Chapter 4 - Double Date

4.7K 100 4
                                    

AUBREE POV

Grabe ang dami ng work load ko ngayong araw. Its indeed a busy day for me. Pero mas mabuti na rin yun, kasi pag ganitong marami akong ginagawa, wala akong time para mag isip at magmukmok ng dahil kay Seb.

Kainis naalala ko na naman ang nangyari sa party. Umalis ako sa table ko at pumunta saglit sa comfort room para umiyak. Isang linggo na simula ng muli kaming magkita ni Seb. Simula din nun ay lagi na silang laman ng balita at lagi din akong nagCCR break para umiyak.

Hindi ko pa din maalis sa isip ko ang manghinayang at mainis sa sarili ko dahil nagtiwala ako sa kanya. Mahal na mahal ko siya, at alam kong mahal din niya ako pero bakit ang bilis niyang sumuko? Bakit niya ko nagawang ipagpalit? Oo maganda at mukhang mabait nga ang Sam na yun pero diba mahal niya ako? Marami rin namang umaaligid sa kanya noong mga magaganda, sexy at mayamang mga babae pero hindi niya yun pinag aksayahan ng panahon dahil ako lang ang mahal niya.

Seb hindi mo na ba talaga ako mahal? Nakalimutan mo na ba talaga ako?

Pabalik na ako ng table ko ng makita kong nagkukumpulan ang mga officemates kong babae sa may table ko. Kumunot ang noo ko. Anong meron?

Malapit na ako sa table ko ng may makita akong lalaking nakatalikod.

"Ahm excuse me?" Sabi ko sa lalaki.

Unti unti siyang lumingon sa direksyon ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko na si Mr. Korea pala ang pinagkakaguluhan ng mga officemates ko.

Well gwapo at hot naman kasi talaga itong si Mr. Korea kaya nga hearthrob siya noon sa school namin e. Kaso ewan ko ba kung bakit di ako nagkagusto ni isa sa member ng group nila.

"Gav what are you doing here?" Tanong ko sa kanya.

Nagpacute este nagsmile siya before niya ako inanswer "We have a date." Then he winked.

"Date? Sorry pero busy ako." Sagot ko.

"Si Sam kasi ang nag insist sa date na ito. Kaya ang hirap tumanggi e." Sabi niya

So yung Sam pala na yun ang may ideya nito? Ibig sabihin andun din si Seb? So makikita ko siya ulit? Hindi naman ako masokista pero gusto ko ulit makita si Seb. At gusto kong makita kung magseselos siya pag nakita niya kaming sweet ni Mr. Korea. Para malaman ko din kung mahal pa ba niya ako o wala na talaga siyang nararamdaman.

Alam kong sa iniisip kong ito ay pinaaasa ko lang muli ang sarili ko. Pero anong magagawa ko, mahal ko e. Hindi ko pa din siguro matanggap na nabalewala lang lahat ng effort ko.

"Okay." Maikling sagot ko.

Nakita ko siyang ngumiti ng pagkalaki laki "Great! I'll pick you up tomorrow at 6pm"

"Okay." Sagot ko.

-----

AUBREE POV

Malapit ng mag 6pm and any minute ay alam kong padating na si Gav. Well ayoko mang aminin pero pinaghandaan ko talaga ang dinner na ito. I try to look as simple as I can but still look glamorous.

"Bree ikaw may boyfriend ka na pala hindi ka man lang nagkwekwento. And infairness ang hot at ang gwapo ng boyfriend mo." Sabi ni Jenny.

Ngumiti na lang ako.

Hindi naman kasi ako close sa mga ito so bakit kailangan ko pang ikwento ang lovelife ko? Hindi naman sa nagtataray pero for me kasi napakapersonal na nun kung ikwekwento ko pa sa kanila. Well you can't blame me after what happen sa amin ni Seb.

Napapikit ako. Si Seb na naman. Bree stop it. He's not worth it... Now... Maybe before he is, nung umaasa ka pa.

Nararamdaman ko na naman ang pamumuo ng luha ko buti na lang at biglang nagring ang phone ko at napigilan ang nagbabadyang luha ko.

"Gav!"

"Andito na ko sa may basement. Do you want me to pick you up there?" Sabi ni Gav.

"No na. Pababa na rin ako. Kita na lang tayo sa may lobby." Sabi ko.

"Okay."

After ng tawag na yun ay agad akong sumakay ng elevator at pinindot ang ground floor.

At katulad ng kahapon ay napaligiran na naman itong si Gav ng mga babaeng empleyado dito sa company. Hirap talagang maging gwapo.

"Gav!" Tawag ko sa kanya.

Ngumiti siya at agad na lumapit sa akin.

Natigilan siya saglit at naramdaman ko ang pagtingin niya sa akin mula ulo hanggang paa.

"Y-you look great!" Sabi ni Gav.

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Isang Gavin Inares ba naman ang magsabi sayo nun ewan ko lang kung hindi ka mamula.

"Thanks." Nahihiyang sabi ko.

"Shall we?" Then he offered his hand and tinanggap ko naman then nilagay niya iyon sa braso niya.

Ang sweet naming tignan mukha talaga kaming couple. Gav is a real gentleman.



Nasa kotse na kami ng bigla akong tanungin ni Gav

"If you don't mind me asking... What happen between you and Sebastian, why you two broke up?" Seryosong tanong nito.

Nagulat ako sa tinanong ni Gav. I didn't see that coming. Wala kasi sa itsura niya ang pagiging chismoso, este curious.

"Di ako tanggap ng family niya because of our status." Nahihiyang sabi ko.

"And Sebastian did nothing?" Sabi ni Gav. May galit sa pagkakasabi niyang iyon. Nakita ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa manibela.

Ngumiti na lang ako. Baka kasi pag sinagot ko siya ay maiyak na naman ako.



Nasa restaurant na kami, ginuide kami ng staff sa may private room ng restaurant. Sa itsura pa lang ay alam mong mamahalin ang lugar. Well sanay na rin naman ako sa ganito. Manager kasi ang dad ko sa isang five star hotel at madalas din kaming kumain sa mga ganito kaso pag may special occassion lang.

Nauna sa amin sina Seb at Sam.

Nakita kong ngumiti si Sam sa amin. Nakipagbeso siya sa amin ni Gav at nakipagkamay naman si Gav kay Seb, at ngumiti naman ako kay Seb, just to make it civil.

"I'm glad that you two made it." Sabi ni Sam.

"Sabi ni Gav na busy ka daw but I'm glad that you still find time na pagbigyan ako." Dagdag pa ni Sam.

Sam is really sweet and innocent. Mas lalo tuloy akong nagtaka kung paano siya nagustuhan ni Seb. Kasi as far as I know Seb likes strong woman kaya nga niya ako nagustuhan.

"Hindi ko rin naman matanggihan si Gav e, and I've been busy this past week and I know na kailangan kong bumawi sa kanya." Sabi ko then I look at Gav and smile.

I saw Seb's reaction in my pheripiral vision. Tama ba ang nakikita ko, I saw pain in his eyes.

Does that mean na mahal niya pa ako?

Then why will he marry Sam kung ganoon nga?

Ano ba Seb? Mahal mo pa ba ako?

"I also talk to tita and she told me na she really like you for Gav. Sana nga daw mauwi din kayo sa kasal like me and Seb. Diba Seb bagay na bagay sila?" Sabi ni Sam.

Tinignan ko agad si Seb. I really want to know kung anong sasabihin niya.

"Yea. T-they look g-good together." Sabi ni Seb na pilit na ngumiti.

But I know you Seb hindi totoo ang sinabi mo. Ibig sabihin ba niyan ay mahal mo pa ako? May pag asa pa tayo?

Gusto kong batukan ang sarili ko sa naisip kong iyon. Ang adik ko na nga yata sa pag-asa, kasi kinacareer ko na ang umasa ng umasa.

I felt Gav's hand holding me tight. I can sense anger in his eyes. Then he smile.

"I also hope for that. My mom loves her so much and so do I." Sabi ni Gav na halatang pinatatamaan si Seb.

Guilt. Yun naman ang makikita mo kay Seb. Halatang tinamaan sa sinabi ni Gav.

"Kung gusto niyo double wedding na lang tayo para masaya." Singit ni Sam.

Sam is too innoccent. Wala siyang alam sa mga nangyayari. Nasabi na kaya ni Seb ang tungkol sa amin kay Sam?

EX FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon