greatest matters?
<Sabrina Harrington>
Nakahiga na kami ni Kioz sa kama at nakasiksik siya sa akin. Hinahaplos niya ang legs ko at ang isang kamay niya ay malapit na mapunta sa dede ko.
"Wife," tawag niya sa akin sa malalim na boses.
Naramdaman ko na hinalikan niya ako sa balikat ko. Kinalibutan ako.
"K-kioz, I am tired," inaantok na sabi ko sa kanya.
Kapag ganito si Kioz ay alam ko na gusto niyang umisa.
"I'll do the work. You'll just moan," husky na bulong niya at hinalikan ako sa tenga at pisngi.
Napapikit ako nang mapunta sa dede ko ang isang kamay ni Kioz at bahagya niyang pinisil.
Hindi ako nagsalita at patuloy siya sa paghalik sa akin.
"K-kioz, hindi na pwede. Malaki na ang tiyan ko," paalala ko sa kanya, pero hindi siya nagpatinag sa akin.
"Pwede pa iyan. I know a position."
Napapaikot na lang ako ng mata dahil gagawa talaga siya ng paraan para makuha ang gusto niya.
Hinahalikan niya ako sa mukha ko, at bahagya niyang itinaas ang dress ko.
Pinaharap niya ako sa kanya at siniil ng halik.
Hinayaan ko si Kioz sa gusto niya. Hindi ko din alam kung paano namin nagawa ang bagay na iyon kahit malaki ang tiyan ko. He was very careful and worried to me.
Pagkatapos namin sa isang mainit na gabi ay hinalikan niya ako sa noo.
"Good night to my baby," sabi niya at hinalikan ang tiyan ko.
Niyakap niya ako inilagay niya ang isang kamay niya sa tiyan ko.
I found him sweet to his gestures.
Pagkagising ko ay wala na si Kioz sa tabi pero pinaghanda niya ako ng pagligo ko.
Hindi pa ako nagsusuklay at nagtungo na ako sa kitchen. Nadatnan ko si Kioz na nagluluto.
I yawned kaya napansin ako kaagad ni Kioz.
"Good morning," bati niya at lumapit sa akin.
"And good morning to my baby," sabi niya nang lumuhod siya sa harapan ko at hinalikan ang tiyan ko.
"How's your life, huh?" Malambing na tanong niya at inayos ang buhok ko na humaharang sa mukha ko.
"I'll brush your hair," sabi niya habang inaayos ang buhok.
Binitawan niya ang sandok na kinuha niya at umalis para kumuha ng suklay. Mabilis lang din siya nakabalik.
Ano ba ang niluluto ni Kioz?
Pinaupo ako ni Kioz sa kandungan niya habang sinusuklay niya ng marahan ang buhok ko. I encircle my arms to his neck.
Nang matapos niya akong suklayin ay niyakap niya ako. Nakasubsob kasi ang mukha ko sa leeg niya.
"What do you want for breakfast?" Malambing na tanong niya habang hinahaplos ang likod ko at hinihila ang strap ng bra ko.
Umiling lang ako sa kanya.
"My big baby," he said.
"I cooked your favorite mushroom soup," sabi niya.
Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
"K-kioz," naiiyak na tawag ko sa pangalan niya.
"Yes, wife?"
Umiling lang ako.

BINABASA MO ANG
Wedded by Fate
General FictionSabrina has had a crush on Jeadon for a very long time. And perhaps she is in love with him. One evening when Jaedon is drinking with his brothers and Sabrina is drunk too, she plans to seduce Jaedon so she goes to his room and has sex with him. Sab...