabi ko kay Gav ang naisip ko kanina. Since mahal ni Sam si Seb bakit hindi na lang namin tulungan si Sam na mainlove sa kanya si Seb. Pag nangyari yun wala ng problema. Pwede na nilang ituloy ang kasal nila at pwede na rin kami ni Gavin.
Napaisip ito. "Syempre kung ako ang tatanungin ay gusto ko ang ideyang yan. Pero kasi, hindi ako boto kay Seb para kay Sam." Seryosong sabi nito.
Nakaramdam ako ng inis. "At bakit naman?"
Syempre sa side ako ni Seb. Kilala ko si Seb, at alam ko na mabuti siyang tao.
"Wala siyang buto. I don't think na makakaya niyang protektahan si Sam. Lalo na dun sa nanay niya." Seryosong sabi nito.
BINABASA MO ANG
EX Factor
RomanceAubree felt betrayed when he found out that her ex-boyfriend Sebastian Dela Rama will be getting married to Samantha Fontanilla. They didn't had a proper breakup. He told her to wait for him and she did. That why when she met the new CEO of Inarez...