Chapter 7 - One Month Deal Is Over

3.6K 96 0
                                    

N/A:

There are some revision napagpalit ko yung Chapter 5 & 6. You can read that again dahil may mga nabago at nadagdag. Thanks.

Don't forget to vote and comment :)

***

AUBREE's POV

After accepting Gav's offer ay agad niya akong pinapirma ng contract under their Agency.

I will be having a 2 year contract with their Agency. Nang makita ko ang mga plans nila for me ay nalula ako sa dami.

Kaya naman nagdesisyon akong magresign sa trabaho ko, dahil siguradong hindi ko maaasikaso ng maayos ang trabaho kong iyon sa ganitong arrangement.

Syempre hindi naging madali ang pag approve nila sa resignation ko. Nagkaroon ng kung ano-anong offer but nagdesisyon na ako. At kahit anong offer nila hindi na nila mababago ang desisyon ko.

Katangahan mang masasabi but I am still doing this for the same reason. I want to be on top. I want to be fit with Seb. I want him to see my worth and fight for me.

Alam ko at nararamdaman ko na mahal niya pa din ako. Yung mga tingin at kilos niya, sigurado ako dun. Kung bakit siya pumayag na magpakasal kay Sam yun ang hindi ko alam.

I don't want to hurt Sam. I know that she also love Seb. Kita ko iyon sa mga mata niya. Babae ako at ramdam ko yun.

Tulad nga ng inaasahan ay naging sobrang busy ako sa bago kong work. Sinama ko si Lauren with me. Kasama ko siya sa team, she offer na maging PA ko. Ayoko ko sana dahil maganda na ang position niya sa company but nung sinabi niya na dream niya talagang magwork sa industry na ito ay pumayag na ako.

Isang buwan na ang nakalipas and I must say na Gav is right. From the look of it I know that I can really be on top. And I can't wait for that to happen.

Sobrang thankful ako kay Gav dahil lagi siyang nasa tabi ko. Talagang tinupad niya ang sinabi niyanna siya ang magmamanage sa akin. Para siyang stage boyfriend.

Natutuwa talaga ako sa pagdating ni Gav sa buhay ko. She never fail to make me feel that I am worthy to be loved. Like his Mom napakabait nila sa akin.

Minsan naiisip ko na sana like Gav and his Mom ganoon na lang din si Seb at ang Mom niya. Sana mas masaya kami ngayon.

***

After nung last shoot namin for this week, Gav invited me na magdinner.

Dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant. Private ang lugar na ito. Siguro ay dahil tapos na ang one month deal namin kaya niya ako ininvite na magdinner.

Ang romantic ng place. Kung siguro totoong may relasyon kami ay kikiligin na ako ngayon. Who wouldn't naman? Pag nalaman mong pinareserve ni Gav ang restaurant na ito para lang sa aming dalawa. Bato na lang siguro ang hindi kikiligin.

But I know better. We need privacy. Dahil our One Month Deal is over. Kailangan na naming tapusin ang pagpapanggap tulad ng napag usapan.

Naging masaya ang dinner namin. So far hindi pa naoopen ni Gav ang tungkol sa deal.

***

GAV's POV

I am nervous.

Alam kong alam ni Bree na tapos na ang One Month Deal namin.

I wanted to extend it. I wanted it to be real.

Kaya naman pinaghirapan ko ang planong ito. I wanted it to be very special for the both of us.

I just wish that Bree will be able to hear my heart that is shouting for her name.

Mula noon hanggang ngayon siya lang ang gustong papasukin ng puso ko sa buhay ko. Now I realize why until now wala akong interest sa ibang mga babae, its because my heart long for only one girl. And that is Aubree Custodio.

"Bree." Malambing na tawag ko sa kanya.

Nakangiti siya at tumingin sa Kin..

"I'm very happy that I am giving a chance to be part of your life." Panimula ko.

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. At nagpapasalamat ako dahil hindi ako nauutal habang sinasabi iyon yan Bree.

"We both know that our One Month Deal is over. But believe it or not, I really enjoy this One month Deal. At kung ako ang tatanungin ay gusto ko itong i-extend to one year or extend it to forever."

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Bree nang marinig ang huli kong sinabi.

"G-gav" nauutal niyang sinabi.

Ayoko muna siyang magsalita. Gusto ko munang masabi sa kanya ang lahat-lahat.

"I knew it, when the first time I met you Ms. Chad that you will be having a special place in my heart and my life. Sobrang naiingit ako kina Christian because nung U.N. time natin ay naging close sila sayo. I wanted to approach you, to be friends with you pero hindi ko alam kung bakit natotorpe ako."

"At first akala ko na wala lang talaga akong interest sa mga girls, na masyado akong nainlove sa music and modeling kaya hindi makapasok ang kahit na sinong babae sa puso ko. But when I met you again my heart told me that I am wrong. Its not because of modeling and music, but its because of you. Dahil noon pa man ikaw na ang gusto ng puso ko."

"Sam may be my first girlfriend but that's not because I love her, but because of peer pressure. You may not be my first girlfriend but I know na kung tatanggin mo ako na you will be my last and will be my one and only wife."

Tumayo ako at lumuhod sa kanya. Kunuha ko ang isang box galing sa bulsa ko. Binuksan ko ito at pinakita ang isang bracelet na pinagawa ko just for her.

"Aubree Custodio I love you. Will you be will to extend our deal and make it real?" Kinakabahan kong tanong.

Nakita ko ang paglunok at pag iwas niya ng tingin.

Mayroon akong naramdamang kirot sa puso ko. Hindi pa niya nasasabi ang sagot niya ngunit from her action mukhang alam ko na ang sagot.

"G-gav..." Panimula niya.

"I'm very thankful that I came to know you. You made me feel loved and worthy. Mga bagay na gusto kong maramdaman kay Seb." Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.

"Kung ako lang ang masusunod, mas gusto kong piliin ka. Dahil with you, things are less complicated, less painful."

"I don't want to be unfair to you. You don't deserve that. You don't deserve me."

Gusto kong umalma sa sinabi niyang iyon ngunit agad siyang nagsalita.

"You deserve someone that mamahalin ka ng buong buo na walang doubts at walang kahati. Ayokong magsalita ng tapos. But right now my heart longs for Seb. Hindi ko alam kung magbabago pa ito dahil never ko namang sinubukang kalimutan siya."

"Ayokong paasahin ka. Until now I still love Seb. And until now I am waiting for him, because I know na mahal pa rin niya ako."

"Kung mahal ka niya? Bakit hindi ka niya magawang maipaglaban?" Malamig na sabi ko.

Nagagalit ako hindi kay Bree but sa Seb na yun. Bakit niya sinasaktan ng ganito ang babaeng mahal ko?! Bakit hindi niya maipaglaban si Bree? Dahil kung ako lang ang mahal ni Bree gagawin ko ang lahat wag lang siyang mawala sa akin.

"Hindi ko alam. Maniwala ka at hindi gusto ko ding pagalitan ang puso ko dahil hanggang ngayon siya din ang gusto nito. Na hindi ba siya nadadalang masaktan? Nadadalang mareject?"

He cupped my face. "Thank you so much Gav. But I cannot accept your proposal. I want to end this One Month Deal."

Napapikit ako. Ang sakit pero hindi ako susuko. I won't gave her up lalo na sa isang katulad ni Seb.

"Okay. One Month Deal is over... but the Real Deal is just starting." Sabi ko at agad tumayo at umalis ng restaurant.

Pagkapasok ko ng kotse ay hindi ko na naiwasang umiyak. For the first time I cried for a girl... For Aubree but I know that she's worth it. This tear is worth it.

EX FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon