Chapter 5 Jaedon's Words

55 5 1
                                    

Problems, Don't call it problems instead call it challenges.

Ang problema tawanan mo lang lang yan wag mong isipin ang problema dahil pag inisip mo lalo kalang mamomoblema, tsaka hindi naman tayo bibigyan ng problema ni God hindi natin kaya walang problema na hindi ma sosolusyunan. Ang sarap kayang mabuhay kaya hayaan mo yang probleman nayan.

<Sabrina>

"Alam niyo ba ang chika? Nabuntis ni sir si ma'am, kaya pala hindi ko siya nakita na dinala ni sir dito iyon dati."

Napahinto ako sa pagbabasa nang marinig ko ang isang kasambahay.

Hindi ko alam kung nasaan sila. Naririnig ko ang kanilang boses.

"Baka sinadya niyang magpabuntis kay sir Kioz dahil habol niya ay pera at power!" Anang isa sa kanila.

"Malandi si Ma'am, ang chika diyan ay gusto ni Ma'am Grace ang kapatid ni Kioz na si Sir Jaedon. Naku, ang inosente ng mukha niya iyon pala hitting two birds in one stone siya!"

Familiar ang boses nang apat na nagsasalita na kasambahay.

"Sigurado ako na sinadya ni ma'am Grace iyon! Alam ko meron siyang business! Kaya siya nagpauntis para palakasin ang business niya! Anak mayaman naman siya, pero gold digger!"

Kinuyom ko ang kamao ko sa narinig ko.

"Baka nga hindi anak ni sir Kioz iyon!"

Naluluha na ako dahil sa mga sinasabi nila tungkol sa akin.

"At kung anak naman ni sir Kioz, ay pupusta ako na sinadya ni ma'am na magpabuntis kay sir natin!" Sigurado na sabi ng isa sa kanila.

Alam na ng lahat ang nangyari.

Pinunasan ko ang luha ko at pumasok sa kwarto.

Wala si Kioz dahil pumunta siya sa kumpanya, ang sabi niya sa akin ay may-aasikasuhin lang siya saglit.

Pati sa sarili kong shop ay pinag-uusapan ako ng mga staff ko.

Akala ko ay mabait ang mga kasambahay ni Kioz.

O baka tama din sila ng sinasabi sa akin.

I lock the door at umiyak ako mag-isa. Nagdadasal ako na huwag munang umuwi si Kioz dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kapag nakita niya akong umiiyak.

Si Kikay lang ang nag-iisang tao na hindi nag ju-judge sa akin.

Napahawak ako sa tiyan ko at pinagsusuntok ko iyon.

Dahil sa bata na ito ay tuluyan na akong nawalan ng pag-asa kay Jaedon. Dahil sa bata na ito ay nakulong ako sa isang kasal na hindi ko naman ginusto.

"Arrggg! Bwisit!" I punch my tummy hard para mawala ang bata. Ayaw ko sa bata na ito.

Nang walang nangyari dahil sa pagsusuntok ko ay humagulgol ako sa iyak. My life is a mess.

Lumipas ang buong umaga ay hindi pa rin umuuwi si Kioz kaya naisipan ko na pumunta sa bahay nila. Alam ko na nandoon si Jaedon.

Sabik ako na makita si Jaedon. Ilang araw ko siyang hindi nakita, hindi ko akalain na hindi ko siya kayang isipin ng isang araw. Kioz occupied my mind dahil sa strict niya sa akin, ginagawa niya akong bata na walang alam. Ang daming bawal at hindi pwedeng gawin. Pakiramdam ko ay para akong isang grade school. Dapat ay maaga natutulog at huwag magbabad sa gadgets.

Nakabihis na ako. Nagbihis ako ng mabilisan. Takot ako na hindi ko maabutran si Jaedon sa bahay, alam ko ang schedule niya kapag pupunta siya sa bahay.

Kahit merong sariling bahay si Jaedon ay alam ko na madalas siyang umuuwi sa magulang niya.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon