Gavin's POV
I was stunned when I saw her again. She's really a beauty.
Napakunot ang noo ko ng mapansin ko na nangayayat siya at mukhang stress.
Pero paano niya nagagawa yun? Na kahit na nangayayat siya at mukhang stress ay mukhang mas lalo pa siyang gumanda. Kelan pa nakadagdag ng ganda ang stress?
Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Maybe masyado lang talaga akong inlove sa babaeng ito kaya ako nagkakaganito. Mukhang kahit na maging buto't balat na lang siya ay siya parin ang pinaka magandang babae sa paningin ko.
Bakit ba kasi hindi na lang ako? Kung ako ang pinili mo I will make sure na hindi ka mangangayayat at mai-stress ng ganyan. I will do my everything just to make you happy.
I clenched my jaw. Paanong pag aalaga ba ang ginagawa niya kay Aubree?
Napailing na lang ako. Sino nga ba namang hindi ma i-stress sa patagong relasyon?
You don't deserve that kind of relationship. You don't deserve him Aubree. Sana makita mo yun. Sana makita mo ako, na ako ang mas deserving sa pagmamahal mo.
"Hey Gav!"
Napalingon ako kay Sam. "Yes?"
"Are you with us? Mukha kang tulala." Pagbibiro nito.
"Yes. Sorry may mga iniisip lang na trabaho." Pagsisinungaling ko.
"Hay naku. Pwede ba break ka muna sa work? We're here to dine and bond. You can't do two things at once." Sabi ni Sam.
Nakamot ako sa batok at napangiti. "Opo ma'am. Sorry po." Sabi ko then smile.
I'm really thankful that Sam is here. Ever since siya na ang naging girl best friend ko. Even nung naging kami. Kaya nga siguro siya ang pinili ko noong ligawan kasi with her parang ang gaan lang.
"You two look sweet." Singit ni Seb.
Sabay kaming napalingon ni Sam dito.
Kita rito ang pagiging masaya para kay Sam. I smirked. Sa wakas may isang bagay rin akong nakita na magugustuhan ko sa lalaking ito.
He loves Sam. Not in a romantically way nga lang. Kita ko yun the way she treat Sam. Bakit ba kasi hindi na lang siya nadevelop kay Sam? Sana mas okay ang lahat.
"Of course we are." Sabi ni Sam.
Napatingin ako kay Sam. Alam ko na kahit na masigla ang pagkakasagot ni Sam rito ay may halong lungkot ang boses niyang iyon.
I know her. She may be the ever positive Sam Castillo but deep inside she is hurting.
I hold her hand to comfort her like what we always do whenever we want to comfort each other.
Napatingin siya sa akin at makahulugang ngumiti.
Aubree's POV
Nagulat ako sa closeness na meron sila ngayon. Maybe hindi ko yun makita noon dahil busy si Sam with Seb while Gav is busy in our pretend relationship.
I was informed that they remained friends after they broke up and they are communicating each other every time that they have their free time. Medyo umiiwas na nga lang si Gav when Sam does her "guilty drama".
Ngayon na nakikita ko na close sila at mukhang kilalang kilala ang isa't isa, nakaramdam ako ng inggit. We are studying in the same school nung high school but I never had a chance to be close to him. Kahit nung U.N. Event hindi kami nakapag usap. I'm close with his friends pero never kaming nagkachance dalawa.
Siguro kung nagkausap kami ni Gav noon, baka ganyan na rin kami kaclose sa isa't isa.
Hindi ko alam kung tama ba na makaramdam ng sakit sa tuwing maiisip ko na maaring mahulog sila sa isa't isa. After all siya lang ang naging girlfriend ni Gav.
Gusto kong mainggit, seeing how sweet and nice he is to her, pero ako ni ngiti ay walang makuha mula sa kanya.
Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ng makita kong hinawakan ni Gav si Sam sa kamay, na tila ba mayroon siyang ipakahulugan doon.
I can't take it anymore. I can't take this pain anymore.
Napatayo ako. "Excuse me." Tangi kong nasabi at nagmamadaling lumabas.
"Wait! Bree wait!" Naririnig kong tawag sa akin ni Seb.
Para akong walang naririnig at tuloy-tuloy pa rin sa pag labas ng restaurant.
I stopped when I reach the parking lot.
I felt Seb's hand on my right shoulder.
Napakagat ako sa aking labi. I feel guilty.
Guilty kasi, lumabas ako dahil hindi ko na kayang makita ang sweetness nila Sam at Gav na dapat ay wala lang sa akin dahil may boyfriend na ako.
"What's wrong?" Nag aalalang tanong niya.
Napailing ako. "I can't do this anymore." Pabulong kong sabi.
Ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay na nakalagay sa aking balikat.
Agad niya akong iniharap. Kitang kita ang takot sa mga mata niya.
"What do you mean?" Kita mo ang pagpapanic sa boses at mukha niya.
"This. Pretending everything is okay, when the truth is NO! I am not okay! Seb I'm not okay." Nanginginig kong sabi.
Hindi ko na napigilang umiyak. I need this. I need to cry my heart out. Para naman kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.
"Shhh..." Agad niya akong niyakap upang pakalmahin.
"We will talk about this. But not tonight. You need to rest. We'll talk tomorrow." Mahinahong sabi ni Seb. Then he kiss me on may nape.
Napatango ako habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
EX Factor
RomanceAubree felt betrayed when he found out that her ex-boyfriend Sebastian Dela Rama will be getting married to Samantha Fontanilla. They didn't had a proper breakup. He told her to wait for him and she did. That why when she met the new CEO of Inarez...