Chapter 19 - The plan part 1

2K 54 0
                                    

AUBREE's POV

Its been months since nangyaring dinner date naming apat nina Gav.

Hindi ko alam pero parang hindi ako convince sa naging conclusion ni Seb tungkol sa nararamdaman ko kay Gav..

Dahil kung guilt lang ang nararamdaman ko kay Gav bakit ako nakakaramdam ng sakit at kirot sa dibdib tuwing nagkwekwento sa akin si Seb tungkol sa pagkakamabutihan nina Sam at Gav?

Gusto kong puntahan si Gav at tanungin kung nakalimutan na nga ba niya ako. Kung talagang nakamove on na siya sa nararamdaman niya sa akin. Bakit ang bilis naman niyang magmove on? Ganoon lang ba kababaw ang nararamdaman niya sa akin? At totoo bang nagkakagusto na siya kay Sam?

Final rehearsal na namin para sa latest collection ng Inarez Clothing.

Nakakapagtataka lang na parang ang weird ng atmosphere ngayon. At halos lahat ng staffs ay laging tumitingin sa akin, na tila bawat galaw at reaksyon ko ay inaabangan nila.

Naliwanagan lang ako sa mga nangyayari, nang makita ko sina Sam at Gav na sabay na pumasok sa may rehearsal room.

Mabilis na kumalat ang issue tungkol sa kanilang dalawa. Halos lahat ay pinag-uusapan ang nagiging madalas na paglabas nilang dalawa. Halos lahat ng katrabaho ko ay concern sa akin, dahil alam nga nila na naging magkarelasyon kami ni Gav. At ngayon ay parang lumalabas na naghiwalay kami ni Gav dahil kay Sam.

Gusto kong ipagtanggol si Gav. Gusto kong sabihin na siya ang pinaka naagrabyado sa sitwasyon. Na kung may dapat mang sisihin dun ay ako. Ngunit hindi ko naman magawa dahil sa takot na mabuko ang sekreti naming apat.

Muli ko na namang nararamdaman ang kirot sa aking dibdib. Simula ng nangyari ay ngayon na lang ulit dumalaw si Gav sa mga rehearsal ko.

Hindi ko nga alam kung matutuwa ako o hindi.

"Bree!" Nakangiting bati sa akin ni Sam.

Pilit na ngiti lang ang naibigay ko sa kanya.

"How's the rehearsal?" Formal na tanong ni Gav.

Gusto kong maiyak, dahil tila ba nawala na ang Gav na sweet at caring kong kaibigan. Ngayon kasi boss na boss na ang dating niya.

"So far, okay naman." Nahihiya kong sabi.

Tumango lang siya at pinuntahan yung head organizer ng event.

I wanted to cry but I can't. Ayokong gumawa ng eksena. Kaya naman minabuti ko na lang na magpaalam kay Sam at pumunta sa dressing room para doon umiyak.

GAVIN's POV

Nang nalaman ko ang plano ni Sam ay parang gusto ko siyang pigilan sa plinaplano niya. Dahil sa gagawin naming ito ay siguradong si masasaktan namin si Aubree.

And I never want that to happen.

"Gav we need to this. Kung hindi natin gagawin ito, mananatili lang si Aubree na paniwalain ang isang bagay na hindi naman totoo." Pagkukumbinsi sa akin ni Sam.

"But she will get hurt."

"Yes. She will get hurt but all the pain that she will be getting will be worth it." Seryosong sabi ni Sam.

Napapailing na lang ako. "Hindi ko siya kayang saktan"

"Mas masasaktan siya kung hindi natin ito gagawin. Can't you see na nahihirapan na siya? She's confuse and hurting."

Napahilamos ako ng mukha ko. Ano bang gagawin ko?

Lumapit sa akin si Sam. "Trust me Gav. This will all be worth it."

Nung nakita ko ang pain sa mga mata ni Aubree ay parang gusto ko siyang hilahin at yakapin. Kaya naman bago ko pa gawin yun, ay dumiretso na lamang ako sa head organizer at kinausap siya sa nalalapit na event ng Inarez Clothing.

As I was speaking to the head organizer ay nakita ko si Aubree na pumasok sa kanyang dressing room. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi ng kausap ko ngayon. Ang tanging laman lang ng isip ko ay si Aubree.

Aubree I promise you, after this you will never get hurt again. I will do everything para hindi ka na muling masakatan.

EX FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon