Chapter 51 Drastin

26 0 0
                                        

<Sabrina Harrington>

"Kioz!" Sigaw ko.

"sige na!" Malakas na sabi ko at hinila ang kwelyo ng damit niya.

Bumuntong hininga siya at binitawan ang hawak niyang dyaryo.

"What your brain think again, huh? You know that I won't let you work," madiin na sabi niya.

"One month lang naman. I am so bored here."

"You're always bored."

Kinakabahan kasi ako, baka landiin siya ni Ara. Kaya gusto ko mag trabaho sa company para mabantayan ko siya.

"Sige na, huhu, please."

"Come with me in the company instead."

"Okay!"

Umupo ako sa lap niya at pinulupot ko ang mga kamay ko sa leeg niya.

He handle my immaturity so well, ang haba ng pasensya niya sa akin kahit sobrang kulit ko na sa kanya.

Napapa-isip ako kung kailan susuko si Kioz sa kakulitan ko.

Kapag nasa bahay siya ay wala akong ibang gagawin kundi ang kulitin siya, kapag naman nasa company siya ay kinukulit ko siya na umuwi na siya. He never failed na tumawag sa akin at mag text.

Para kaming teenager sa ginagawa namin.

"Kapag ikaw nagpalandi sa Ara na iyon ay kokotongan kita!" Pananakot ko sa kanya at pinisil ang magkabilaan niyang pisngi.

"Tsk! I am not interested to her," sagot niya at hinalikan ako sa labi.

Doon ka sa lalaking inaalagaan, pinapasaya ka at mahaba ang pasensya sa iyo.

Nakadating na kami sa company at si Ara ang sumalubong sa amin. Ang aga naman ng babaeng ito, dinaig pa niya ang may-ari sa kumpanya.

"Hi, Kioz!" Bati ni Ara sa husband ko.

Hindi siya pinansin ni Kioz at nakatingin sa kanyang kapatid na si Jaedon.

Magkasama ang dalawang maitim ang dugo.

Hinila ako ni Kioz at nilagpasan namin ang dalawa. Suplado mood na naman si hubby.

Dumating ang secretary ni Kioz nang makapasok na kami sa office.

May sinabing ilang mahahalagang bagay ang kanyang secretary at umalis na din ito.

"Kioz, bakit hindi ka nagagalit sa akin?" Biglang tanong ko sa kanya.

Galit siya sa lahat maliban sa akin.

"Why would I get mad to my wife?" Balik tanong niya.

"Eh?"

"You wouldn't like it when I get mad. I don't want to get mad at you dahil magagalit ka sa akin. In the end, ako itong manunuyo."

Parang sobrang kilala na niya ako dahil sa sagot niya.

Tumawa ako sa sagot niya.

"Eh syempre, kapag galit ka ay dapat galing din ako," tumatawang sabi ko.

"Tsk!"

Napailing na lang siya.

Bigla na lang may isang lalaking pumasok dito sa office, merong baril na nakasukbit sa kanyang waist, nakasuot siya ng overall black outfit ay natatabunan ng bangs ang kanyang mata.

Napakapit ako kay Kioz dahil sa takot.

Mukhang sindikato ang lalaking ito, professional na sindikato dahil nakasuot siya ng corporate attire, nakabukas din ang tatlong butones ng kanyang itim na longsleeve.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon