Chapter 6 - Hidden Plan

3.7K 84 5
                                    

SEB POV

Nang makalabas si Bree from the dressing room, ay natulala ako. Gorgeous is an understatement sa itsura niya ngayon. She is stunningly gorgeous.

Habang pinagmamasdan ko siya ay nakita ko ang pagtitig niya sa akin.

I want hug her to say how much I miss and love her. But I know I can't... Not yet.

I still love her. And alam ko at nararamdaman ko na mahal pa rin niya ako. Kita ko iyon sa mga mata niya.

Siya lang ang minahal at mamahalin ko kahit noon pa. I know na nasaktan ko siya ng sobra ngayon dahil sa nalaman niyang engagement namin ni Sam. But this is my only way para makita at makasama siya.

Kahit labag sa loob ko noon ay pumunta ako ng America.

Natakot ako ng sabihin ng mommy ko na pag hindi ako nakipaghiwalay kay Bree at hindi sumunod sa gusto niyang pumuntang America ay magsa-suffer ang pamilya niya.

Alam kong hindi malabong mangyari iyon. Bree's father is working in a five star hotel. Hindi man kami ang nagmamay-ari nun but my mom is a close friend of the owner of that hotel.

Ayokong mahirapan si Bree and her family ng dahil sa akin. Alam ni Mommy na kaya kong iwan ang lahat ng yaman na meron ako at mahirapan para lang kay Bree pero hindi ang mahirapan ang ibang tao ng dahil sa akin. Nang dahil sa pagiging makasarili ko. Kaya sumunod ako kay Mommy.

Like what I wrote on my letter to her kahit na malayo kami sa isa't isa ay hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya. Na walang ibang pwedeng pumalit sa kanya sa puso ko.

It will always be her and it will be forever her.

Nang makatapos na ako, I thought na maari na akong makauwi ng Pilipinas at maari ko ng makita si Bree but still ayaw ni Mommy.

Pinahawakan niya sa akin ang business namin sa America. That will serve daw as my training before ko hawakan ng buong buo ang company namin. But I know better. She only wants me to be away with Bree.

Gusto kong magalit, gusto kong magwala. Pero alam kong wala naman iyong magagawa.

Instead, I work hard to save.

I am planning to run away with her, with Bree and with her family.

Alam ko na sa oras na umalis kami ni Bree ay pag iinitan ni Mommy ang pamilya ni Bree. Kaya dapat na makaipon ako ng sapat para sa paglayo namin.

Alam kong it will not be easy dahil hindi basta basta susuko si Mommy. Kaya I need to be prepared not only physically and emotionally but also financially.

Alam kong konti na lang at makakasama ko na si Bree. I save enough. But then my Mom introduce Sam to me as my fiancee.

Sam is my classmate in Harvard. Hindi kami gaanong close. Wala akong naging kaibigan noong nag aaral ako dahil ang gusto ko lang ay makagraduate at bumalik kay Bree.

Gusto kong magalit kay Sam dahil wala siyang tutol sa gusto ng mga magulang namin but I can't. She look so weak and innocent.

Ayokong maging unfair kay Sam, kaya I told her about Bree. Our relationship and even my plan to run away with her. And because of that we can't be together. I can't marry her because its only Bree that I want to marry.

She felt sorry for me and Bree. She wanted to help me. Kaya naman we made a plan.

Papaniwalain namin ang lahat na we're inlove and we will pursue this marriage. But we both want na sa Philippines ganapin ang kasal.

Once na makarating kami ng Pilipinas ay ipagpapatuloy namin ang pagpapanggap until maging okay kami ni Bree. In return I will help naman Sam and his ex-boyfriend Gavin to be together.

She told me kasi about his first boyfriend. How much she loves that guy and her dream to be marry that guy.

Every of our plans succeed. Kaya naman nakarating na kami ng Pilipinas.

But what shocked me is the night when I found out that Bree and Sam's ex-boyfriend, Gavin are together.

Gusto kong magalit, I wanted to confront her. Na bakit hindi siya naghintay? Bakit hindi niya ako hinintay?

Until now ay hindi ako makapaniwala na nakaya niyang mag mahal ng iba, na kalimutan ako. Dahil ako ni isipin ay hindi ko ginawa dahil alam ko at naniniwala ako na in the end ay kami pa rin.

Parang dinudurog ang puso ko everytime na nakikita ko silang magkasama. Ang paglalambingan nila. Gusto kong mainggit dahil ako dapat yun. Ako dapat ang kasama niya, ako dapat ang nilalambing niya at ako dapat ang minamahal niya.

Mas masakit dahil bakit parang ang perfect ng relationship nila? Bakit sa amin ni Bree may mga hadlang? Bakit hindi na lang tulad ng Mommy ni Gav ang Mommy ko?

Sana... Sana kami pa din.

Am I too late?

***

"Seb are you okay?" Malungkot na tanong ni Sam.

Karating lang namin sa condo niya galing sa pagdalaw namin sa photoshoot ni Bree.

Until not I can't believe that Gav is right, that Bree is a natural model. Its her first time to post but when you saw her kanina parang ang tagal na niyang ginagawa yun.

Maganda siya at sexy, yes. But being a model never cross our mind. Masyadong strong ang personality ni Bree for that career. And sayang ang talino niya kung iyon ang career na tatahakin niya.

Don't get me wrong. Hindi ko minamaliit ang pagmomodelo, I know na hindi ito madali at hindi lahat ay pwede sa propesyon na iyon. But Bree's skills and intelligence does not fit in that kind of career.

"Same as you." Matipid kong sagot.

Alam ko na like me, Sam is also hurting. She loves Gav so much na she have to do this. She's torn between Gav and her family too.

Ang hindi ko lang maintindihan is why can't she talk to her parents about this? My situation with Bree is different from them. Like me and Sam, Gav's family is also wealthy, mas mayaman pa nga ang Inarez sa aming dalawa. I'm sure na hindi hahadlangan ng family nila ang pag iibigan nilang dalawa. No one wouldn't dare to reject an Inarez.

"I still can't believe it. Everything is going according to plan. And as far as I know single pa si Gav. How did this happen? Bakit ngayon pa?" Sabi ni Sam.

"I know." Malungkot na sabi ko.

Kahit ako ay nagulat. Dahil kahit na sa America ako ay hindi ko hinahayaan na mawala ng tuluyan si Bree kaya naman naghire ako isang tao para sabihin sakin lahat ng nangyayari kay Bree. Hindi ito nasabi sakin ng taong iyon.

Nang tanungin ko siya, kahit siya ay nagulat. Wala ni isa sa katrabaho niya ang may alam.

Isa ring kaopisina ni Bree ang binayaran ko. Actually Bree is the reason why she's working in that company.

Base sa sinabi niya ay mukhang lihim ang relasyon nila at nung Welcome party ni Sam lang nabunyag ang nasabing relasyon nila.

Hindi ko alam kung kanino ako dapat magalit sa kay Bree o sa sarili ko. Kay Bree dahil pinayagan niya na itago nila ang relasyon nila ni Gav, kinahihiya ba niya si Bree? O ako dahil baka nadala si Bree sa nangyari sa amin kaya nila sinekreto ang relasyon nila.

Like me I know na frustrated si Sam dahil sa mga nangyayari we are both excited with our plans tapos biglang ganito.

"Pero hindi pa naman tapos ang laban diba? We can still proceed naman with our plans diba?" Desperadong sabi ni Sam.

"I-i I don't know. Look at them. They really look good together. They are perfect. Gav's parent are there to support them, they compliment well with their work, and they l-love each other." Halos madurog ang puso ko sa mga sinasabi ko.

Lumapit si Sam sa akin. She hug me to comfort me.

"Maayos din ang lahat Seb. Hindi pa tapos ang laban. We can still proceed with our plan."

EX FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon