Chapter 1 - Bree and Seb

10.4K 165 1
                                    

AUBREE POV

Naranasan mo na bang magmahal ng isang tao na hindi ka kayang ipaglaban? Yung tipong mahal niyo naman ang isa't isa pero hindi pa rin sapat para ipaglaban ka niya?

Nagmahal ako ngunit iniwan lang. Pitong taon na ang nakalipas mula ng iwan niya ako. Ngunit hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya, hanggang ngayon umaasa pa din ako na babalik siya.

Flashback

Second year college ako ng maging classmate ko ang pinakasikat na estudyante sa University. Sebastian Dela Rama. Gwapo, matalino, mayaman, member ng varsity sa school at higit sa lahat mabait siya at hindi mayabang. Kilala ang pamilya Dela Rama, na isa sa mga pinaka mayamang pamilya dito sa Pilipinas. Isa sila sa mga nagmamay-ari ng mga sikat na hotel dito sa Pilipinas at America.

Kaya naman lahat ng classmate kong babae ay excited na pumasok. Kung noon ay gusto nila na laging suspended ang klase or holiday... ngayon naman ay kinagagalit nila ang holiday, class suspension at weekends. Dahil pag walang pasok, ibig sabihin ay wala ring Sebastian Dela Rama. Ganoon kalakas ang dating ng isang Sebastian Dela Rama sa mga kababaihan sa school namin.

Ako? Well I admire him, pero hindi ko na hahangarin pa na maging boyfriend ang isa Sebastian Dela Rama. Sigurado namang hindi kami bagay dalawa, dahil walang wala ang pamilya ko kumpara sa pamilya niya.

May kaya naman ang pamilya ko, isang manager ang papa ko sa isang 5 star hotel. Ang mama ko naman ay may maliit na negosyo.

Scholar ako sa school namin. Hindi naman ako inuobliga ng mga magulang ko, dahil kaya naman nila ang tuition fee sa University na pinapasukan ko. Nanghinayang lang naman din ako kasi kaya ko namang maging scholar kaya bakit ko pa palalagpasin diba?

Fifteen minutes na lang at magsisimula na ang klase kaya naman unti unti ng nagsisidatingan ang mga classmate ko.

Biglang nagtilian ang mga classmate kong babae ng may pumasok na isang lalaki. At mukhang hindi ko na kailangang alamin pa kung sino yun, dahil sa reaksyon nila sigurado ako na si Sebastian Dela Rama yung lalaking dumating.

"Hi! Is this seat taken?" Sabi ng lalaking nasa harapan ko. Nakatungo kasi ako kaya hindi ko nakita kung sino yun.

"No." Maikling sagot ko habang nakatungo pa din ang aking ulo.

Nakita kong umupo yung lalaki sa tabi ko.

"OMG ang swerte niya!"

"Oo nga sana sakin na lang siya tumabi."

"OMG ang gwapo talaga ni Seb."

Yang ang mga naririnig ko na sabi ng mga classmate kong babae.

"Hi! I'm Sebastian Dela Rama. And you are?"

Bigla akong nanigas ng marinig ko ang pangalan ng taong nagpakilala sa akin. Unti unti kong inangat ang mukha ko upang kumpirmahin ang taong nagpapakilala sa akin. Biglang nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang gwapong lalaki na nasa tabi ko. Napakaganda ng ngiti niya. Ngayon ko lang nakita ng malapitan si Sebastian Dela Rama.

"OM ang swerte niya talaga."

Bigla naman akong bumalik sa katinuan ng marinig ko ang kumento ng classmate ko.

"H-hi! I-im Aubree C-custodio." Nauutal at nahihiya kong sabi sa kanya.

Nakangiti pa rin siya. "Ah so Aubree pala name mo. Nice to finally meet you Aubree." Sabay abot niya ng kamay niya.

Nahihiyang inabot ko naman ang kamay ko rito. "N-nice to f-finally meet you? W-what do you m-mean?"

Bigla siyang napakamot sa may batok niya. "Ah e kasi, matagal na kitang napapansin. Matagal na kitang gustong makilala." Nakangiting sabi niya sa akin.

EX FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon