Chapter 10 - Confrontation part 1

3.1K 73 0
                                    

AUBREE'S POV

Kinakabahang pumasok ako sa restaurant kung saan kami magkikita ni Seb.

Ito ang unang beses naming mag uusap mula ng dumating siya sa Pilipinas ng kaming dalawa lang.

Hindi ko alam pero takot at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Alam ko na isa sa mga reason why he wants to see me is because of my previous encounter with his mother.

Hindi ko alam kung tulad pa din ba si Seb noong dati, na magsosorry siya dahil sa mga masasakit na salita na sinasabi ng Mommy niya then icocomfort niya ko by saying how much he loves me. O baka may kung anong sinabi ang Mommy niya at dahil doon ay magalit sa akin si Seb.

Nang makapasok na ako sa loob ay agad kong nakita kung saan siya nakaupo. Napatayo siya agad ng makita niya ako.

May lumapit sa aking waiter and he ask me if I already have my reservation, I told him that I am meeting Sebastian Dela Rama. Nang sabihin ko iyon ay agad niya akong dinala kung saan naroroon si Seb.

Ramdam ko ang tensyon at kaba sa pagitan naming dalawa.

"I'm glad that you came Bree." Sabi ni Seb ng makaupo kami.

Ngumiti lang ako bilang sagot. Gosh this is really awkward. I don't know what to say and to react. Ngngiti ba ako o poker face lang?

Dumating ang waiter para kunin ang aming order. Hinayaan ko na si Seb ang magdecide ng kakainin namin tulad ng dati.

Sa date naming ito parang walang nagbago. Kung kumilos siya ay parang tulad lang ng dati. At doon ako lalong nacoconfuse. Ano ba talagang balak niya? Kanina ko pa siya gustong tanungin kung bakit niya ako niyayang magdinner, kung tungkol ba ito sa encounter namin ng Mommy niya. I wanted to know his reaction.

"Its been 7 years but I must say you look more gorgeous. And I'm really happy to see you succeed in your career." Nakangiti nitong sabi.

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko sa mga compliment niya. But I try to control my kilig as much as possible.

"Thanks." Tangi kong nasabi.

Dumating ang food namin.

Habang kumakain ay nagsimula na kaming mag usap. This is actually catching up for the past 7 years na magkalyo kami.

He told me all his experiences nung nasa Harvard siya, yung culture ng mga kano ta kung ano-ano pa. In return naman kwinento ko sa kanya ang mga naging experience ko nung college and nung nagwork ako. How i was able to succeed ng walang backer na tanging puhunan ko lang is my skills and determination.

Kung titignan mo kami ngayon, parang walang Sam at Gavin sa buhay namin. Tonight is just me and him.

Nang matapos na kaming kumain ay muli naming naramdaman ang tensyon. Kitang kita ko ang pagseryoso ng mukha ni Seb.

Nakita ko siyang napalinok. "My Mom went to my office and told me that you and Gavin are done. I-is that t-true?"

Napakunot ang noo ko. "Yes." Maikli kong sagot.

"I-is it because of m-me?" Kinakabahan niyang tanong.

I chuckled. "Alam mo bagay kayo ng fiance mo. Parehong pareho kayo ng tinanong sakin. But for the record, no. Its not because of you nor Sam."

Nakita ko ang pagyuko niya. "Then why? Fall out of love?"

"No." Which is true. Paano ako mafo-fall out of love kung hindi ko naman siya mahal?

"Then why?" Sabi niya ng nakatingin sa mga mata ko.

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tignan siya sa mga mata. Kilala niya ako, at alam niya kung kelan ako nagsisinungalin.

"Because of career I guess? You know I fell inlove with my modeling career. At doon ko muna gustong magfocus. Love can wait." Malamig kong sabi.

He was about to say something pero inunahan ko na siya.

"At isa pa, pag naging successful ako, mas madali na siguro sakin ang magmahal. At that time siguro kaya na akong tanggapin ng pamilya ng mahal ko at ipaglaban ng taong mahal ko." Sabi ko ng nakatingin sa mga mata niya.

Siya naman ang nag iwas ng tingin sa akin. I smirked. I know na natamaan siya sa sinabi ko.

"I thought na okay kayo ng family ni Gavin? Don't tell me?" Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao at pag igting ng kanyang bagang. Galit, iyon ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Don't tell me what? Na tulad mo ay di ako kayang panindigan ni Gavin? Na kayang ipaglaban sa pamilya niya?"

Nakita ko ang paglambot ng mukha niya dahil sa mga sinabi ko. "I'm sorry. Hindi ko napigilan. I envy him when I heard na tanggap ka ng pamilya niya. I know you deserve that."

Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niyang yun.

"Yes. Sobrang tanggap ako ng family niya. Ganito pala yung feeling ng tanggap ka ng pamilya ng taong mahal mo. Ang sarap at ang gaan sa pakiramdam."

"I-im s-sorry." Kita ko sa mga mata niya ang mangungusap at guilt.

Napakagat ako sa labi ko at umiwas ng tingin.

"Sorry saan? Sa pag iwan sakin? O sa nalalapit mong kasal?" Sabi ko na hindi pa rin nakatingin sa kanya.

"Sa lahat. Bree I love you so much. Na nagawa ko ang lahat ng yun dahil mahal na mahal kita."

Gusto kong matawa sa sinasabi niya.

"Mahal? Nasaan dun? Iniwan mo ko dahil mahal mo ko? Magpapakasal ka dahil mahal mo ako?" Hindi ko na napigilan ang luhang kanina pang gustong kumawala sa mga mata ko.

Ano bang mahal ang pinagsasabi niya. Kung mahal niya ako bakit niya ako iniwan. Kung mahal niya ako bakit siya magpapakasal? Ang tagal ko siyang hinintay. Ang tagal kong umasa na babalikan niya ako. Pero umasa lang pala ako sa wala.

"May dahilan kung bakit ako umalis." Halos pabulong niyang sabi.

Tahimik lang ako. Gusto kong hayaan siyang magsalita at magpaliwanag.

"After our dinner with my family, my Mom wants me to go to the States para dun mag aral. Alam ko naman na hindi yun ang dahilan ng pagpapatapon niya sa akin doon. Alam ko na she wants me to stay away from you. But I can't. Kahit pa alisan niya ako ng mana o palayasin ng mga oras na yun ay gagawin ko wag lang mahiwalay sayo."

"But she threaten me na pahihirapan niya ang family mo pag hindi ako sumunod sa kanya. Kung ako lang ang mahihirapan ay kaya ko e. Pero alam ko na kaya niyang pahirapan ang pamilya mo para lang mapaghiwalay tayo. Ang mahirapan ka at ng pamilya mo ng dahil sakin... Yun ang hindi ko kaya."

"Kaya kahit masakit ay umalis ako para sayo. Pero tulad ng sinabi ko sa sulat ko sayo, kahit ilayo niya ako ikaw parin at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko."

Unti-unting lumambot ang puso ko sa mga narinig kong iyon. Ngunit agad ding nawala ng maala ko ang pagpapakasal niya.

"Then why are you getting married?"

"That's my only way para makauwi ng Pilipinas."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"If I will accept that arrange marriage mas may posibilidad na makabalik ako dito sa Pilipinas. Na hindi napaghihinalaan ni Mommy."

He sighed. "But then you and Gavin."

"Me and Gavin are fake."

EX FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon