Chapter 44 matampuhin si Sab

16 0 0
                                    

<Sabrina>

"Wife, hindi pwede," madiin na sabi ni Kyo sa akin.

Nag-aaway kami.

Kanina pa kami hindi magkasundo.

"But I want to go out and go there," pamimilit ko.

"Hindi pwede," seryosong sabi niya.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan, Grace."

Para na akong maiiyak.

"How about we go together?" I suggest.

Nakita ko kasi sa news na merong carnival malapit sa subdivision at madaming rides. Ayaw akong payagan ni Kyo na pumunta doon ngayong gabi, at sumakay ng rides. I texted Cynthia awhile ago, inaya ko siya at mabilis naman siyang pumayag. I guess, Cynthia is not mad at me despite my attitude towards her. I felt na gusto niya makipag close sa akin.

"Bakit si Cynthia pinayagan ni Kieron? Ikaw, ayaw mo akong payagan," masama na loob na sabi ko sa kanya.

Nandito kami sa kwarto, at kanina ko pa siya pinipilit na payagan na ako lumabas.

Kakauwi niya lang.

Tumingin siya sa tummy ko.

"Look at your tummy and give me a valid reason why should I risk my child," seryosong sabi niya.

Pinipilit ko na tumulo ang luha ko.

"Hubby," malungkot na sabi ko. Gusto ko na umiyak sa harapan niya, para maawa siya sa akin.

"Sabrina Grace, it's late in the evening."

Padabog akong umupo sa sofa.

Para ako isang teenager na ayaw payagan makipag overnight.

"Ang strict mo," masama na loob na sabi ko habang nakasimangot.

Kanina pa ako nakasimangot at nagdadabog dito.

"Do you think papayagan kita ng ganitong oras?" Tanong niya sa akin.

Tumingin ako sa wall clock.

Alas nueve na ng gabi.

"A no is a no. You wouldn't change my mind," madiin na sabi niya habang nakatingin sa akin.

Nakasimangot pa rin ako.

Tinanggal niya ang necktie niya, at hinubad niya ang kanyang coat.

Masama ang tingin ko sa kanya habang nakasimangot.

"If I am not pregnant will you let me go to carnival?" I ask.

"No."

Lalong sumama ang loob ko dahil sa naging sagot niya.

"Why you don't want me to go there!" Inis na tanong ko sa kanya, and I stomped my feet.

Napahinto siya sa pag unbutton ng longsleeve niya at tumingin sa akin.

"There's a lot of people out there at baka ano ang mangyari sa'yo," concern na sabi niya.

"You'll be with me naman diba?" Umaasa na tanong ko.

"It's late in the evening, I won't let you go to that kind of place. I don't want you to ride extreme rides, baka ano pa ang mangyari sa'yo."

Inis na inis ako sa sinabi niya.

Tumahimik na ako habang minumura ko na siya sa isip ko.

Hanggang sa matapos siya magbihis ay tahimik pa din ako.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon