Chapter 35 Payne's Breakfast

17 0 0
                                    

How should the fact that life on earth is just a temporary assignment change the way I am living right now?

<Sabrina Harrington>

Kinaumagahan ay malamig ang pakikitungo ko kay Kioz.

Akala niya ay okay kami pero hindi.

"What's wrong?" Nakakunot noo na tanong niya sa akin.

Hindi ko siya tinapunan ng tingin o pinansin.

"Masama lang ang pakiramdam ko," I lied and not looking at his eyes.

Hinawakan niya ako sa kamay sabay halik sa noo ko.

"I'll stay home, aalagaan kita," husky na sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Kioz likes my long hair.

Bahagya ko siyang tinulak habang nakasimangot.

"Hindi na. May meeting ka pa. Kaya ko na ang sarili ko," malamig na sagot ko sa kanya.

Bahagyang umigting ang panga niya.

Napunta sa bewang ko ang kamay niya.

Nagpaalam siya sa akin na gagabihin siya dahil meron siyang meetings. He send me his schedule for today.

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan niya.

"Ano ang nararamdaman mo? Tell me, I am worried," nag-aalalang sabi niya habang nakakunot ang kanyang noo.

"Hi, love birds!"

Sabay kami napatingin kay Kioz nang biglang dumating si Liam.

Sumimangot ako kay Liam ng magkatinginan kami.

"Ang gwapo ko, noh?" Tanong niya sa akin at nagpa pogi sign.

Naiinis ako nakakakita kay Liam. Noon ay palagi kaming nag-aasaran pero ngayon ay inis na inis ako sa kanya.

"Pinapasabi ni dad na meron tayong family dinner," sabi ni Liam habang nakatingin sa kamay ni Kioz na nakahawak sa akin.

"When?" Tipid na tanong ni Kioz.

Liam shrug his shoulder.

Umupo si Liam at kumuha ng watermelon.

"What are you doing here?" Tanong ni Kioz sa kanyang kapatid.

"Akala ko ba isasama mo ako sa meeting? Hindi pa naman din ako pumasok," sabi ni Liam habang ngumunguya.

Gusto ko ng Tanghulu, natatakam ako dahil sa way na pagkain ni Liam.

"Okay lang ako," sagot ko kay Kioz nang tumingin siya sa akin.

Tinaggal ko na ang pagkakahawak niya sa kamay ko at para siyang nasaktan sa ginawa ko.

"Pumasok ka na sa trabaho," matamlay na sabi ko sa kanya.

His expression is still worried.

He cup my face gentle.

"Are you okay, wife?" Nag-aalalang tanong niya.

"Ang sweet, ah! Baka masundan kaagad si Nene," pagpaparinig ni Liam.

Tinaggal ko ang pagkakahawak ni Kioz sa mukha ko at nag-iwas ng tingin. Lumapit ako kay Liam.

Kioz heaved a sigh.

"All right," matigas at seryosong sabi niya.

"I'll go," malamig na sabi niya at kinuha ang coat niya na nakapatong sa upuan at umalis na lang bigla.

Sinundan ko siya ng tingin.

Bigla siyang nanlamig at parang nawala sa mood.

"Bad mood?" Tanong ni Liam sa akin habang kumakain.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon