Chapter 52 Sampal

15 0 0
                                    

<Liam>

"Gago!" sabi ko sabay tawa.

"Tangina! Dali takbo!" Sabi ni Sage nang matapos niya pindutin ang doorbell.

Sumunod kami magpipinsan sa kanya. Tumakbo kami sa likod ng kotse para magtago.

Nakita namin si Klave na binuksan ang gate ng kanyang bahay at nagpalinga-linga sa paligid. Nagpipigil lahat kami ng tawa magpipinsan nang pumasok si Klave sa bahay niya.

"Tara na! Tangina! Ang init!" Reklamo ni kuya Jaedon.

Tumayo na kaming magpipinsan at nag doorbell ulit sa bahay ni Klave.

Doorbell ng doorbell si Sage at tumigil siya nang marinig namin ang yapak ni Klave.

Tawa lang ako ng tawa.

"Gago ka ba!" Galit na salubong ni Klave.

"Fuck you! Sisirain mo ba ang doorbell ng bahay ko?!" Galit na tanong ni Klave.

Tumawa lang kami.

"What are you all doing here? Hindi pa ako nakakapag grocery at nasa day off ang mga kasambahay ko," sabi niya kahit hindi naman namin tinatanong.

Kusa na lang pumasok si Jaedon sa loob at sumunod kami.

"Wow!" Tanging naging reaction ni Klave.

"Minsan parang ayaw ko na kayo maging pinsan dahil sa kapal ng mga mukha niyo," inis na sabi niya.

"Ano ang magandang gawin?" Tanong ni Xandriel nang maupo kami sa livingroom.

Pumasok si Klave sa kusina, iniwan niya kami.

"Oo nga, ano ba ang gagawin natin dito?" Tanong ko, sumama na ako dahil wala naman akong gagawin.

"Mag car racing na lang tayo," suhesyon ni Sage.

"At ako'y mapapatay na ni kuy Kieron," sabi ko sa kanila.

Maraming kotse si Kuya Kieron at ayaw niya mamigay ni isa.

"Mag overnight na lang tayo!" Suhesyon ni kuya Jaedon.

"Parang ayaw mo uwian ang asawa mo, ah!" Tukso ni Xandriel kay kuya.

"Fuck you! Sino ba kasi ang gustong mag settle ako? Masyadong pala-disisyon si daddy," inis na sabi ni kuya.

Tumawa si Klave na may dalang alak.

"Uy, favorite!" Sabi ni Sage at nagbukas ng beer.

"Sino ba ang babaeng iyan? Gusto mo itapon na natin si dagat? Ilagay natin sa malate at itapon sa dagat," suhesyon ni Klave at umupo.

"Karma mo iyan, brad!" tumatawang sabi ni Sage.

"Kamusta na pala si Kioz at ang asawa niya? Kasal pa ba sila or pinaghiwalay na natin ni Jaedon?" Tanong ni Xandriel.

"Paano ba iyan Jaedon? Hindi mo na maaagaw ang asawa ng kuya mo dahil naka lock down ka na," biro ni Sage.

"Eh? Gusto niyong pinatay siya ni kuya Kioz kapag ginawa niya iyon? Back up din ni kuya iyung isa namin kapatid, syempre kakampi ako kay kuya Kioz dahil siya ang nagpapalamon sa akin."

"Kawawa ka naman, Jaedon. Wala kang kakampi sa mga kapatid mo. Ang bitter mo kasing gago ka," sabi ni Klave.

"Okay lang iyan, brad," sabi ni Sage at tinapik ang balikat ni kuya.

"Kapag kailangan mo ng tulong, tawagan mo ako, kakalabanin nati si Kioz," tumatawang sabi ni Sage.

"Ano ba ang plano mo, huh?" Sage asked.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon