GAVIN'S POV
Nang malaman ko ang plano nila mula kay Aubree ay agad kong pinuntahan si Sam.
Hindi naging madali para sa akin ang mga ginawa at sinabi ko kay Aubree. But I have to. This time, ako naman. I need to protect myself from her.
Alam ko na pag hindi ako umiwas ay hindi ko magagawang kalimutan siya. This is my way of letting her be happy with the man she loves.
I'm sure naman na kayang palitan ni Seb ang nararamdamang lungkot ni Aubree ngayon ng saya dahil sa nangyarj sa amin.
I admit, my heart broke when I saw her crying and begging me to stay. But I can't. I need this. It may be hard for the both of us but I know that this is for the better.
Someday she'll thank me for doing this.
Nang makarating ako sa condo ni Sam nakita ko siyang umiiyak.
Agad ko siyang nilapitan at niyakap.
"Gav!" Kita sa mga mata niya ang gulat.
"Shhh... Iiyak mo lang." Pabulong kong sabi.
Matapos kong sabihin iyon ay muli siyang umiyak. This time mas malakas.
Alam ko na alam niya ang dahilan ng pagpunta ko rito. Kahit na naging malayo kami sa isa't isa, hindi naging hadlang yun para mas lalo pa kaming maging malapit sa isa't isa.
Mas nakilala ko pa nga siya noong nasa America siya kesa noong nandito siya sa Pilipinas.
And I know she is hurting. Like me she loves him very much but she also choose to set him free.
Nang matapos umiyak si Sam ay agad ko siyang inabutan ng tubig.
"Thanks Gav." Sabi nito ng matapos makainom ng tubig.
"Why did you agree on his plan?" Seryoso kong tanong sa kanya.
Kita ko ang pag iwas ng tingin niya.
"Because of love?" Tanong ko sa kanya.
Dahan dahan siyang tumango.
My jaw clenched. "Dapat hindi ka pumayag. Sana umiwas ka na lang."
Pilit siyang napangiti. "Sana nga yun na lang ang ginawa ko. Pero ewan ko ba dito." Tumuro siya sa kanyang kaliwang dibdib. "Kasi hindi ko mapigilan ang umasa. Na baka pag nakikilala niya ako at nakasama, ay baka matutunan niya akong mahalin. Na baka kalimutan na niya na nagpapanggap lang kami at ituloy na lang ang kasal." Sabi niya habang tuloy tuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Pero alam mo naman kung gaano nila kamahal ang isa't isa diba? Alam mo na sa huli ikaw rin ang talo?"
Tumango siya. "Oo. Pero nung ipakilala mo siya na girlfriend mo mas lalong nadagdagan ang kakarampot kong pag-asa."
Napayuko ako. "Sorry. Its all my fault."
Hindi ko alam na dahil sa ginawa ko ay mas lalo ko pang nasaktan si Sam.
Umiling siya. "No Gav. Alam ko naman kung bakit mo yun ginawa. Masyado kasi akong madrama. But ang intension ko lang naman noon ay ang magkagirlfriend ka. Para naman magkakulay ang mundo mo at hindi puro music at modeling na lang."
Napangiti ako. "Thanks for your concern. Naging paranoid lang siguro ako."
"Paranoid dahil nandoon si Ms. Chad?" Panunukso niya.
Napangiti ako. "Maybe."
"You love her right?"
Tumango ako.
"Alam kong alam mo kung anong meron si Seb at Aubree but still you pursue her." Sabi niya.
She chuckled. "Pareho lang pala tayong adik sa pag-asa. Tulad ko kahit na alam mong talo ka, umaasa ka pa din na baka pag napakita mo kay Aubree kung gaano mo siya kamahal ay baka matutunan ka na rin niyang mahalin."
Tumango ako. "Yeah." Maikli kong sagot.
"Did you regret that you chose to take that risk?" Seryoso niyang tanong.
Umiling ako. "No. Kahit masakit hindi ko pinagsisihan."
"Agree. Kahit ako hindi ko pinagsisihan ang desisyon ko. At least kaya kong sabihin sa sarili ko na I did my best."
Kumunot ang noo ko. "How can you say that you did your best kung di naman alam ng taong yun na mahal mo siya? You told him that I am the man that you want to marry and not him."
Napayuko siya. "I-i can't."
"You can. Pag nasabi mo yun, that's the only time na masasabi mo you did your best. Wag mong hayaang pagsisihan na hindi mo nabigay lahat para makasama mo ang taong mahal mo." Seryoso kong sabi.
Hindi ko ito sinasabi kay Sam para guluhin sina Aubree at Sebastian. Its just that, I knew Sam needs to do this. At isa pa hindi naman maapektuhan nun ang relasyong meron sila ni Aubree.
"Baka hindi ko na makaya pag narinig ko mismo sa kanya na kahit anong mangyari hinding-hindi ko mapapalitan si Aubree sa puso niya." Naiiyak na sabi ni Sam.
Muli ko siyang niyakap.
"Don't worry. I'll help you. We will both move on."
***
A/N:
Short update for this chapter.
Feel free to vote and comment :)
BINABASA MO ANG
EX Factor
RomanceAubree felt betrayed when he found out that her ex-boyfriend Sebastian Dela Rama will be getting married to Samantha Fontanilla. They didn't had a proper breakup. He told her to wait for him and she did. That why when she met the new CEO of Inarez...