Chapter 3 - 1 month deal

5.1K 112 0
                                    

AUBREE POV

Nagulat ako ng ipakilala akong girlfriend ni Mr. Korea kina Seb. At tulad ko mukhang gulat na gulat din si Seb.

Nanliit ang mata ko. Bakit gulat na gulat siya? Akala ba niya siya lang ang kayang magmove on?

Iniisip ba niya na hihintayin ko siya?

Pwes tama siya!

Hinihintay ko siya. Umaasa ako na kami pa rin.

Pero ngayon alam ko na na ako lang ang nag iisip nun.

Alam kong malapit ng tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Excuse me guys, Gav I'm here kasi for work so I can't stay with you this long. I need to talk to my clients." Malambing na sabi ko kay Gav.

Kita ko sa peripheral vision ko ang pagtitig sa akin ni Seb. I can't look back, dahil alam ko any minute ay tutulo na ang luha ko. 

I really need to get out of here bago pa nila makitang tumulo ang luha ko.

Tumango naman sila. Si Seb ay nakatingin pa din sa akin.

Pumunta ako sa may labas ng hall to get some fresh air and to release the tears that I am trying to hold.

Grabe ganito pala kasakit na makita, yung taong tanging minahal at hinitay mo ng matagal sa piling ng iba. And the worst part is, ikakasal na siya sa iba.

Wala akong nakitang ibang makakakasama sa future ko kung hindi siya. Kahit wala siya sa piling ko, ay sa kanya umikot ang mundo ko. I love him so much kaya I did my best to succeed, to be worthy for him. Para matanggap ako ng pamilya niya.

But reality hits me. Kahit anong gawin ko, I can never win his parents heart, hindi pa din sapat ang lahat ng naachieve ko para matanggap ako ng pamilya niya. At alam kong alam ni Seb yun, that's why he gave me up.

Ang sakit, ang sakit-sakit. Sana di na lang niya ako pinaasa, sana hindi na lang ako naghintay. Sana di na lang niya sinulat yun.

Pero sino nga namang niloko ko? Kahit naman hindi siya nag iwan ng sulat, alam ko na hihintayin ko pa din siya. Ganoon ko siya kamahal.

"Are you okay?" sabi ng taong nasa likod ko. Kinabahan ako bigla. Hindi naman siguro si Seb ito.

Gusto kong batukan ang sarili ko. Bakit naman niya ako susundan?

Agad kong pinunasan ang luha ko. I calm my self first before I face the guy na nasa likod ko.

And I admit medyo nadisappoint ako na hindi si Seb yung taong iyon. Dahil deep inside umaasa ako na sana siya yun.

"G-gav!"

Yes. Its Gav. Hindi ko alam na sinundan niya pala ako. Nakita niya kayang umiyak ako?

"K-kanina ka pa dyan?" I asked

"Nope. Hinahanap kita kanina kasi I believe that I owe you an explanation." Seryosong sabi niya.

"A-ah yun ba?"

Oo nga pala kanina pinakilala niya akong girlfriend niya. Pero bakit niya ginawa yun? Hindi ko na din naisip yun kanina dahil sa presensya ni Seb.

"Yes. Well Sam is my ex girlfriend. And we broke up because she needs to go abroad to study. After her I never had a girlfriend but not because I still love her, its just that I'm so busy with my career and I don't have time for love. And every time na nag uusap kami at nalalaman niya na wala pa kong girlfriend, she always do her 'guilt drama' thinking na I'm not yet over her. Which is not true." Paliwanag nito.

EX FactorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon