Chapter 13 Kikay Advise

44 2 0
                                        

<Sabrina Grace>

"Madam, si Kikay po ito. Papasok po ako, huh? Ihahatid ko lang po ang miryenda mo," sigaw niya mula sa labas ng pinto.

Tumingin lang ako sa pinto at hindi nagsalita.

Kikay open the door at nakita ko siya na may dalang tary. She smiled at me at lumapit sa akin.

"Madam, kumain ka na muna. Hindi ka bumaba para mag lunch. Naku, baka gutom na ang baby mo niyan," nag-aalala na sabi niya. Kikay smiled at me shyly. Nilagay niya ang tray na hawak sa table.

Nakatingin lang ako sa kanya habang umiiyak.

"I-iwan mo na lang diyan," habilin ko sa kanya.

"Ay madam, habilin ni sir Kioz ay make sure ko na kainin mo ito. Baka pagalitan ako ni sir. Gusto mo mabasa ang text niya madam?"

Kikay get my attention dahil sa sinabi niya.

"You're texting him?"

Pinunasan ko ang luha ko.

Gusto ko matulog sa mga oras na ito.

Late na na-realized ni Kikay ang sinabi niya. Tinakpan niya ang bibig niya.

Dinaig niya pa ako. I am not texting Kioz.

"Huwag kang mag-aalala madam, ikaw lang naman po ang topic namin. Kinakamusta ka ni sir sa akin at inuutuos sa mga kakainin mo at iinumin na gamot."

Kikay showed me the messages of Kioz; Lahat ng text niya ay reminder para sa akin.

Nagsisisi ako sa pakikipag-away sa kanya. Nakaramdam ako ng konsensya. Kahit na magka-away kami ay hindi pa rin niya ako nakakalimutan.

Nabasa ko sa text message niya na patahanin ako sa pag-iyak at iyung mga gamot na iinumin ko ng gabi ay pinaalala niya. He worried so much and ask about me often. Nabasa ko din iyung conversation nila kahapon. Time to time pala akong tinatanong ni Kioz kahapon kung gising na ako.

"Ang sweet ni sir, noh madam! Siya lang ang gumanyan sa iyo! Kay sir Jaedon hindi mo naranasan na ang ganito!" Biro ni Kikay.

"Oops! Hehe, peace."

Kikay sat in front of me. Nakasuot siya ng kulay pink na uniform ng mga kasambahay at may headband din siyang pink na ribbon ang design.

Para ko na din kapatid si Kikay.

"Siguro kaya hinayaan ni Lord na mabuntis ka ng kapatid ni Jaedon kasi gusto ni lord na iparamdam sa'yo na merong mag-aalaga sa'yo at deserve mo ng bagong lalaki! Charot! Every year mo dinadasal na maging part ka ng family ni sir Jaedon at ikasal kayo. Ganoon talaga ang buhay, hindi natin makukuha ang mga gusto natin. Hindi ibibigay ni universe ang want natin instead ay ibibigay niya ang magpapabago sa atin. Lahat ng bagay may dahilan. Isipin mo na lang na kung nabuntis ka ni Jaedon ay hindi ka niya maalagaan katulad ng ginagawa ni sir Kioz, at kung hindi ka nabuntis ni sir Kioz ay wala akong ka-text na gwapo!" Kinikilig na sabi ni Kikay sa huling sinabi niya.

Natahimik ako sa mga sinabi ni Kikay. I am absorbing every words she spills.

Siguro may point nga si Kikay.

"Isipin mo na lang. Ang spoiled brat mo at ang dami mong gusto pero napakapasensyoso ni sir Kioz sa iyo! Alagang-alaga ka niya! Imagine, kahit late na ng gabi ay inuuwian ka pa rin niya dito. Tapos papasok siya ng company. Imagine mo, ang layo ng company sa bahay na ito. Siya lang ang nakitaan ko na may patience at understanding sa'yo. Unlike kay sir Jaedon na basura ka kung traruhin! Hindi ko nga alam kung ano ang nagustuhan mo sa lalaking iyon, ang yabang ng aura at feeling na siya ang nagpagod ng mga meron siya sa buhay!" mahaba at inis na sabi ni Kikay.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon