Chapter 18 - Aubree's Feelings

2.3K 51 1
                                    

Aubree's POV

Nagising ako na mabigat pa rin ang pakiramadam. Nakita ko kung gaano kamaga ang mga mata ko. Buti na lang at wala akong schedule para sa araw na ito.

I was about to go to my kitchen when I saw Seb cooking, wearing the same shirt that he ha yesterday.

"Dito ka natulog?" Tanong ko ng makalapit sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. "Good morning Bree!"

Nahiya naman ako sa pagbati niyang iyon. "Good morning Seb!" Mahina kong sabi.

Ngumiti siya ulit at muling bumalik sa kanyang pagluluto.

"Yes. Well, its kinda late and I'm kinda sleepy kaya I decided na dito na lang matulog. Galit ka ba?" Muli siyang lumingon para makita ang reakyon ko.

"No. Its okay. Mas okay na rin yun dahil baka kung ano pang mangyari sayo kung magdrive ka na antok na antok." Sabi ko.

Pinatay niya ang stove at saka inilagay ang niluto niya sa isang plate.

Lumapit siya sa akin na pilyong nakangiti.

Nanliit ang mata ko. "Bakit ganyan ang ngiti mo?" Paninita ko.

Lalong lumawak ang kanyang ngiti. Nang makalapit na siya sa akin ay agad niyang hinila ang baywang ko papalapit sa kanya. "Ano bang meron sa ngiti ko?" Painosente niyang sabi.

Inirapan ko siya. "Para kang may binabalak na masama."

Tumawa siya ng masama. Napakunot ang noo ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Naisip ko lang na since pinayagan mo na akong matulog sa pad mo, siguro kailangan ko na ring maglagay ng mga damit ko dito." Sabi nito habang sabay na tumataas baba ang kanyang mga kilay.

Nanlaki ang mata ko. "Excuse me? Hindi ako pumayag no! Gusto mo bang mabuking tayo ng mommy mo?"

"I was just joking Bree okay?" Sabi nito saka ako binitawan at nagsimula ng mag ayos ng mesa para sa breakfast namin.

Matapos magbreakfast, ay naupo kami sa may living room. Nakaramdam ako ng kaba. Alam ko na ito na yung time para pag usapan yung nangyari kagabi.

Tahimik lang kami, tila ba naghihintayan kung sino sa amin ang unang magsasalita.

Tumikhim si Seb. Humarap siya sa akin. "Bree masaya ka ba?" Seryoso niyang tanong sa akin.

Hindi ako makasagot. Hindi ko magawang sumagot. Dahil mismong sarili ko hindi alam ang sagot.

Alanganing tumawa si Seb. "What a stupid question! Kakasabi mo lang kagabi, hindi okay."

"Sinabi ko na hindi ako okay. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ako masaya." Sagot ko naman.

"Then bakit hindi ka okay?" Naguguluhang tanong ni Seb.

Hindi ko siya sinagot. Bagkus ay sinabi ko ang mga nararamdaman at mga bagay na gumugulo sa akin.

"I was happy when you told me you love me. When you told me na hindi totoo yung sa inyo ni Sam. Na its just a plan. Na ako pa din ang mahal mo." Panimula ko.

Nakatingin lang si Seb sa akin, naghihintay ng mga susunod ko pang sasabihin.

"Nung naging tayo ulit kahit patago ang saya saya ko. Kasi ngayon mas naghahanda na tayo. Pareho tayong handang lumaban."

"Pero hindi ko magawang lubusang sumaya dahil alam ko na may nasasaktan akong tao. When our one month deal ended, Gav confess to me how he really feels about me. He courted for real."

EX FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon