AUBREE'S POV
Last week ng i-launch namin ang Inarez Collection.
At tulad ng pinagkasunduan, piling mga kliyente lamang ang maaring makabili ng mga bag ng Inarez.
Kaya naman naging matunog ito sa ibang bansa, at ultimo mga sikat na personalidad sa ibang bansa ay nagkaroon ng interes na magkaroon o makabili ng Inarez Bag.
Naging mabusisi ang aming naging pag susuri sa mga kliyenteng nais na bumili nito.
We want to establish our brand. In a sense that people will have the impression that our brand is not just an ordinary brand or bag that anyone can have in a snap.
Kaya naging mabusisi din kami sa pagpili ng disenyo at materyal na gagamitin sa pag gawa ng mga bag na iyon.
And I must commend Sheena. She's a great help for us.
Ngayon nakita ko na kung bakit, ginusto ni Mrs. Inarez si Sheena.
Sheena is an ideal daughter-in-law. She's someone that you can be proud of.
Kaya naman mas tumibay ang paniniwala ko na tama lamang ang naging desisyon na pakawalan ng tuluyan si Gav.
This is what he deserve. Someone like Sheena.
At sa nakikita ko naman sa dalawa ay hindi malabo na magkatuluyan ang dalawang ito.
Masakit mang aminin pero yun ang totoo.
Sa nakikita ko, malaking tulong si Sheena upang makalimutan ako ni Gavin.
Tulad ng orihinal na plano. Matapos ang naging matagumpay na launch ng Inarez Collection ay nagpasa na ako ng resignation.
I was busy with the new concept that we will be doing for Inarez Collection for the love month when my assistant told me that Mrs. Inarez wants me in her office.
Agad naman akong pumunta sa opisina nito.
Malaki kasi ang hinala ko na ang pagpasa ko ng resignation ang dahilan ng pagpapatawag sa akin ng mommy ni Gav.
Kinakabahang kinatok ko ang pinto ng opisina nito.
When I heard her voice telling me to come in. Ay agad akong pumasok ng opisina nito.
Iginiya niya ako sa may upuan sa harap ng lamesa nito.
Nang makaupo ako ay agad niyang itinaas ang kopya ng resignation ko.
"I will be very honest with you Ms. Custodio, I am quite disappointed with this." Ang resignation ko ang tinutukoy nito.
Napayuko ako. Nahihiya kasi ako rito. Malaki ang naitulong ni Mrs. Inarez hindi lang sa career ko dito sa kanilang kumpanya kundi maging sa dati kong trabaho.
"I'm sorry po." Tangi kong naisagot.
"I can't blame you though. I heard that the dela Rama is already claiming that you will be part of their family in the future. Which made me again very disappointed. You know that I am rooting you for my son. But I guess he's not enough." Seryosong sabi nito.
"No Ma'am. Gavin is more than enough." Depensa ko.
Napataas ang kilay nito. "They why not my son?"
"Its very complicated Ma'am. And I think Gavin deserves a girl better than me." Nakayukong sabi ko.
"Better than you? Like Sam?"
Umiling ako. "Not that I don't see Sam as someone who's better than me. Pero mas nakikita ko po kasi na mas karapat dapat si Sheena para kay Gavin."
BINABASA MO ANG
EX Factor
RomanceAubree felt betrayed when he found out that her ex-boyfriend Sebastian Dela Rama will be getting married to Samantha Fontanilla. They didn't had a proper breakup. He told her to wait for him and she did. That why when she met the new CEO of Inarez...