Chapter 56 Tasha

23 0 0
                                        

<Sabrina Harrington>

"Wife, who is she?" Kioz asked.

"She's our new maid," I answered.

"I am her half-sister," sagot naman ni Tasha at inilahad niya ang kanyang kamay at tinanggap naman iyon ni Kioz.

Uminit ang ulo ko nang makipagkamayan si Kioz, what the hell! Gusto ba niya ang babaeng ito!? Ang unang babaeng nilalandi niya ay si Ara at ngayon naman ay si Tasha. Malandi si Kioz, period!

"Wife, you didn't tell me that you have sister," Kioz said habang nakatingin sa akin.

I rolled my eyes.

"Ang gwapo naman ng asawa mo, Sabrina - "

"Bakit? May balak ka na agawin siya!" Sikmat ko habang pinanlalakihan ko siya ng mata.

I heard Kioz chuckling. Ano ang nakakatawa?

"Hala! Hindi ah! At saka meron na nanliligaw sa akin sa province! Mayaman siya! Taga Manila. Kaya na rin ako pumunta dito para makipagkita sa kanya!"

Inakbayan ako ni Kioz habang nakangiti pa rin siya.

I was about to speak when Tasha spoke.

"By the way. My name is Tasha but you can call me Tash or Tashie para cutie," hagikgik niya, obvious naman na nilalandi niya si Kioz.

Tumawa naman si Kioz, nakikipaglandian din ang isang ito.

"You're cute."

Cute mo mukha mo! Tanginang Kioz ito!

Sa inis ko ay nag walk out ako.

"Sabrina!" Tawag sa akin ni Kioz pero hindi ko siya nilingon.

Magsama silang dalawa! Pag umpugin ko pa sila!

Hinabol ako ni Kioz.

"Sabrina," tawag niya sa malamunay na boses.

Galit ako na tumingin sa kanya.

"O, bakit? Doon ka sa Tasha! Mukha ka naman nag e-enjoy makipag-usap sa kanya."

Ngumiti siya ng malapad at hinila ako para mas mapalapit ako sa kanya.

"You're cute when you jealous," amuse na sabi niya at kinurot ako sa pisngi.

"Huwag ka ng magselos, ikaw lang naman ang mahal ko," nanlalambing na sabi niya, ang cute niya.

Paano pa ako magtatampo nito kung ang cute niya? He melted my stone heart.

Niyakap niya ako.

"Sa'yo lang ako, walang aagaw, at hinding-hindi ako magpapa-agaw," he assures me.

Wala na, nawala na ang selos na nararamdaman ko

Bakit ba ako magseselos sa Tasha na iyon? May dapat ba ika-selos?

"I hate that woman! Huwag kang magpapakita sa akin na kinakausap siya! Kung hindi ay puputulan kita ng isang darili! At hindi mo ba nararamdaman na nilalandi ka niya? She likes you! My half-sister like you!" alburuto ko.

Umiling siya at ngumuso.

"Hindi po, at huwag mo akong ibibigay sa kanya," takot na sabi niya habang nanlalambing, nakayakap siya sa akin.

"Ayoko sa kanya, gusto ko ay sa'yo lang," parang batang sabi niya.

Hinaplos ko ang buhok niya.

"Very good, huwag kang makikipag-usap sa babaeng iyon at baka mahawa ka ng rabies! Huwag mo din siyang lapitin at baka maging corny ka," I stated.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon