Chapter 48 Slip

14 0 0
                                    

<Sabrina>

"Ate, papasukin mo na si kuya, nakaka-stress ang pinapagawa niya sa akin," pagmamakaawa ni Liam, ilang araw na niya akong kinukulit na papasukin ko na sa trabaho si Kioz.

"Ang dami ko ng meetings inattend. Hindi na kaya ng mental health ko ate, maawa ka na sa akin, huhu. Wala na akong time sa girlfriend ko, stress na din ako. Kabilaan iyung nag e-email. Ang dami ko kailangan puntahan na meeting, i-meet na potential partner, tapos ang daming kailangan pirmahan. Ayaw ko na ate, papasukin mo na si kuya sa company, please," naiiyak na pakiusap ni Liam sa akin at nakahawak na siya sa kamay ko.

Hindi ko ma-convince si Kioz.

"Liam, wala na akong magagawa sa bagay na iyan. Ilang araw ko na din pinagsasabihin si Kioz, nag-mamakaawa na din ako katulad mo."

"Ate," ungot niya.

"Pagod na pagod na ako. Tignan mo ang eyes ko," turo niya sa ilalim ng mata niya.

"Pinakamahaba na iyung tatlong oras na tulog ko sa isang araw. Pagod na nga ako tapos pinapagalitan pa ako ni kuya. Ate Sabrina, maawa ka na sa akin, huhu."

Napabuntong hininga ako.

Tatlong araw na kaming nandito ni Kioz sa mansion at one week and three days na inaasikaso ni Liam ang company.

Hanggang din ay hindi pa rin pumapasok si Kioz sa company, nakabantay siya sa akin at ayaw niyang umalis sa tabi ko.

"Ate Sabrina, huhu," iyak ni Liam.

"This is fucking torture. Hindi pa rin binabalik ni kuya ang allowance ko. Ate, mamatay na ako kapag nagpatuloy pa ito ng one week," pag da-drama niya.

"Kakausapin ko ulit siya mamaya," assure ko sa kanya.

Naaawa na din ako kay Liam dahil oras-oras siyang nasesermunan kay Kioz.

Malapit na maiyak si Liam sa harapan ko dahil sa daming ginagawa sa company.

"Ayaw din ako tulungan ni kuya Jaedon, tangina nu'n!" Mura ni Liam.

"Masyadong pasarap sa buhay!" Gigil na sabi ni Liam habang galit ang kanyang mukha.

"May meeting na naman! Ayaw ko na pumasok sa company. Nawala na iyung social life ko," malungkot na sabi ni Lim.

"Papasok din sa company si Kioz," malumanay na sabi ko.

"Mukhang wala na sigang balak pumasok!" Ungot ni Liam.

"Kakausapin ko ulit siya mamaya," assure ko sa kanya.

Kahit anong pilit ko kay Kioz ay ayaw niya akong iwan, sobra siya nag-aalala sa akin kaya hindi siya pumapasok sa trabaho.

"Training ko daw ito sabi ni kuya K," reklamo ni Lee.

"Di ko alam kung trainig or torture ang pinapagawa niya. Ang bata-bata ko pa para ma-stress ng ganito."

Natatawa na lang ako kay Liam.

"Hindi naman ipapagawa sa'yo ng kuya mo iyan kung wala siyang tiwala sa'yo, he is seeing potential sa'yo." tanging nasabi ko.

"Why are you here?"

Sabay kami napatingin ni Liam kay Kioz na papalapit sa pwesto namin.

Napalunok at napa-ayos ng upo si Liam.

"Kuya..." Liam.

"Kioz, hindi ka ba papasok sa company?" Malambing na tanong ko.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"You have meeting an hour," Sabi ni Kioz sa kapatid niya at umupo sa tabi ko.

"Masama ang pakiramdam ko," nanghihinang sabi ni Liam.

Wedded by FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon