Chapter 27 - Her Choice

2.1K 51 4
                                    

AUBREE'S POV

Tila nasa ulap pa rin ako hanggang ngayon , hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"Are you okay iha?" Tanong ng ina ni Seb.

Tumingin ako kay tita tumango.

"Opo Tita, medyo naninibago lang po." Pag-amin ko.

She chuckled. "I understand Iha. Who wouldn't right?"

Naramdaman ko ang pagpisil ni Seb sa kamay ko. Napatingin ako doon at sakanya.

Ngumiti siya sa akin, assuring me that everything is alright.

Ginantihan ko ang ngiti niyang yun, ngumiti din ako kina tito at tita.


Nang maayos na ang dinner namin, ay agad kaming pumunta sa may dining room

Habang naglalakad ay tila muli akong bumalik sa nakaraan. Ang kinaibahan nga lang, mas relax na ako ngayon. Dahil nararamdaman ko na welcome na welcome na ako sa pamamahay na ito.

Nang magsimula kaming kumain ay tinanong ako ni Tito ng mga naging karanasan ko sa trabaho.

Nakakatuwa din ang mga naging reaksyon nila sa mga nangyari sakin.

Even Seb's mom said that she is proud of me. Na sobrang nagpasaya sakin.

Hindi ko alam, pero every time na maririnig ko ang mga compliment ni tita ay parang may kung anong saya akong nararamdaman.

Halos sa akin na umikot ang buong usapan.

Nang matapos ang dinner ay inaya ako ng ina ni Seb na magkape sa garden.

Hindi ako kinabahan dahil sa magaan na aura ni Tita.

Ibang iba nung una ko siyang makita at makilala.

Nang makarating kami sa Garden nila ay hindi ko maitago ang pagkamangha ng makita ko ang garden nila Seb.

Ang gaganda ng mga bulaklak, makikita, parang yung nakikita mo sa internet na pwedeng gawing wallpaper dahil maganda. Alam mo na talagang alagang alaga ang mga ito.

"Aubree iha." Tawag sakin ni Tita.

Agad kong nilingon si Tita. "Po?"

"Dito tayo." Sabi nito.

Agad naman akong sumunod at umupo sa may tapat na upuan ni tita.

Maya-maya lang ay dumating na ang katulong nila Seb na may dala-dalang dalawang kape na ipinahanda ni Tita.

"Kamusta ka iha?" Panimula nito.

"Okay naman po. Mas okay na po ngayong okay na po ako sa inyo." Nahihiyang sabi ko.

Napangiti ito sakin.

"Alam ko iha na nasaktan kita ng sobra, na ako ang kontrabida sa pagmamahalan niyo ng anak ko. Pero kahit na ganun, wala akong pinagsisihan sa ginawa ko."

Ngiti lang ang naisagot ko.

Gusto ko lang sa ngayon ay makinig sa lahat ng gustong sabihin ni tita.

"Ina ako iha. At ang gusto ko lang ay kung ano ang ikakabuti ng anak ko."

"Noong ipakilala ka sa akin ng anak ko ay lumabas ang pagiging ina ko. Gusto kong protektahan ang anak ko, gusto ko masigurado ang future ng anak ko."

"You were still young at that time. What I want for him is to finish his studies without distraction."

"Sa ngayon iha, alam ko na hindi mo ako maiitindihan pero alam ko pag dumating ang araw na mag kaanak ka ay maiintindihan mo rin ako."

EX FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon