AUBREE'S POV
Natapos na ang isang buwan na bakasyon ko. At masasabi ko na malaki ang naitulong nito para makapag relax at magkapag isip ng maayos.
Sa isang buwan na yun ay pinatay ko ang akong telepono.
Dahil tama si Mama, tapos na ko sa pag please sa mga tao sa paligid ko. Its about time na isipin ko naman ang sarili ko.
Alam ko na mag aalala si Seb kaya bago ko pinatay ang telepono ko ay tinext ko siya at sinabi ko na gusto ko munang mag spend ng time sa pamilya ko kaya hindi ko siya matetext o matatawagan dahil papatayin ko ang telepono ko.
And my Mom is right. All my life, I never do things for myself. That I just do what I do to please others. And I was consume by my "love story" that I forgot myself in the process.
Kaya buo ang loob ko na ngayon, ako muna, ako naman.
"Sigurado ka bang okay ka na?"
Ngumiti ako kay Mama. "Yes po. Mas magaan na po ang pakiramdam ko kumpara noon."
"Ikaw ang bahala. Basta andito lang kami nakasuporta sa ano mang magiging desisyon mo."
"Salamat Ma!" At niyakap ko ng mahigpit si Mama.
Pabalik na ako ng Manila.
Una kong pupuntahan ay ang company nila Gav.
Agad akong pumunta sa handler ko para ipaalam na tinatanggap ko na ang offer sa akin na mag modelo sa ibang bansa.
"Sigurado ka ba dito Bree?" Hindi makapaniwalang tanong ng handler ko.
"100%"
Kumunot ano noo nito. "Anong drama natin ngayon? Una nagresign ka dahil lilipat ka na sa company ng boyfriend mo tapos ngayon tatanggapin mo yung offer sayo sa ibang bansa?! Magpaliwanag ka ngang bata ka!"
Natawa ako sa oa na reaksyon nito.
"Narealize ko lang na marami akong matututunan doon. Tsaka I want to do this for myself. Ako naman." Nakangiti kong paliwanag dito.
Niyakap ako nito at tinapik sa likod. "Kung sa tingin mo mas makakabuti sayo. Sige go lang! I'm happy for you!"
Ginantihan ko naman ang yakap nito. "Salamat!"
Matapos naming ayusin ang mga requirements para sa pagmomodelo ko sa ibang bansa ay dumiretso na ko sa condo ko para makapag pahinga at magkapag ayos.
I'm planning to invite Seb to have dinner with me.
Umidlip muna ako saglit dahil sa pagod sa pag aasikaso ng requirements.
Nang magising ako ay agad kong tinext si Seb para sa dinner mamaya. Excited naman itong sumagot.
I wore a simple white dress. Ilang saglit lang ay narinig ko na ang doorbell galing sa labas ng aking pintuan.
Pagbukas ko ay agad kong nabungaran si Seb na gwapong gwapo sa suot nitong maong at black na long sleeve na tinupi hanggang siko.
Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Hi babe I miss you!" Bulong nito.
BINABASA MO ANG
EX Factor
RomanceAubree felt betrayed when he found out that her ex-boyfriend Sebastian Dela Rama will be getting married to Samantha Fontanilla. They didn't had a proper breakup. He told her to wait for him and she did. That why when she met the new CEO of Inarez...