Chapter 30 - Happily Ever After

2.4K 50 0
                                    

AUBREE'S POV
I wanted to file an indefinite leave.

Kaso hindi pwede.

Dahil may malaking project ang team ko na kailangan naming tapusin. Kaya 3 days leave lang ang nai-file ko.

And speaking of project, I was about to meet him yesterday, to give him updates for the said project.

But I knew that if he only has a choice, he would choose not to attend in that said meeting.

Kaya ako na ang gumawa nun para sa kanya. Matapos ang nangyari noong isang gabi, I don't think na kaya naming harapin ang isa't isa.

I knew what he wants, and even if it hurts, I will give him what he wants.

Kung gusto niya kong iwasan, so be it.

Baka nga mas mabuti kung pareho naming pakawalan ang isa't isa.

Hindi ko po siya kayang ipaglaban. At kung hindi niya mahihintay yun, I guess dapat na naming tanggapin na baka hindi talaga kami ang para sa isa't isa.

Maybe kami din talaga ni Seb sa huli. Na baka tulad noon, isa lang ito sa mga pagsubok naming dalawa.

Dahil ngayon, nagawa na naming kunin ang tiwala ng parents niya lalo na ng mommy niya na si Tita Laura.

And speaking of Tita Laura, she invited me for lunch.

Girl bonding daw. Hanggang ngayon talaga hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Me and Tita Laura. At least kahit papano may naging maganda din sa mga nanagyayari sa akin ngayon.

Kaya naman kahit hindi pa ako okay, ay pinilit kong ayusin ang sarili ko, ng sa ganon ay hindi mahalata ni Tita Laura ang pamamaga ng mata ko.

Just had a final look before I went out of my unit.



Nang makarating ako sa restaurant ay agad kong nakita si Tita Laura.

Hindi tulad noon, ay napaka aliwalas ng mukha ni Tita ngayon.

Nakangiti ito sa akin.

"Iha" Bati nito.

Nang makalapit ako ay agad ko namang hinagkan si Tita.

"Kanina pa po ba kayo?" Nahihiya kong tanong.

"No sweety. Kararating ko lang din. Let's have a seat." Malumanay na sabi niyo.

Nang makaupo kami ay agad naman na may lumapit sa aming waiter upang kunin ang aming order.

"Iha, how are you?"

"I-im good t-tita." Pilit na ngiting sagot ko.

Kumunot ang noo niya. "You don't look okay. Sweety is there anything wrong?" Kita sa mukha nito ang pag-aalala.

Umiling ako. "Nothing Tita. Really, I'm okay."

She release a heavy sighed.

"Okay. Hindi kita pipilitin na sabihin sakin, but iha always remember that I'm always here for you."

Napangiti ako, that made my heart melt.

"Is this really happening?" Hindi ko mapigilang sabihin.

Kasi ni sa panaginip ay hindi ko talaga maisip na mangyayari ito.

She chuckled. "Naiintindihan kita iha. Kahit naman ako hirap na hirap na magpakakontrabida sa inyo noon."

"Kung alam ko nga lang na may talent ako sa pag arte, sana pala ay nag artista na ako noon." Natatawang sabi niya.

Napangiti ako.

'So ito talaga ang tunay na Mrs. Laura Dela Rama.'

"But you know what iha, I must commend my husband for supporting me in this test of love."

"Alam ko na may time na gusto na niya akong patigilin, dahil sa nakikita niyang pag hihirap ng anak namin, at sa takot na lumayo ang loob ng anak ko sa akin, pero hindi niya ginawa."

Nakangiti lang akong nakikinig. Para bang ngayon unti-unti ng naliliwanagan ang lahat.

"But he chose to trust me. He knew that if you really meant for each other, no matter what happen, in the end you will have your happily ever after."

'Happily ever after... Maexperience ko kaya talaga yun?'

'Is Seb really is my happily ever after?'

Napabalik ako sa realidad ng hawakan ni Tita ang kamay ko.

Nakangiti siya sa akin.

I can't help but to smile back.

"And I just hope that you two will have your happily ever after."

EX FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon